Chapter 19: Moment breaker (part 2)
Yumi's POV
Iniwan na namin ni Evo si Drake sa kusina.
Kanina pa kasi siya singit nang singit sa amin ni Evo. Naging ganun na siya nung nasa ospital pa lang ako at hindi na yun nagbago.
Nagpaalam si Evo na aalis muna siya dahil pupuntahan niya si Kirstin.
May usapan kasi sila na magkikita ngayon.
Ano na kayang improvements nung dalawa? Baka naman sila na. Hehe ang saya naman kung ganun.
Back to reality, so yun nga iniwan na namin si Drake sa kusina.
Kung tatanungin niyo ko kung ano nangyayari sa kanya? Hindi po ko feeling pero alam ko namang nagseselos siya eh.
Inamin na kaya niya sakin dati na gusto niya ako. Pero syempre nagpapatay malisya lang ako dahil alam ko sa sarili kong hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.
Gwapo si Drake, minsan mabait minsan naman may topak, madali mairita, bastos ang bibig tapos napaka-bossy pa.
Pero ramdam ko naman na protective siya at caring. Kaya lang tinatakpan lang niya dahil sa mighty pride niya.
Marami ding nagkakagusto sa kanya. Pero hindi talaga ako kabilang doon.
Gusto kong sabihin sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga. Pero wala akong lakas ng loob. Madali din kasing mag-init yung ulo nun eh.
Pero nag-iipon talaga ako ng guts para masabi sa kanya yun. Ayokong umasa siya.
Naligo na ako at nag-ayos.
Napag-usapan din kasi namin ni Toshio-sama na mamasyal ngayon. Ipasyal ko daw siya. Gusto niya daw makita ang buong Pilipinas.
As if naman kaya naming libutin 'to noh.
Umalis na ako at nagpahatid sa taxi sa magiging meeting place namin. Wala na kasi akong cellphone. Sinira nung lalaking kumuha sakin.
Nang makarating ako sa lugar ng usapan namin ay nakita ko na agad siya.
Hala! Kanina pa kaya siyang naghihintay sakin? Nahiya naman ako. Nilapitan ko kaagad siya at napansin naman niya ko agad.
"Yumi-chan." Nakangiting bati niya sakin.
Sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko yung kapatid ko. Mag best friends kasi sila at lagi silang magkasama.
"Jikan taiki desu ka?" (Did you wait long?)
"Iie. Dakara, koko deshi te iru ka?" (No. So, where are we going then?)
Magja-japanese nalang po kami. Mas komportable akong kausapin siya sa sariling lenggwahe namin eh. Hindi naman siya nakakaintindi ng tagalog, so ito nalang.
Dinala ko siya sa SM. Yung pinagdalhan sakin ni Ayato nung sinamahan niya kong bumili ng mga damit.
Naalala ko naman siya. Yung usapan kasi namin kagabi eh. Di mawala sa isip ko yung tungkol sa birthday niya at kung bakit siya iniwan ng kanyang ina sa mismong kaarawan pa niya.
Nakakalungkot kaya yun.
"Asoko ni aakeedo ga ari masu. Iki mashu u." (There's an arcade over there. Let's go.)
Hinila niya ako papunta sa arcade. Natawa pa ako sa kanya kasi akala niya makakalaro na talaga siya.
'Toshio-sama... wala po tayo sa Japan'
Bumili ako ng mga tokens at binigay yun sa kanya.
Naglaro kami ng car racing tapos yung kuha-kuha ng stuff toy, di ko alam tawag dun. Nakailang ulit kami pero ayaw talaga makuha ng snoopy na stuff toy.
Naka-anim na token na kami at sa wakas nakuha na din namin.
Ang saya lang. Napikon pa siya nung una pero nung nag-pout ako ay nagsipag naman siya.
Nung nakita niyang tuwang-tuwa ako ay bigla niya akong niyakap. Nagulat ako dun dahil kahit kailan, wala pa kaming ganitong contact ni Toshio-sama.
"EHEM!!"
Kilala ko ang boses na yun.
Napabitaw si Toshio-sama sa pagkakayakap sakin at napaharap sa pinanggalingan ng boses. At hindi ako nagkamali nung nakita ko siya.
Ano namang ginagawa niya dito? Sinundan ba niya ako? Grabe siya oh!
"Why are you here?" tanong ni Toshio-sama sa kanya.
"Oh don't mind me. I'm just here to play that thing." at tinuro niya yung pinaglaruan namin kanina.
Nagkibit balikat nalang si Toshio-sama at hinila ako paalis dun.
Nilingon ko ulit si Drake at nakita ko namang naglaro talaga siya. Psh! If I know, sinundan niya ko dito.
Nagpunta kami sa may bump cars at sumakay doon. May mga tao din na naglalaro kaya nakisali na kami doon.
The more the merrier eh.
Nasa gitna kami ng enjoyment.
Now, spell PANIRA.
D-R-A-K-E
Binangga lang naman niya si Toshio-sama. Baliw talaga siya eh noh?
Umiwas sa kanya si Toshio at hinabol yung car ko. Nung magkatapat na kami ni Toshio ay pumagitna naman siya sa amin.
"Hi baby girl." At kumindat pa talaga siya. Tapos binangga niya ulit si Toshio-sama.
Naiinis na ako sa kanya ah. Ayokong ginaganyan niya yung bisita ko eh wala namang ginagawa yung tao sa kanya.
Bumaba ako at sinenyasan si Toshio na umalis na dun dahil baka topakin na naman si Drake at banggain lang siya nang banggain.
Alam kong banggaan talaga yun kasi ng 'bump cars'. Pero iba yung kanya eh. Nang-iinis na siya.
Iniwan namin siya doon at nagpunta kami sa Starbucks at nag-order na.
"Naze kareha tsugino watashi tachi desu ka?" (Why is he following us?)
Hindi ko naman masabi kay Toshio-sama na kaya kami sinusundan ni Drake ay dahil nagseselos siyang iba ang kasama ko.
At syempre magtataka siya kung bakit nagseselos. At isa lang ang ibig sabihin nun.
"iie kareha Toshio-sama de ha nai desu. Kareha choudo watashini meiwakushimasu. Sore ha kareno shumi, karewo ki ni shimase n." (No he's not, Toshio-sama. He's just annoying me. It's his hobby, don't mind him.)
May sasabihin pa sana si Toshio-sama pero nagulantang lang kami nang umupo si Drake sa table namin at nagbabasa pa ng magazine.
Naiirita na talaga ako.
"Drake ano bang ginagawa mo?" di na ako nakapagpigil.
Tumingin siya sakin na para bang ngayon lang niya ako nakita.
"Yumi! You're here. Wow! What a coincidence. Oh, you have a company. Is this your driver?"
Sumusobra na talaga siya. Binabastos na niya si Toshio-sama. Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagagawa niya.
Kanina pa siya eh.
Hindi. Mali ako! Nung nasa hospital pa lang, ganyan na siya. Minsan natatawa ako kasi parang nagiging isip bata siya.
Pero ngayon hindi na. Sa harap pa talaga ni Toshio-sama. At sinabi pa niyang driver ha? Ang kapal!
Sinusubukan niya pasensya ko.
"Tumigil ka na nga Drake! Akala mo ba natutuwa ako sa mga ginagawa mo?! Nakakairita na Drake. Kaya pwede ba, lubay-lubayan mo ko. Naiinis na ako sa presensya mo! At wag mong mabastus-bastos si Toshio-sama dahil importanteng tao siya sa buhay ko!!"
Nahihingal pa ako nang sabihin ko yun. Eh nakakainis na talaga kasi.
Hinila ko si Toshio-sama palabas at iniwan si Drake.
Dumiretso na kami sa airport para bumili ng plane ticket pabalik sa Japan.

BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...