Chapter 53: Confession

902 19 4
                                    

Evo's POV

"I like you, Evo."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Did she really said those words? Matagal ko ng gustong marinig ito. Gusto kong magtatatalon sa tuwa pero may part sa'kin na nagi-guilty. Probably because of my brother. Hindi dapat ako ang sinasabihan nito ni Maiko kundi si Ayato.

"M-Maiko, I don't know what to say. Are you sure about that?" gustuhin ko man, pero hindi pwede.

Marahan siyang tumango kaya napapikit nalang ako. Jesus! Ano bang gagawin ko? I like her too. Matagal na. Pero alam ko rin sa sarili ko na si Ayato talaga ang mahal niya. If it wasn't because of this damn amnesia.

Naramdaman kong humawak siya sa kamay ko, "Evo, I'm not asking for anything. I'm just telling you this because I like you and I trust you."

Oh please, Maiko. Please. Hindi ko na alam anong gagawin ko. Kakagat ba ako? Should I confess to her too? Pero paano ang kapatid ko? Paano ang totoong mahal niya at ang nagmamahal sa kanya? This is damn confusing.

Hindi ko naman kasi inaasahan na mangyayari ito. I didn't expect that this would come, for crying out loud.

"Maiko. I like you too but the context is... I don't... Ugh! It's confusing." napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa mga pangyayaring ito. Yes, nasabi ko nga sa kanya na gusto ko rin siya pero sobrang naguguluhan ako.

I have to come up with a plan. Kailangan ko silang paglapitin ni Ayato. Gaya ng natuklasan ko, she has already blurry visions at alam kong malapit na niyang maalala ang lahat. Tutulungan ko siya, tutulungan namin siyang makaalala.

"Will you come with me, Maiko? At the El Greco's mansion. You can stay there for the meantime. What do you think?" ugh! Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ito nalang.

"Huh? Why would I do that? Besides, I'm doing fine here." alam kong naguguluhan siya sa inaasta ko. Isip pa, Evo.

"Um.. you know... Maybe... Maybe it's better for you to be there. So that I... I can watch over you without hassle. What happened today made me worried sick. So, I want you near me. You don't have to worry about living there, you won't be a burden. I'll be happy to welcome you."

Please kumagat ka. Wala na akong ibang maisip. Please.

"Evo," she smiled. Does that mean she's okay with it? "Thanks, but I'm fine here."

Dang! Ang hirap kumbinsihin ng babaeng ito. Ahh.. si Ayato. I'll ask for his help. Para sa kanya naman itong gagawin ko eh.

"Evo... I have something to confess to you." Kinakabahan na naman ako.

"What is it?" Is she going to tell me what's her flashbacks all about?

"Six years ago..." Pakiramdam ko namumutla na ako sa sobrang kaba. May naaalala na ba siya sa nangyari sa kanya anim na taon ang nakakaraan? "I've got into an accident. Car accident. That's what my parents and 'boyfriend' said."

Boyfriend? May boyfriend siya sa Japan? Hindi kaya 'yong personal investigator? Ah ewan.

"I have an amnesia and I'm not really sure what really happened six years ago and who I really am. I'm starting to remember blurred pictures and I'm even hearing voices that I haven't heard before. And what's more confusing is when..." Namutla rin siya habang nagsasalaysaly siya, "I even heard your voice."

It's really her. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha kaya niyakap ko na siya to hide my tears. Oh Jesus! How I missed her so much.

Ayato's POV

It's been a week matapos kong makausap si Maiko. It's also been a week since Drake acted strangely. Sabihin daw bang ingatan ko si Yumi oras na bumalik na siya. Does that mean he's giving up on her? No. So not him. I know there's something up on his sleeve. Akala niya siguro mauuto niya ako.

Kasalukuyan akong nasa music room ng bahay at hinihintay ang tawag ni Evo dahil sabi niya bibigyan niya raw ako ng mga kakailanganing documents para makapagsimula na ako sa business na iha-handle ko.

I placed my fingers on the keyboard. Naalala ko ang araw na 'yon dito sa loob ng music room. It was my birthday. It was the first and memorable birthday I had ever since my mother left me. Namimis ko na siya ng sobra. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang impormasyon na magpapatunay na si Maiko at si Yumi ay iisa. Yes, I've conducted an investigation pero wala akong nakalap.

♪♪ I'm telling you
I softly whisper
Tonight, tonight
You are my angel.

Aishiteru yo
Futari wa hitotsu ni
Tonight, tonight
I just to say... ♪♪

Sana naririnig niya ako. Sana alam niyang mahal ko siya at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

♪♪ Wherever you, I'll always make you smile
Wherever you are, I'm always by your side
Whatever you say, kimi wo omou kimochi
I promise you "forever" right now... ♪♪

Yumi... I missed you so much. Bumalik ka na, please. Anim na taon ko nang pinagsisisihan ang nangyari sa'yo. Anim na taon na akong naghihirap dahil wala ka sa tabi ko. Anim na taon na kitang hinahanap-hanap.

♪♪ Wherever you are, I'll never make you cry
Wherever you are, I'll never say goodbye
Whatever you say, kimi wo omou kimochi
I promise you "forever" right now... ♪♪

[Phone ringing]

Napahinto ako nang mag-ring ang cellphone ko. It was Evo calling kaya agad kong sinagot ang tawag.

"I need you to do something. Make Maiko stay at our house. Ikaw nang bahala kung anong paraan ang gagamitin mo basta mapatira mo siya sa mansyon."

'Yon lang ang sinabi niya at pinatay na niya ang tawag. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? At ano namang gagawin ko para mapatira si Maiko rito sa pamamahay namin? Kidnap her? That's stupid. Kung ano man ang plano niya, I'll just go with the flow.

Pero, paano? Isip, Ayato.

If I can't force her to stay with us, then I'll make her come here on her own. Tama!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Evo.

To: Goddamn Evo

Give me her address. Something will happen to Maiko as soon as she gets home. Offer her to stay here.

Tama lang ang gagawin ko. Hindi naman siguro ako mabubuking lalo pa't isa akong El Greco.

Ilang minuto lang ay tumunog ulit ang cellphone ko kaya binasa ko ang text niya.

From: Goddamn Evo

What the hell are you planning? Sasaktan mo ba siya?

Tangina niya! Sa tingin ba niya kaya kong saktan ang babaeng iyon? Hindi na naman ito nag-iisip ngayon.

I texted him about my plan at sumang-ayon naman siya after he gave me the address and the unit number where she's staying.

Magiging masama ang planong ito kung titingnan mo sa ibang anggulo. But the purpose of this plan is for me to be with her.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon