Chapter 44: Maiko Fujiwara

1.1K 24 1
                                        

Kirstin's POV

It's been six years already. Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kahapon lang noong kinasal ako pero ngayon, nasasanay na akong tawaging Mrs. Alcantara. Just don't ask about my relationship with my husband dahil hanggang ngayon, hindi pa rin kami okay sa set up namin.

"Kirstin, I want you to meet Celeste. Her family is the part owner of Telegraph Co." pagpapakilala sakin ni dad ng babaeng kasama niya.

Nakipag-beso siya sakin kaya ganun na rin ang ginawa ko, "Nice to meet you, Celeste."

"Maiwan ko muna kayo, I'll entertain other visitors."

Iniwan na ako ni dad kasama si Celeste. Akala ko pa naman mabait siya pero may tinatago palang balat ng ahas ang babaitang ito.

"So, you're the wife of Franc. I was expecting someone with a goddess-like beauty," she said in an irritating voice with an insulting look.

At anong pinapahiwatig niya? Na pangit ako? Aba't ang kapal din naman niyang magpunta dito sa business celebration namin kung iinsultuhin lang niya ang anak ng nag-organize ng party na ito.

"Excuse me, wala sa ganda ang pagpapakasal," balik-asar ko sa kanya. Akala niya siguro magpapatalo ako sa kanya. Ni hindi ko nga siya kilala. Oo at sikat ang Telegraph Co. pero sa parents naman niya yun, hindi sa kanya. At balita ko pa, hindi siya ang magmamana nito kundi ang nakakatandang kapatid niyang si Charmaine ata yung pangalan.

"Sabi ko nga. Ngayon nagkita na ang present wife at ang ex wife," ngiting aso niya.

Ano daw? Ex wife? Did I hear it right? Dating asawa siya ni Francis? Bakit hindi ko alam na kinasal pala siya dati? Ano ito, lokohan?

"You know what, Kirstin Francis is very good in bed. Dinala ka na ba niya sa mundo ng kaligayahan?"

Biglang nag-init ang ulo ko sa tinuran ng babaeng nasa harapan ko. Ibayong pagpipigil na ang ginagawa ko at baka makalbo ko ang Celesteng ito sa harap ng maraming tao. Kung totoo mang ex wife siya ng asawa ko, she doesn't need to publicize that kind of private stuff. O baka naman iniinis niya lang ako dahil naiinggit siya?

"Really? Don't worry, dear. Gabi-gabi akong pinapaligaya ng asawa ko kaya hindi mo na kailangan magtanong," I gave her my million dollar smile at saka nag-walk out.

Akala niya ah. Nakakainis siya kung umasta. Ex wife? Huh! Ang kapal din ng mukha ng mga Alcantara para itago sakin ang tungkol doon sa loob ng anim na taon naming pagsasama.

Nagpunta ako sa ladies' restroom at naghugas ng kamay. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin pero pagmumukha naman ni Celeste ang nakikita ko kaya mas lalong kumulo ang dugo ko at pinaghahampas ang gripo gamit ang handbag ko nang biglang bumukas ang pinto kaya umayos ako at nagpanggap na nagre-retouch lang.

Pagtingin ko sa salamin ay halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko sa repleksyon ng salamin ang mukhang matagal ko nang hindi nakita. At ang mukhang nababalitang patay na, anim na taon na ang nakakalipas.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya gawi ko sa pamamagitan ng salamin sa harap naming dalawa. Nginitian niya lang ako at saka siya may kinuha sa handbag niya at nag-retouch.

"H-hi," paunang bati ko. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Naikwento sakin ni Evo ang nangyari sa magkapatid doon sa Japan at sa nangyari sa kanya six years ago pero heto siya ngayon.

"Hello," nakangiting tugon niya.

Bakit parang hindi niya ako kilala? Diba dapat nagtatatalon siya sa tuwa at sinugod ako ng yakap dahil ilang taon kaming hindi nagkita? But why does it feel like she became a stranger to me?

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon