Chapter 38: Bad omen

1.1K 23 2
                                    

Yumi's POV

"Yumi."

Napalingon kami ni Ayato nang marinig ko ang pangalan ko and I saw him. Biglang kumulo ang dugo ko nang makita ko ang pagmumukha niya. Paano niya nalamang nandito kami? Ang balita ko, nasa America siya para sa business nilang mag-ama. Pero anong ginagawa niya dito? Sinusundan ba niya ako para humanap ng pagkakataong patayin ako?

Pero hindi ko dapat ipahalata sa kanyang alam ko na ang plano nila sa akin. I should compose myself and fight the deceit. Iyon ang bilin sakin ni Shinobu-san.

"Toshio-sama. Nani toiu guuzen deshou. Koko de nani wo shite i masu ka. Watashi ha Amerika ni iru to omotta," (What a coincidence. Anong ginagawa mo dito? Balita ko kasi you were in America.) nakangiting tugon ko. They thought I'm clueless and naïve.

"Sore dake de okoru watashi ha Ueno eki de ha koko de anata womita. Maa, anata ha kaisha womotte i masu. Eru Gureku no kyoudai noichi nin. Ayato watashiga oboe te iru baai." (It just happened that I'm here in Ueno station and I saw you. And oh, you have a company. One of the El Greco brothers. Ayato, if I remember.)

Napatangu-tango nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba iyon o gumagawa lang siya ng istorya. Masakit para sakin na isiping sila ang gagawa nito sa amin ng pamilya ko. Nagtiwala ako sa kanila, pinagkatiwalaan sila nila okaasan at otousan pero heto ako ngayon, malalamang tinatraydor pala nila kami.

Ni hindi ko lubos maisip na si Toshio-sama ay kasali rin. Pero alam kaya niya? Paano naman kung si Atty. Kimura lang ang may plano ng lahat at wala siyang alam? Kahit na. Isa pa rin siyang Kimura.

"Jaa, watashi saki ni iku yo." (So, I'll go ahead.) pagpapaalam niya sa amin kaya hindi ko na siya pinigilan. Ayoko muna siyang makausap dahil naalala ko lang ang nangyari sa pamilya ko ng gabing iyon.

"Are you okay?" napalingon ako kay Ayato nang magsalita siya kaya nginitian ko nalang siya at tumango.

Ilang minuto kaming naghintay sa station bago dumating ang train. Tahimik lang kami buong biyahe. Biglang nawala ako sa mood nang makita ko si Toshio-sama kanina. I know, napaka-unreasonable ko lalo na ngayong kasama ko si Ayato pero yung isip ko naman ay lumilipad sa ibang dimension.

Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay tahimik pa rin ako. Siguro nararamdaman ni Ayato na ayokong makipag-usap kaya hindi nalang din niya ako kinibo.

Wala si El Greco-sama dahil nag overtime daw sabi nung katulong nila dito.

"Ipapahanda ko lang ang guest room. Dito ka muna," paalam niya saka ako iniwan sa living room.

"Yumi, anata mata chikoku desu. Sore ha doko ni sare te iru, yoru no 9ji sugi desu ka." (Yumi, late ka na naman. Past nine na ng gabi, saan ka ba galing?)

"Anata ni kankei ari mase n!" (None of your business!)

"Yumi! To wo ake te kudasai. Dono you ni anata ha aete kuchigotae. Yumi!" (Yumi! Buksan mo ang pinto. How dare you talk back. Yumi!)

Iyon ang huling pag-uusap namin ng aking ina nang gabing iyon bago mangyari ang ganung patayan. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol ng iyak.

"Gumenasai, okaasan. Gume... Gumenasai." impit ko sa gitna ng pag-iyak ko.

Iyak lang ako nang iyak hanggang sa maramdaman ko ang mga bisig na yumakap sakin kaya napayakap nalang ako sa kanya at humagulgol ulit ng iyak. Gusto kong balikan ang mga panahong iyon. Gusto kong bumalik sa araw na iyon at humingi ng tawad sa aking ina at sabihin sa kanyang mahal na mahal ko siya.

Sobrang sakit na. Pakiramdam ko, sasabog na ang puso ko sa sobrang pagkamiss sa pamilya ko. Ni hindi ko na nga alam kung sino ang mahingan ko ng tulong at kung paano ko sila mabibigyan ng hustisya.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon