Ayato's POV
"Ayato-kun... Imame wo samasu. Choushokuha, junbi ga deki te i masu." (Ayato-kun... Wake up now. Breakfast is ready.) Nakangiting pukaw niya sa diwa kong inaantok pa.
Kailan pa nakabalik ang babaeng ito dito? Diba nasa Japan siya? At anong ginagawa niya dito sa kwarto ko? Hindi siya pwede dito. Hindi siya welcome.
"Anong ginagawa mo dito? Teka, kailan ka pa nakabalik?" tanong ko sa kanya at tumayo na ako sa pagkakahiga.
"Ayato-kun, kimiga rikai deki mase n. Watashitachi no gengo wo hanashite kudasai." (Hindi kita maintindihan, Ayato-kun. Please speak our language.)
Ginagago ba ako ng babaeng ito? Anong hindi niya ako maintindihan? Eh mas bihasa pa nga siya sa tagalog kesa sakin eh. Tapos ngayon nag-iinarte siyang kausapin ko siya sa lenggwahe namin? Hell no. It's been seven years since I last spoke that damn language. Ano ba itong trip niya?
Nagpalit ako ng t-shirt sa harap niya at nagulat ako dahil hindi siya nag react. Sa halip ay nakatingin lang siya sakin habang nagbibihis ako. Bakit ang weird niya ngayon? May sakit ba siya? May dalaw? O kaya nababaliw?
"Kung ayaw mong mag tagalog, bahala ka. Hindi kita kakausapin sa lenggwaheng 'yan," walang-lingon kong sabi sa kanya saka lumabas ng kwarto. Pero naramdaman ko namang sumunod siya sakin palabas. "Tsaka pwede ba, wag kang mag-inarte dahil alam kong nakakaintindi ka. Gusto mo lang yata akong pagsalitain ng ganun eh." Sermon ko sa kanya.
Bumaba na ako at nagtungo sa dining area. At kailan pa siya naghahanda ng breakfast? Eh palamunin nga 'to dito eh. Pero di bale nalang, kakain na ako dahil gutom na gutom ako't hindi ako naghapunan kagabi.
Umupo na ako sa pinakagitna ng dining table at siya naman ay busy sa paghahanda ng makakain ko. Bakit bigla yata siyang bumait? Anong meron sa kanya ngayon? Hindi naman siya ganito ka-maalaga, diba? Lagi nga akong binabara nito eh.
"May problema ka ba, Yumi?" di ko napigilang magtanong dahil naninibago ako sa kanya ng sobra.
"Ayato-kun, nankai, anata ga nihongo wo hanasukoto wo iu n desu ka kimi ga rikai deki mase n. Hontouni." (Ayato-kun, ilang beses ko bang sasabihin sayo na magsalita ka ng nihongo? Hindi kita maintindihan. Really.)
Is she nuts? Pinipikon ako ng babaeng ito eh. Ayoko na nga lang makipag-usap. Umuusok lalo ang ilong ko. Ang aga-aga niyang mambwisit!
Ibinalik ko na ang pansin ko sa pagkain. Kukuha na sana ako ng ulam ng mapansin kong...
"Bakit japanese food ang naka-serve?!" bulyaw ko sa kanya at napatayo na. Sumusobra na siya ah. Sa tingin ba niya, nasa Japan siya? Kung gusto niyang mag-serve ng japanese food at mag nihongo, sana doon nalang siya nanatili sa lugar na iyon. Sana hindi nalang siya bumalik at idamay ako sa kabaliwan niya.
"What the hell are you yelling about?! I just prepared your breakfast, for damn's sake. If you don't want it, then say it. At least you've appreciated such efforts. Speak to me in English, instead so I can understand you. And don't call me Yumi, how many times do I have to tell you that I'm not her? I'm Yuuri Sasaki. Remember that!"
Literal akong napanganga dahil sa dalawang rason. Una, it's so unlike her to raise a voice and get mad over petty things. Okay not petty, she put an effort in making this damn breakfast. Pangalawa, anong ibig niyang sabihing siya si Yuuri Sasaki? Anong laro ba itong nilalaro niya?
Nilingon ko ang kinaroroonan niya habang nagliligpit ng mga pinggan at pagkain sa may sink. At halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. She's wearing low cut backless blouse. Wag kayong mag-isip ng iba, hindi iyon ang napansin ko. I saw a long and I think deep scar sa likod niya. Parang sugat galing sa pagkakahiwa ng espada o ano. Saan niya nakuha 'yan? Wala naman siyang ganyan dati ah? Oo nakita ko na ang likod niya dati. Remember nung pinatira ko siya sa condo unit ko? I saw her unintentionally na nagbibihis ng pang-itaas at wala akong nakitang ganyan noon.
"Yumi," tawag ko sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon kaya kinabahan ako ng sobra, di ako sigurado kung bakit. Parang gusto kong wag nalang siyang lumingon. Pero huli na ako.
Gulat at takot. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Yumi na punung-puno ng sugat at dugo. Natakot ako dahil parang totoo ang lahat. Anong nangyayari? Bakit ganito?
"Ayato-kun, tasuke te kudasai." (Tulungan mo 'ko, Ayato-kun.)
Hindi! Hindi ito totoo. Hindi ka totoo!
HINDIIIIII!!
Evo's POV
"HINDIIIII!!"
Napalingon ako sa pwesto ni Ayato dito sa living room at binaba ko ang libro. Binangungot ata siya ni Drake. Kagabi pa 'yang wala sa mood kaya naglasing at dito na sa living room nakatulog, hindi na umabot sa kwarto niya sa sobrang kalasingan.
"Damn! Kailan pa naging horror ang istorya ko?" mahinang bulong niya pero rinig ko naman.
Horror? Binangungot talaga siya ni Drake. Pati sa panaginip niya ay sinusundan siya. Siguro namiss niya ang sapakan nilang dalawa kaya napapanaginipan niya ang isang yun. Kaming dalawa nalang dito dahil ang gago, sumunod kay Yumi papuntang Japan. Anong gagawin niya doon? Ni hindi nga siya marunong mag nihongo.
"Diyan ka pala. Nandito ba si Yumi?" tanong niya sakin nang mapansin niya ang presensya ko.
"Nasobrahan ka yata ng tama sa alak kagabi. Nung isang araw lang ang alis ni Yumi hinahanap mo na agad. Miss mo na noh?" pang-aasar ko sa kanya. Syempre nanliligaw siya diba? Kaya natural lang na mamiss niya yun. Kahit nga ako na hindi ko siya nililigawan ay namimiss ko rin siya. Sobra.
Anyways, maasar nga ang isang 'to. Trip ko eh kaya wag kayong magulo. Inilapag ko ang libro na binabasa ko kanina sa may center table at umayos ng upo.
"Ang hina mo, Ayato. Miss mo na siya pero wala ka man lang ginagawa," panimula ko. Panigurado, mapipikon 'to ngayon. Short tempered masyado ang gagong 'to eh.
"Wag ka nga! Bakit ko naman mamimiss yun? Buti nga yung wala siya dito diba? Para naman matahimik yung buhay ko. Magulo na nga, mas gumulo pa nung dumating siya," iritadong reklamo niya sabay nahiga ulit sa sofa. Kita niyo na? Ang bilis mapikon. Tsaka, hindi daw namimiss? Eh bakit siya naglasing kagabi? Wag niyang sabihing namimiss niya si Drake?
Wait... speaking of. Si Drake nasa Japan kasama si Yumi. At siya, heto nagpapakalunod sa alak. Ahh... kaya pala. Gets ko na. Mabigyan nga ng brotherly advice.
"Tsk! Nahihiya ka pa talagang sabihin sakin 'yang tungkol sa love-love na 'yan? I'm your brother, just so you know. Kaya ka ba naglasing dahil malamang magkasama sina Drake at Yumi ngayon samantalang ikaw ay nandito at walang magawa? You know what, you're a fcking coward. Kung talagang gusto mo siya, then follow her. Wala namang ginawa ang buong Japan sayo para kamuhian mo. You even liked Yumi na isang japanese."
Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Maya-maya lang ay bigla siyang tumawa at tumayo. Baliw ba siya? May saltik na ata sa utak ang gagong 'to eh. Pero bago pa siya tuluyang makaalis sa living room ay nagsalita ulit ako.
"Kung ayaw mong mahuli ang lahat, gawin mo na. It's better that you tried than do nothing and regret later," hindi na siya lumingon o nagsalita pa pagkasabi ko nun at nagdiretso nang umakyat papunta sa kwarto niya.
Kahit hindi niya sabihin, nakikita ko namang namimiss niya si Yumi. Magkapatid kami, pareho kaming lalaki kaya alam ko ang nararamdaman niya. Medyo sensitive din kasi siya simula nung umalis ang dalawa. Si Drake kaya, kumusta na kaya ang gunggong na yun doon? I'm sure sobrang laki ng mga ngisi ng lalaking yun dahil solong-solo niya si Yumi.
Buti pa sila, they can express their feelings. Bakit ako hindi ko magawa? Noon pa man gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. But there's always something that's holding me in. Siguro dahil na rin sa mga kapatid ko. Ayoko namang magalit sila sakin dahil nakikisali pa ako sa affairs nilang dalawa. Kita niyo naman siguro ang sitwasyon nila ngayon. They hate each other to death.
Maybe, I'll just wish her happiness. Nahahalata ko na rin noon na iba ang mga tingin niya kay Ayato kaya alam ko na kung sino ang gusto niya. Nasasaktan ako, oo. Pero ano bang magagawa ko? Wala diba? Mamahalin ko nalang siya sa malayo hanggang sa mamanhid na ako.
But for now... Damn! I miss her so much.
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)