Chapter 34: Circumstances

1.3K 24 8
                                    

Drake's POV

I've been here in Japan for three days already. At kung itatanong niyo kung nahanap ko na ba si Yumi? Hindi pa. Bukod sa hindi ko alam saan siya hahanapin, ay inaaliw ko muna ang sarili ko sa Japan. First time ko dito kaya lulubusin ko na.

I'm currently staying at Westin Hotel sa Yebisu Garden Place. At ngayon ay kasalukuyan akong nandito sa Edo Tokyo Museum. Wala lang, gusto ko lang makita at malaman ang history ng Tokyo nung Edo period. Paano ko nalaman ang tungkol sa mga period-period na 'yan? Siyempre matalino ako. De joke lang, bumili lang naman ako ng mga libro tungkol sa Japan at nag-stay ako sa hotel whole day. Nagiging ganito ako pag nakapunta ng ibang bansa, nagiging interesado at bookworm kahit na hindi naman talaga ako palabasa.

"Ohayo gozaimasu!  Edo Tokyo hakubutsukan he youkoso koko ha irikuchi no chiketto desu. Nyuujou ryou ha 600en desu." (Good morning! Welcome to Edo Tokyo Museum. Heto yung ticket para sa entrance. The entrance fee is 600 yen.)

Bakit ohayo gozaimasu, Edo Tokyo at 600 lang yung naintindihan ko? Teteng ina! Wala bang translator dito? Masubukan nga ng english. Baka sakali namang nakakaintindi ito.

"I'm sorry, but I don't speak fluent nihongo," pa-cute na sabi ko dun sa japanese girl na nasa entrance. Bakit ba kasi ang hirap aralin ng language nila? Basics nga lang ang alam ko eh.

"Ah, gume (sorry *informal). 600 yen for the entrance fee since we don't have special exhibitions for today," nakangiting sagot niya sakin habang inaabot ko sa kanya ang bayad at kahit na baluktot ang dila niya sa pagsasalita ng English. "Arigatou gozaimasu! Enjoy your day."

Ngumiti lang ako sa kanya saka na pumasok sa loob ng museum. Hindi ko pa alam kung anong meron dito sa loob pero gaya ng sabi ko kanina, tungkol ito sa history ng Tokyo nung Edo period. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan. Hindi masyadong matao sa loob.

Lumapit ako sa real size replica of Nihonbashi Bridge. Paano ko nalaman? Siyempre may nakasulat sa gilid. Ayos yung pagkakagawa nito ah. Mapicture-an nga!

Inilabas ko na ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang replica nang biglang may umakbay sakin.

"Hajimemashte!" agad akong napalingon sa nagsalita at hindi ako makapaniwalang makikita ko ulit siya dito.

"Marco? Ikaw na ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yo! What's up, Drakey. It's been a while," bati niya sakin at sabay kami nag shoulder bump. "Hindi ko akalaing makikita kita dito, pare."

Kahit ako, hindi ko inaasahan ito. Si Marco Rivera, classmate at best friend ko dati nung elementary pa lang kami. Half Japanese din siya pero hindi kasal ang ina niya sa kanyang ama kaya Rivera lang ang ginagamit niyang apelyido.

Ngayon lang ulit kami nagkita dahil pagka-graduate namin sa elementary, dinala na siya ng nanay niya dito sa Japan at simula noon ay nawalan na kami ng communication sa isa't isa.

"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam paano niya nalaman. Ganun pa rin kaya ang mukha ko nung elementary ako hanggang ngayon? Kasi nakilala niya ako agad. Eh siya nga halos hindi ko makilala dahil nagiging kamukha na siya ng tatay niya.

"Syempre, kahit naman humaba pa itong buhok ay makikilala pa rin kita. Mahal kaya kita at alam iyon ng puso ko," biro niya sabay pulupot sa braso ko. Ganito talaga kami dati pa.

"Tae! Ang bakla mo. Ano palang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Part time tour guide ako dito. Nakita kitang pumasok doon sa entrance. Nung una hindi ako sigurado kung ikaw ba talaga yung nakita ko kasi humaba na itong buhok mo. Pero tiningnan kita sa malapitan at ikaw nga. Eh ikaw, anong ginagawa mo dito sa Japan?"

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon