6 years later...
Ayato's POV
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
Napatingin ako sa bride. She looked so pretty on her wedding dress.
Masigabong palakpakan naman ang pumangibabaw sa buong simbahan. I'm happy.
"Congratulations, pare." dinig kong sabi ng isa sa mga kagrupo namin nung nasa college pa kami.
"Congratulations, Jake. Tali ka na ngayon, wala nang night life para sayo kundi ang pagbabantay nalang ng bata," at nagtawanan na lang kami sa tinuran ni Vince.
Kinasal na ang isa sa mga kaibigan ko nung college. And he already found his happiness. Napatingin ulit ako sa bride. Ano kaya ang hitsura niya pag nagsuot siya ng ganyan? I'm sure she's the most beautiful and I'm the happiest person in the world waiting for her at the altar. Kung buhay lang sana siya.
"Ayato. It's good to see you here, man! Akala ko hindi ka na dadalo sa kasal ko. Kumusta naman ang buhay Dora the Explorer?" natatawang tanong niya.
"Tss! Loko ka. Siyempre, ganun pa rin. Naghahanap ng peace of mind," sagot ko sa kanya.
Inakbayan niya ako, "Ilang bansa na ba ang napuntahan mo sa loob ng anim na taon? Alam mo pare, hindi ka kasi talaga makaka-move on kung hindi ka magli-let go. Set it free, magtiwala ka sakin. Effective yan."
Iniwan na niya ako at in-entertain ang mga pamilya ng napangasawa niya. I've been to 8 countries already. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa Pilipinas after what happened in Japan. Ngayon, wala na akong rason para pumunta sa lugar na iyon. Bangungot sa akin ang mga pangyayari sa Japan.
Ayokong mag-let go dahil parang sinabi niyo na ring kinalimutan ko ang sakripisyong ginawa niya para sakin. Tama si Drake. Habang buhay akong maghihirap. Wala akong karapatang maging masaya dahil ako ang puno't dulo kung bakit nangyari ang karumal-dumal na pangyayaring iyon sa kanya.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong simbahan. Dito ko rin sana balak na pakasalan siya.
Nawala ako sa pag-iimagine nang mahagilap ng paningin ko ang isang babaeng nakatalikod at paalis na. Siya yun diba? Para akong naestatwa nang makita ko ang side view ng kanyang mukha. Namamalikmata ba ako? No! Hindi ako maaaring magkamali. Siya yun. Kaya hinabol ko siya.
"Excuse me.. excuse.. excuse me," patuloy kong sabi habang dumadaan sa gitna nang maraming tao palabas ng simbahan. Kailangan ko siyang maabutan.
Nang makalabas ako ay nakita kong pasakay siya sa kotse sa may di kalayuan. Hindi na niya ako maabutan kaya sumigaw nalang ako, "YUMI!"
Pero malas ko lang dahil hindi niya ako narinig at tuluyan nang umalis ang kotseng sinasakyan niya. Hindi iyon hallucination o multo dahil walang multo na may kotse.
Siya ba talaga iyon? O kamukha niya lang? Sobra ko lang ata siyang namiss kaya nakita ko ang babaeng iyon at napagkamalang kamukha niya. Hindi ko naman nakita ang buong mukha niya dahil side view lang ang nakita ko.
Pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Siya yun at hindi ako pwedeng magkamali. I saw her at kailangan ko siyang hanapin.
Bumalik ako sa loob ng simbahan at hinanap si Jake na ngayon ay nasa kalagitnaan ng picture taking kasama ang pamilya. Naghintay ako ng ilang minuto at natapos na rin. Papunta na lahat sa reception kaya sinalubong ko kaagad siya.
"Jake, kailangan kitang makausap," pagmamadali ko sa kanya.
"Ha? Bakit? Mabilis lang ah, pupunta pa kami sa reception," kunot-noong sagot niya.
Tumango lang ako at saka tinanong siya, "May inimbitahan ba kayo sa kasal niyo na Mayumi Matsumoto ang pangalan?"
Nakita kong mas lalong gumuhit ang kunot sa kanyang noo, "Ha? Wala akong kilalang ganyan. Japanese 'yang pangalang yan diba? Baka may inimbitahan si Kim. Teka tatanungin ko,"
Umalis siya saglit para kausapin ang asawa niya at pagbalik niya kasama na niya ito, "Bakit Ayato?" tanong ni Kim.
"Gusto ko lang malaman. May inimbitahan ka bang Mayumi Matsumoto?" abot langit ang dasal kong sana 'Oo' ang sagot niya. Pero nabigo ako.
"Wala eh. Wala akong inimbitahang may ganyang pangalan," naguguluhang sagot niya.
"Kung ganoon. Pwede ko bang makuha ang mga pangalan at address ng taong inimbitahan mo ngayon?"
Desperado na kung desperado pero kailangan kong makita ang babaeng nakita ko kanina. Sino ba talaga iyon?
Drake's POV
"Chill, babe. I'm on my way to your unit," sagot ko sa tawag niyang kanina pa niya ginagawa.
And oh yes, balik sa dati ang lahat. Papunta ako sa unit ng isang kalaro ko. Her name's Hannah and I admit, she's sizzling hot kaya hindi ko magawang hindi-an siya. Siya na rin ang nag-offer eh.
Bakit ako ganito? Dahil patapon na rin ang buhay ko. Ano pang saysay nito kung wala na siya diba? Wala na ang babaeng nagbibigay saysay ng patapon kong buhay kaya heto ako ngayon at babalik sa dating gawi.
Ipinark ko na ang sasakyan ko at agad na bumaba at nagtungo sa desk reception ng hotel.
"Hannah Reyes' unit number," I asked the desk receptionist at todo pa-cute naman siya sakin. Ni hindi ko nga siya type eh. Masyadong FC. Flat chested.
"Wait lang po, sir. Titingnan ko lang po," sagot niya sabay kindat pa.
Hindi ko na siya pinansin at sinuyod lang ng tingin ang buong lobby ng hotel na ito. Not bad though.
Habang tumitingin-tingin sa paligid ay may nahagip ang paningin ko. Isang pamilyar na babae at naglalakad papunta sa elevator. Imposible ang nakikita ko. Siya ba talaga yun? Gusto kong sundan ang babaeng iyon pero parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Nasa tapat na siya ng elevator at ang laking gago ng mga paa ko dahil ngayon lang ito kumilos papunta sa kinaroroonan nung babae.
Pero pagdating ko sa kinaroroonan niya ay siya namang pagpasok niya at pagsara ng elevator. Para akong nag ice bucket challenge sa nakita ko. Nagkatitigan pa kami at nakita ko nga ang buong mukha niya. Si Yumi nga ang nakita ko.
Pero bakit ko siya nakita? She's dead six years ago. Nakita ko pa nga ang bangkay niya eh. Multo lang ba yung nakita ko? Kamukha? O kakambal niya? No it can't be. Sigurado ako doon. Alam ko ang bawat pagtitig niya. Alam kong siya yun. I saw her.
**********
Author's Note: baka maguluhan po kayo sa istorya dito. Dalawang timeline po ang ginawa ko. This chapter onwards is another timeline, six years later matapos yung pagkamatay ni Yumi at yung mga kaganapan sa Japan. Ituloy niyo lang pagbabasa, mauunawaan niyo rin ang istorya as the story goes on. Arigatou gozaimasu! :)
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...