Chapter 16: Jealousy

1.9K 46 5
                                    

Chapter 16: Jealousy

Yumi's POV

Naramdaman ko ang sobrang lamig. Parang mafo-frozen na yung buong kalamnan ko sa sobrang lamig.

Dinilat ko ang mga mata ko at nagulat sa nakita ko.

Bakit ako nandito?

Paano ako nakabalik dito? Dinala ba ako ng mga kumuha sakin pabalik dito sa Japan? At bakit nasa loob ako ng isang selda na ginagamit sa isang laboratory?

Ang lamig.

Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig at napaupo na ako nang mapansin kong may mga tao sa labas.

Okásan, otósan, kyoudai. Naze? (Mother, father, brother. Why?)

"Okásan!!"

Bakit hindi nila ako naririnig? Please lumingon kayo dito, nandito ako.

Pati luha ko parang nagiging yelo sa sobrang lamig.

Kahit anong sigaw ko mula sa loob ay hindi nila ako narinig. Maya-maya may lumapit sa kanilang mga tao na naka-itim at yung isa naka-kimono.

Isa siyang yakuza.

May inilabas sila. Katana at baril. Anong gagawin nila?

"Okásaaaan!!"

Kasabay ng pagsigaw ko ay ang sunud-sunod na putok ng baril ang narinig ko.

"Yumi! Yumi!"

Napabangon ako sa sobrang pagkabigla at napa-aray sa sobrang sakit ng katawan ko at nakita ko si Drake na nag-aalala yung mukha.

Isang bangungot lang pala. Bangungot na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabibigyan ng kasagutan.

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid na puro puti lang. At napansin kong may nakakabit pa saking dextrose at benda sa ulo at kaliwang kamay ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? Ikukuha kita ng pagkain. Hintayin mo---"

Hindi ko siya pinatapos dahil gusto kong malaman kung anong nangyari. Parang na-lost track ako sa oras.

Huling naalala ko ay nasa loob ako ng silid habang pinapahirapan ng mga taong yun tapos may dumating.

Dumating si...

"Si Evo? Nasaan siya? Kailangan ko siyang makausap, nandun siya eh. Niligtas ako ni Evo, kailangan ko siyang pasalamatan."

Napansin ko nalang na biglang nainis yung mukha ni Drake sabay buntong hininga at ngumiti sakin ng pilit.

Bakit pinipilit niyang ngumiti? May nangyari bang masama kay Evo?

"He'll be here in a sec. Hintayin mo ko, ikukuha kita ng mainit na soup. You were asleep for four days, I'm sure gutom ka na."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay matamlay siyang lumabas sa kwarto. Bakit kaya? Napahamak din ba si Evo sa pagligtas sakin?

At apat na araw? Ganun na ba ako katagal na walang malay?

Drake's POV

Sa loob ng apat na araw wala akong saktong tulog, wala rin akong matinong kain.

Binabantayan ko lang si Yumi dahil gusto ko pagkagising niya ay ako ang una niyang makikita.

Hindi ko rin siya pwedeng iwan dahil nagkaka-seizures siya dala ng convulsion. At sa tuwing inaatake siya ay hindi ako mapakali.

Kung hindi ko lang sana siya hinayaang sumama kay Ayato, hindi sana 'to nangyari. Kasalanan 'to ng magaling kong kapatid.

"Okásan..."

Narinig kong nagsasalita si Yumi. Parang nananaginip ata siya, napahawak na siya sa kumot nang buong lakas.

At hindi niya pwedeng gawin yun dahil magdudugo ang kamay niya na may dextrose, at pati na rin sa kaliwang kamay niya na bawal mapwersa.

Mabibinat siya at baka magkakaproblema na naman yung kamay niya. May bone fracture na nga siya.

"Yumi! Yumi!"

Agad naman siyang napabangon at sobrang putla niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba? Ikukuha kita ng pagkain. Hintayin mo---"

Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko nang sumabat siya nang mas ikinagulat ko.

Hinid ikinagulat. Ikinainis ko pala.

"Si Evo? Nasaan siya? Kailangan ko siyang makausap, nandun siya eh. Niligtas ako ni Evo, kailangan ko siyang pasalamatan."

Si Evo? Nandoon din naman ako ah, hindi nga lang ako yung nag-alis sa kanya sa impyernong yun pero nandoon din ako.

Niligtas ko din siya.

"He'll be here in a sec. Hintayin mo ko, ikukuha kita ng mainit na soup. You were asleep for four days, I'm sure gutom ka na."

Ngumiti lang ako sa kanya saka lumabas ng kwarto.

Si Evo na naman ang nakikita niya. Sana pala ako nag-insist akong ako ang magligtas sa kanya doon.

Nagdiretso na ako sa cafeteria ng hospital at nag-order ng mainit na sopas.

Kahit na ganun yung unang sinabi niya, masaya pa rin ako. I'm happy that she's now awake and she's fine.

All I have to do is to protect her. Hindi ko na hahayaang makalapit pa ang bwesit na Ayatong yun sa kanya.

Bumalik na ako sa room ni Yumi. Papasok na sana ako nang may narinig akong nag-uusap at nagtatawanan.

That's Yumi's voice. Sino kausap niya?

"Pero sigurado ka bang okay ka na?"

Si Evo? Napakuyom ako sa sobrang inis. Nang-aagaw na naman 'to ng spotlight.

"Okay na ako. Sobrang salamat talaga ha? Kung hindi ka dumating, baka wala nang Yumi dito sa mundo."

Di na ako nakapagpigil kaya pumasok na ako sa loob. At nagulat naman sila dahil nakasimangot ako.

Sinamaan ko ng tingin ang bwesita ni Yumi.

"Kumain ka muna nito para magkalaman ang tiyan mo." Sabay abot sa sopas na binili ko.

"Nag-abala ka pa talaga, Drake. Salamat."

Ako pa rin mag-aalaga sa kanya. Ano ka ngayon Evo?! Huh!

"Yumi, bumili ako ng mga prutas. Anong gusto mong kainin? Ipagbabalat kita." At nag offer pa talaga ang mokong noh?

"Ah mamaya nalang Evo. Kakainin ko muna 'tong sopas. Salamat."

Hahahahahahahaha! Pahiya ka ngayon?

"Tumawa ka na Drake. Wag mong pigilan, baka mautot ka."

Sabay naman kaming napatingin kay Yumi nang maibuga niya ang kanyang kinakain.

Pinahiya ako ng animal na Evo.

Kinuha ko agad yung tissue sa mesa at pinahiran ang bibig ni Yumi. Oh diba, manood ka Evo kung gaano kami ka-sweet.

Mainggit ka!

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

"O-okay lang, salamat."

"Uminom ka muna. Baka hindi ka nasarapan sa pagkaing bili ni Drake. Gusto mo bang ibili kita sa labas? O kaya ipagluluto nalang kita." Sabi niya sabay abot ng baso ng tubig.

Ha! Pasikat! At aba, hinawakan pa talaga ang kamay ni Yumi ha. Aabot lang ng tubig, chuma-chansing pa ang gago.

"Hindi kumakain si Yumi ng luto mo."

"Bakit, si Yumi ka ba? Hindi naman ikaw tinatanong ko eh."

Sumabat pa talaga. Uuuuugh! Nakakagigil sarap hambalusin nitong steel chair eh.

"Wag nga kayong magtalo mga wala naman kayong kwenta. I already cooked for her. Tadaaaa!"

Napalingon kami sa bagong dating na asungot. At may dala nga siya. Bakit ba ang daming panira sa moment ko with Yumi?

Ayato! Teteng ina mong gago ka!

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon