Chapter 42: She's gone

1.1K 26 5
                                    

Drake's POV

Nagising ako sa sobrang sakit ng leeg ko. Shit! Stiff neck. Nakatulog na pala ako dito sa living room.

Agad akong umakyat sa guest room kung saan si Yumi ang gumagamit ng kwartong iyon pero ganun pa rin ang ayos. Isa lang ang ibig sabihin nun. Hindi pa siya umuuwi.

"Drake!" rinig kong sigaw ni tanda mula sa labas ng kwarto kaya lumabas na din ako.

"Ano?" walang ganang tanong ko.

"We have to go. May tumawag sakin, nasa hospital si Ayato."

Parang napako ako sa kinatatayuan ko sa narinig ko. Not that I'm concern about him, mamamatay na ako pero hindi ako mag-aalala sa bastardong iyon. What I'm concerned about is her. Sila ang magkasama at ngayon nasa hospital si Ayato. Does that mean may nangyari ngang masama sa kanila? No! Think positive, Drake.

Agad naman kaming nagtungo sa hospital na sinabi ni tanda kung saan naka-confine si Ayato. May naabutan pa kaming mga pulis doon.

"Watashiha Ayato Eru Gureko no chichidesu. Dou shita no desu ka." (I'm Ayato El Greco's father. What happened?) rinig kong sabi ni tanda sa isa sa mga pulis. Hindi ko sila maintindihan.

Nagpunta na ako sa private room kung saan nakahilata ang gago and I was shocked upon seeing how awful he looked. Ganito ba kalala ang dinanas niya? Si Yumi? Nasaan kaya?

Nakita kong pumasok si tanda sa loob ng kwarto at nabasa ko na agad ang nakasulat sa buong mukha niya. Pag-aalala. Kaya mas lalo akong kinabahan.

"Nakita nila si Ayato sa Aokigahara na walang malay. They thought he had suicide pero may nakita silang tama ng baril sa kanang dibdib niya kaya nagtaka sila kung suicide ba talaga ito. They're still investigating about what happened," paliwanag niya na nakatingin naman kay Ayato.

"Si Yumi? Nasaan siya? Diba magkasama sila?" kinakabahang tanong ko. I just hope she's somewhere safe.

Umiling lang siya, "Mag-isa lang si Ayato nang matagpuan nila. Hindi niya kasama si Yumi."

What? Mag-isa lang? Eh teteng ina pala siya eh. Saan ba niya dinala si Yumi?

"Gago pala ang isang 'to eh. Gisingin mo ang bastardong 'yan at papatayin ko siya pag may nangyaring masama kay Mayumi," sigaw ko. Wala na akong pakialam kung nag-iingay na ako. Wala na siyang ibang ginawa kundi ipahamak ang babaeng mahal ko, bwisit siya.

"Enough! Let the cops do their jobs, ano bang gusto mo pwersahin ang kapatid mo? He's in a critical condition."

Critical condition my ass! Sana nga matuluyan na siya. Sana nga mamatay na siya't mawala sa landas ko nang sa gayon wala nang sagabal sa buhay ko. Putang ina niya!

4 days later...

"May nakuha na daw silang lead tungkol sa kaso ni Ayato at nang nawawalang si Yumi. May nakitang katawan ng tao ang mga police galing sa Nagano. They found it in Kamikochi Nagano at ayon sa kanilang autopsy... It was Yumi."

Natigil ako sa pag-iisip sa sinabi ng aking ama. Anong ibig sabihin niya sa 'it was'? Bakit, hindi ba niya kilala ang mukha ni Yumi?

"What do you mean by that?" tanong ko sa kanya habang nakaupo pa rin sa bench dito sa hospital.

"Hindi halos makikilala ang bangkay dahil... dahil ano... dahil sinunog ito."

Agad akong napatayo sa sinabi niya. Sinunog? Anong akala nila sa bangkay na yun, lechon? No! Hindi ako naniniwalang si Yumi yun. She's not dead dahil nararamdaman kong buhay pa siya. Pero bakit may pakiramdam din ako na dapat kong makita ang bangkay na sinasabi niya? Hindi naman ako naniniwala doon eh, diba?

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon