Chapter 65: Ending

1.7K 26 2
                                    

HINDI nakatulog ng maayos ng gabing iyon si Ayato dahil sa sobrang saya na kanyang nararamdaman. Ayaw niya rin patulugin si Yumi dahil ayon sa kanya ay baka aalis na naman ito at maghihintay na naman siya ng anim na taon.

Kung sobrang saya ang nararamdaman ni Ayato, labis na kalungkutan naman ang nararamdaman ni Drake ng mga sandaling iyon. Sa loob ng isang buwan na nakasama niya si Yumi sa Japan ay alam niyang wala itong ibang iniisip kundi ang kanyang kapatid na naiwan dito sa Pilipinas. And he hates that dahil siya ang kasama ng dalaga pero sa iba naman ang isip nito. And he’s fully aware na kahit anong gawin niya’y pati puso nito ay hindi niya makukuha.

Three weeks nanatili si Yumi sa hospital noon matapos itong masaksak ng itinuring niyang best friend na si Marco Rivera na isa rin palang yakuza at apo ng kaaway ni Yumi. Siya ang palaging nasa tabi ng dalaga.

Naging masaya rin siya kahit papa’no dahil kahit minsan ay wala itong kibo sa kanya ay malaya naman niya itong napagmamasdan at nahahawakan. Pero nang sabihin nitong babalik ito sa Pilipinas at babalikan ang kanyang kapatid ay parang gumuho ang kanyang mundo. Ang buong akala niya’y hindi na ito babalik pa doon. Plano niya rin sanang mag-apply ng dual citizenship sa tulong ng kanyang ama upang manatili siya sa Japan kasama si Yumi. Ngunit mali siya. Umasa siya at nasaktan.

Ngayong magkasama na ulit ang dalawa ay hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Labis-labis ang kanyang paninibugho at lungkot. He knows he’s being unreasonable pero galit siya kay Ayato dahil lagi nalang nitong nakukuha ang mga gusto niya nang walang kahirap-hirap. At galit din siya kay Yumi. Galit siya dahil kahit anong gawin niya’y hindi siya kayang mahalin nito. Ang layu-layo ng tingin nito kahit nasa harap lamang siya.

“Bullshit!” Naibato niya ang hawak na kopita may lamang alak.

“It’s past 1 AM, Drake. Hindi ko inaasahang uuwi ka ngayon. Where have you been at ano na namang drama itong kinasasadlakan mo?”

Nilingon niya ang kanyang kapatid na si Evo pero hindi niya ito sinagot. Bagkus, tinapunan lang niya ito ng masamang tingin at umiwas na rin.

“I don’t know what is this all about. Alam kong nandito na rin si Yumi and that they’ve talked already. Pero isa lang ang gusto kong malaman mo, Drake. If you really love her, you gotta set her free. Kanta iyon na Heaven Knows. Kung saan siya masaya, support her. Dahil sa tingin ko’y hindi mo siya mahal eh…” napalingon siya sa tinuran ng kapatid, “You don’t love her dahil obsessed ka lang sa kanya. Love is not selfish, Drake.”

Tumayo na ito at iniwan siya sa mini bar ng kanilang mansyon. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao. He wants Yumi. And if he can’t have her. It’s better for them na magkalimutan nalang silang lahat. He’ll fly to New York tomorrow, ASAP.

Five months later…

Yumi’s POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya agad kong itinakip ang braso ko sa mata. Napansin kong may silhouette ng tao sa may bintana at alam kong siya ang naghawi ng kurtina.

“Good morning, sleeping beauty.” Bati niya sa’kin habang naupo siya sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

“Kirstin, bakit ang aga mo dito?” I sleepily asked her.

Kahapon magkasama kaming nag-shopping. Isinama niya ako pati no’ng hipag niyang madaldal na lagi siyang inaasar. At ano na naman kaya ang pinaplano nito ngayon at nang-iintrude na naman siya ng kwarto ko?

“Bumangon ka na diyan dahil may pupuntahan tayo.”

Kahit hindi ko siya nakikita dahil nagtalukbong ako ng comforter ay alam kong nakangisi siya ngayon. At ano raw? May pupuntahan? Na naman? Hindi ba ito napapagod kakaalis ng bahay nila?

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon