Evo's POV
Hindi ako makapag-concentrate ng maayos sa trabaho ko. I'm currently having a conference meeting with one of our consignee at lumilipad ang utak ko sa ibang planeta.
After that encounter with my brothers at the dining ay hindi na ulit kami nag-kibuan. Ayato just seemed to be so distant at kahit nasa iisang bahay lang kami ay parang hangin lang ako pag nakikita niya. So as Drake.
Galit sila sa'kin. What do I expect? I'm so stupid to become as selfish as I am right now. Pero ano pa bang magagawa ko? They loathed me. Siguro pangangatawanan ko nalang itong naging desisyon ko. Tutal nasabi ko rin naman na sa kanila ang buong katotohanan.
Pero ang ikinatatakot ko ay ang pagbabalik ng alaala ni Yumi. Paano pag naalala na niya ang lahat? Lalo na ngayong unti-unti na itong bumabalik sa kanya. I was astounded back at that time nang bigla niya akong tanungin nang managinip siya sa'kin before I dyed my hair black.
Natatakot akong kapag naalala na niya ang lahat ay mawawala na naman ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Pero alam ko naman sa sarili kong pansamantala lamang itong lahat. Dahil si Ayato, siya, siya ang totoong nagmamay-ari ng puso ni Yumi at isa lamang akong pigment ng katauhan niya ngayon na si Maiko.
Sad but it's the truth.
Ayato's POV
I rested my head on the headrest of my swivel chair as I closed my eyes. Masyado akong na-stress sa meeting kanina with the board. It seems like wala silang tiwala sa'kin dahil baguhan ako sa industriya. Well, to whom will they put their trust on? To Evo?
Mas lalong sumakit ang ulo ko nang maalala ko na naman ang mga pagtatapat niya ng araw na 'yon. Fuck!
I was still drowned in my thoughts when my phone rang. I tiredly opened my eyes and groped for my phone at my desk.
I saw that an unregistered number flashed on the screen. Sino naman 'to? I asked myself as I swiped the screen to answer the call.
"Hello?" I answered.
"Sir, tulungan niyo po ako. Si Ms. Yumi–este si Ms. Maiko po..." Is this... Ivy? Nasa bahay si Yumi? I thought she's at work.
"What happened?" I asked as I stood up after hearing her name.
"Eh kasi po bigla siyang namilipit sa sakit ng ulo niya. Sinubukan ko pong tawagan si sir Evo pero hindi naman siya sumasagot. Si sir Drake naman nakakatakot kaya ikaw nalang po tinawagan ko..." She explained in a panic tone.
"Is she still conscious?" I asked again as I hurriedly snatched my coat on the hanging and went out of my office to go straight to the car park on the basement.
"Nawalan na po siya ng malay, sir. Ano pong gagawin ko?"
"Just keep her company. I'm on my way." I ended the call as soon I get in the driver's seat.
Halos hindi ako mapakali as I inserted the car key on the ignition. Wala akong ibang naisip kundi siya. She must really be in pain right now, and I wanted to be by her side as soon as possible kaya nang mapaandar ko na ang engine ng kotse ko ay halos liparin ko ang daan pauwi.
As soon as I arrived home ay nanakbo agad ako papasok at nakasalubong ko pa si Ivy na namumutla at may dalang basin ng tubig na sa tingin ko'y maligamgam na tubig ang laman.
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)