Chapter 57: Memories of the past

1K 19 3
                                    

NAKANGITING umupo si Toshio Kimura sa upuan na kanyang nabili sa eroplanong magdadala sa kanya sa Pilipinas. Bibisitahin niya si Maiko roon dahil pinangako niya rin ito sa nobya bago ito lumisan ng Japan.

Namimis na niya ang dalaga at aaminin niyang kinakabahan rin siya dahil nandoon ito sa Pilipinas kung saan naroon ang mga alaalang binaon niya sa limot. Paano nalang kung magkita si Maiko at ang mga El Greco? Paano nalang kung malaman nila ang tungkol sa dalaga? Ayaw pa niyang makaalala si Yumi dahil sobrang mahal niya ito at ayaw niyang mawala ito sa kanya. Lalo na ngayon na kinikilala nilang magkarelasyon ang isa't isa.

Batid niyang hindi rin maikukubli ang nakaraan at darating din ang panahon na maalala ni Yumi ang lahat pero natitiyak niyang hindi niya ito hahayaang mawala sa kanya ng tuluyan. Gagawin niya ang lahat mapasakanya lang ang babaeng kay tagal na niyang pinapangarap. Sana lang ay tuluyan na talagang malimot ni Yumi ang kagimbal-gimbal na nakaraan.

Napahawak siya sa kanyang sentido at marahan itong minamasahe nang maalala niya ang kanyang nagawa para lang sa pansariling kaligayahan.

Pagbabalik tanaw...

Binabaybay ni Toshio ang daan papunta sa Kyoto. Gabi ng oras na 'yon at medyo naiinis pa siya dahil hindi man lang sila nagkausap ni Yumi kahapon. Nakita niya ito sa Yokohama station kasama ang isa sa mga El Greco na si Ayato. Nagselos siya at nasaktan dahil kay tagal niyang nanatili sa tabi ni Yumi pero hindi man lang siya nito nakita. Hanggang kapatid lang ang turing nito sa kanya.

"Kusō!" napamura siya nang biglang namatay ang makina ng kotseng kanyang minamaneho.

Bumaba siya ng kotse at pumunta sa harap nito para matingnan ang makina. Binuksan lang niya ang hood at bumalik sa loob ng kotse upang kumuha ng flashlight.

Nang makuha niya mula sa compartment ang flashlight ay sinubukan niya itong i-on pero hindi naman ito gumagana. Pinukpok niya ng bahagya ang bahaging puwitan ng flashlight ngunit tanging pagkurap-kurap lamang ang ilaw na binibigay nito. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nahagip ng kumukurap na ilaw ng flashlight ang isang paa na nasa damuhan sa gilid ng kalsada.

Naningkit ang kanyang mga mata dahil alam niyang paa ng tao ang nakikita niya. Is that a dead person? Tanong niya sa kanyang isip.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at ginamit itong pang-ilaw. Dahan-dahan niyang nilapitan ang kinaroroonan ng paa sa may damuhan habang hawak pa rin ang kanyang cellphone upang ilawan ang kung anumang nakikita niya.

Hinawi niya ang damo na nakatakip sa buong katawan ng may-ari ng paa na nakita niya. Gano'n nalang ang pagkabigla niya nang makitang isa itong babae na halos hindi na yata humihinga sa mga sugat na tinamo nito. Napakadungis din nito na animo'y isang takas sa isang pamahalaan na tinorture dahil ayaw umamin sa krimen na nagawa.

Lumapit pa siya sa katawan ng babae at inilawan ang mukha at halos mawalan siya ng hininga nang mamukhaan ang babaeng kaawa-awa.

"Yumi!" agad niyang hinawakan ang mukha ng kababata na halos hindi na makilala dahil sa puro dugo na ito at pasa, "Kamisama doushitte?" (God, what's wrong?)

Ginising niya ang walang malay na dalaga subalit bigo siyang gisingin ito. Maingat niya itong binuhat at dinala sa loob ng kanyang kotse.

Nang maipwesto na niya si Yumi sa backseat ay kaagad niyang tinawagan ang ama upang iparating ang natuklasan niya pero hindi ito sumasagot sa mga tawag niya kaya tinawagan niya ang kaibigan nitong si detective Ishikawa na personal detective rin ng mga Matsumoto.

Sinabi niya rito ang tungkol kay Yumi at 'di naman ito nagtagal dahil dumating din ito sa kinaroroonan nila. Inuwi niya si Yumi kasama si detective Ishikawa at patuloy pa ring tinatawagan ang kanyang ama.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon