Evo's POV
"Japan," tipid na sagot ni Ayato at diretso na siyang lumabas ng mansyon.
Naiiling nalang ako sa inaasal niya. Masyado pa kasing pa-virgin, susunod naman pala, kailangan pang takutin. Inilapag ko na ang libro na hawak ko at tumayo na, may pupuntahan pa ako.
Nagtungo ako sa kwarto at kinuha ang susi ng sasakyan ko at lumabas uli. I have to meet her. Matapos kasi nung eksena sa kotse ko nung araw ng kasal niya ay hindi ko na siya nakakausap. Medyo na-guilty ako dahil iniwan ko siya sa ere. Oo pareho naming gusto ang isa't-isa noon pero ang buong akala ko naman ay masaya siya dun sa pagpapakasal niya kay Francis.
Pero kung nalaman ko naman iyon ng mas maaga, hindi ko rin alam kung magugustuhan ko ba si Yumi ngayon. Sana may magawa ako para mapasaya ko si Kirstin. Kahit sa pagkakaibigan lang.
I texted her first saka ako nag-drive para pumunta sa sinabi kong lugar kung saan kami magtatagpo. I just hope she's free at wala siyang bantay ngayon.
Nagpunta ako sa Seattle's Best Coffee dahil yun ang lugar na tinext ko kay Kirstin na magkikita kami. In just 25 minutes nakarating na ako doon.
Wala pa siyang reply sa text ko kaya naghintay nalang ako sa kanya dahil panigurado naman akong nabasa niya ang text ko kanina. Pero minutes turned to hours, walang Kirstin na dumating. Baka nasa honeymoon pa sila ng asawa niya o baka naman hindi pinayagang umalis. Pero bakit naman siya hindi papayagan? Wag lang nilang gawing preso si Kirstin dahil susugurin ko talaga sila.
Aalis na sana ako nang may biglang umupo sa upuan katapat ng inuupuan ko. Isang babae at alam kong hindi siya si Kirstin dahil mahaba ang kanyang buhok at may pagka-blonde ito tapos matangkad siya at medyo slender ang korte ng mukha. Hindi ko lang mapagsino ang babaeng ito dahil sa suot niyang shades.
Napansin niya sigurong kumunot ang noo ko kaya tinanggal niya ang kanyang shades at ngumiti sakin. Okay, may unexpected meeting ako with this lady. Sino ba ito? Hindi kaya, pinadala siya ni Kirstin dito dahil hindi siya makakalabas ng bahay?
"Uhm.. excuse me, but who are you?" alinlangang tanong ko. Baka kasi nakikiupo lang siya dito. Pero hindi naman siguro siya nakikiupo lang dahil marami pang vacant na tables. Unless nalang din kung... ehem! Alam niyo na, lapitin din kasi ako ng chicks.
"Let me introduce myself. I'm Kisha Alcantara by the way, Kirstin Alcantara's sister-in-law," nakangiting pagpapakilala niya sa sarili niya sabay lahad ng kanang kamay niya kaya tinanggap ko nalang, ang bastos ko naman kung hahayaan ko lang diba? "I'm here in behalf of my sister-in-law, uhm..."
"Evo."
"Right, Evo. Kaanu-ano ka ba niya? Lemme guess. Uhm... Childhood friend? Ex lover? Or... other man?"
Nasamid ako sa panghuling sinabi niya. other man? Oh please, I don't tangle myself with a married woman for the damn sake. Anong klase ba'ng tanong ang sinasabi ng babaeng ito? At kung nandito siya in behalf of Kirstin, e di sabihin nalang niya ang pinapasabi ng kaibigan ko. Hindi yung kung anu-ano pang kahibangan ang sinasabi.
"A friend. May pinapasabi ba si Kirstin sayo? Hurry up and say it dahil may lakad pa ako," alibi ko nalang yun dahil hindi ko siya feel na kausap.
"Oh yeah, I almost forgot. She's married so don't ever try to meet with her again, dahil kung hindi... isusumbong kita sa kuya ko and he'll deal with you. And... you won't like it," seryoso ang tono ng boses niya pero nakangiti siya ng mapanloko.
What the hell is her problem? We're just friggin' friends, hindi naman niya ako kabit.
Tumayo na siya at aalis na sana pero bumaling ulit siya sa pwesto ko at nagsalita, "And you can date me if you want. I already have your number." Then she left me astounded.
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)