Chapter 56: The silver haired man

894 18 3
                                    

KASALUKUYANG nasa conference meeting si Maiko kasama ang ilang mga board members ng kompanya habang nakatingin sa rep ng kanilang team na i-discuss ang kanilang susunod na project sa buwan na ito nang biglang sumakit ang kanyang ulo.

Napahawak siya sa kanyang sentido at marahan niya itong minamasahe habang pinipilit niya ang kanyang sarili na mag-focus sa sinasabi ng kanilang rep.

"Maiko, are you okay?" Naulinigan niya ang boses ni Evo na nasa kaliwa lamang niya nakapwesto.

Ngumiti siya rito at saka tumango. I'm having someone else's vision again, sa isip niya.

Nagtagal ang kanilang meeting ng halos isa't kalahating oras lalo pa't hindi siya masyadong nakakapagsalita ng maayos dahil sa pagsakit ng kanyang ulo at ang pagha-hallucinate niya.

"You're not in yourself. What happened? Is there something bothering you?" Tanong ni Evo nang makabalik sila sa kanyang office room.

Hindi na niya ito sinagot at pabagsak siyang naupo sa kanyang swivel chair at mariing ipinikit ang kanyang mga mata.

"Do you need something? Or you want to say anything?" Hindi niya gustong maramdaman ang nararamdaman niya ngayon pero naiirita siya sa lalaki dahil kanina pa ito tanong ng tanong.

"For crying out loud, just shut up!" Napasigaw na siya sa inis at napabuntong hininga, "I-I'm sorry. I was... It's just that... Where'd you put my medicine? I know it's you who hid it. Can you give it back? I'm... I just need it."

Tinitigan lamang siya nito sa halip na tugunin ang kanyang sinabi.

Evo's POV

"For crying out loud, just shut up!"

Nagulat ako nang bigla niya akong sigawan. Okay. Alam kong masama ang pakiramdam niya ngayon dahil kanina pa siya ganyan kahit nasa meeting pa lamang kami. Pero nag-aalala lang naman ako sa kanya. She doesn't need to shout.

"I-I'm sorry. I was... It's just that... Where'd you put my medicine? I know it's you who hid it. Can you give it back? I'm... I just need it."

Imbes na sagutin ko siya ay nakatitig lang ako sa kanya. Para na kasing ibang tao na itong minahal ko ngayon. Yes she is Maiko now pero umaasa pa rin akong nandito pa rin ang isang Yumi sa kasalukuyan. Yumi is a very soft spoken person at oo naiirita rin siya pero hindi siya ganito. She is really Maiko Fujiwara after all.

"I don't have any idea about your medicines whatsoever," diretsong sagot ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa kanyang mukha, "And you don't have to yell at me like you're rubbing it in my face that I'm annoying you as hell. Perhaps, you don't care that I care for you."

Bigla siyang napayuko sa sinabi ko. Hindi ko sana sasabihin 'yon pero parang pinapalabas niya kasi ang gano'n.

Tumayo siya at nilapitan ako, "I'm sorry. It's just a bad day. Bad mood. Bad health. It's—"

Hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla siyang napahawak sa kanyang ulo na para bang binibiyak ito sa sakit. Naramdaman ko ang sakit na 'yon dahil sa nakikita ko at sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko na halos bumaon na ang mga kuko niya sa balat ko.

"Aaaagh!! Uhmmp..." Impit niya.

"Come here," iginiya ko siya paupo sa couch, "Wait for me, I'll call the doctor."

Lalabas na sana ako ng office niya nang makarinig ako ng pagbagsak at paglingon ko'y nakita ko si Maiko na nakahandusay sa sahig at walang malay.

------

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon