Chapter 18: Getting closer; Happy birthday!
Yumi's POV
Umalis na si Toshio-sama dahil magpapahinga daw muna siya sa hotel na tinutuluyan niya.
Bukas daw mamamasyal kami tapos bibili ng plane ticket pabalik ng Japan.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang usapan namin kanina.
*flashback*
"Let's go back home, Yumi-chan."
Gulat na gulat kami sa sinabi niya. Hindi ko ineexpect na ito pala ang sadya niya dito.
"To-Toshio-sama... hehe, why...why so sudden?"
Bakit ako nauutal? Diba ito naman talaga ang gusto ko? Ang bumalik sa Japan? Bakit parang ayoko?
Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at bahagyang ginulo yun saka humarap siya kina Drake at Ayato.
"I'm taking Yumi with me back to Japan. You don't mind, do you?"
"That's very fine." Yun lang ang sabi ni Ayato saka siya tumayo at umalis.
Akala ko si Drake aalis din dahil tumayo din siya, pero mas kagulat-gulat ang sinabi niya.
"I mind. You can't take her back with you."
Nag-grin si Toshio-sama saka ako inakbayan.
"I'm taking her with me because she's like my little sister and she doesn't belong here."
Tumawa naman ng mahina si Drake. yung tawa na pang-asar. Argh! Iniinis ba niya si Toshio-sama?
"What? You asked us earlier if we mind or not. My stupid brother said he doesn't, but when I said I do mind, you're taking a step back? Just great."
Tama nga naman si Drake, may point siya pero hindi niya dapat ginanun ang approach kay Toshio-sama.
"Then let Yumi-chan decide whether she'll go with me or not."
*end of flashback*
Kumusta naman yung desisyon ko? Sasama ba ako? Gusto ko sana pero bakit parang sumasakit ang puso ko na isiping lilisanin ko na ang Pilipinas?
Hindi lang ang Pilipinas, pati na ang bahay na ito. Ang mga tao dito.
Kahit pangit ang trato ng magkapatid na yun sakin, tinuring ko naman din silang kaibigan. Nakakalungkot umalis.
Mag-a-alas onse na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Nagtatalo ang isip ko sa kung anong magigig desisyon ko.
Lumabas ako ng kwarto para sana kumuha ng gatas sa kusina pero narinig kong may nag-gi-gitara sa dulong kwarto.
Ahh yung music room sa tapat ng kwarto ni Ayato.
Sinilip ko kung sinong tumutugtog at hindi naman ako nagkamali dahil sa kanilang tatlo, siya lang naman ang mahilig sa musika.
Parang ang lungkot ata ng pinapatugtog niya? Kanina may naabutan akong keso sa kusina. At siya lang naman ang gagawa nun eh.
Ano kayang problema niya?
"Pumasok ka kung gusto mong makinig, wag kang tumayo dyan na para kang multo."
Nauntag ako sa sinabi niya. At doon ko lang napansin na nasa tapat na pala siya ng pinto.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, nakita ko tuloy yung mga mata niya. Yung mga mata niyang puro sama ng loob ang makikita.
Napakalungkot niya. Nakita ko na ang mata na ito dati. Yung una ko siyang nakita sa kusina na naghihiwa ng keso.
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...