Chapter 21: Madness and possession
Kasalukuyan akong nasa kwarto ko habang iniisip kung ano bang tumatakbo sa isip ni Ayato at ginawa niya yun.
Kani-kanina lang ay sinisigawan niya ako pero di kalaunan ay niyakap at ang mas ikinagulo ng isip ko ay ang paghingi niya ng sorry.
Not so like Ayato. Ano kayang meron?
Ah bahala na.
Nagtungo ako sa banyo para mag-shower at pagkatapos ay nagbihis.
Tinignan ko ang picture frame sa ibabaw ng bed side table ko. Ang saya pa namin sa picture na yun. Kumpleto pa kami.
Bukas hindi ko alam anong nag-aabang sakin sa Japan, pero haharapin ko na talaga kung anuman yun.
Ayoko nang takasan ang problemang yun, isa pa alam ko naman kung ano talaga ang habol nila sakin.
Kayamanan ng Matsumoto clan.
Pinatong ko na uli ang picture frame at pinatay ang ilaw. Bilog na bilog ang buwan kaya medyo maliwanag sa loob ng kwarto pero hindi ganun kaliwanag.
Pinikit ko na ang mga mata ko at matutulog na sana nang biglang may pumasok sa kwarto ko.
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero kilala ko ang figure na yun.
"Drake? Anong ginagawa mo dito?"
Naupo ako sa kama at nagtalukbong ng comforter. Kinakabahan ako, kapag ganitong eksena parang alam ko na kung anong gagawin niya.
Ganitong-ganito yung ginawa niya yung unang araw ko dito sa mansion nila. Ano na namang ginawa ko at nagkakaganyan siya?
Ah nakalimutan ko, pinagsalitaan ko pala siya ng masasakit kanina.
Napansin ko nalang na nakalapit na pala siya sakin at naupo sa gilid ng kama ko. Medyo naaninag ko ng konti ang mukha niya.
Marami siyang pasa. Dala ba yan ng away nila Ayato kanina?
Aabutin ko na sana yung lampshade para magkaroon man lang ng ilaw sa kwarto pero hinawakan niya bigla ang kamay ko para pigilan ako.
Mahigpit ang pagkakahawak niya at namimilipit ako sa sakit. Sinubukan kong alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya but he's strong.
"D-Drake... nasasaktan ako."
Pero imbis na sagutin niya ako ay tinulak niya ako dahilan para mapahiga ako. Parang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko.
Ang lakas ng tibok nito. Kinakabahan na natatakot ako sa gagawin niya.
Nakakatakot yung mga tingin niya. Ganitong ganito yung tingin niya sakin dati nung nagalit siya dahil magkasama kami ni Ayato dun sa SM.
"Is it fun sneaking around with those two dickheads?"
Hindi ko kaagad nagets ang sinabi niya dahil nadistract ako sa hininga niya. Amoy alak siya. Ibig sabihin lasing siya ngayon.
Gusto ko nang maiyak ngayon pa lang. Natatakot ako sa kanya. Sobra. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Hindi ko alam anong susunod niyang gawin.
"I asked you so you should answer!" madiing sabi niya sabay diin ng pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napa-aray na ako.
Pakiramdam ko bumakat na sa wrist ko yung malaking kamay niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.
Sa takot ko, sinagot ko nalang siya kahit nauutal ako.
"Hi-hindi ko a-alam ang si-sinasabi mo. Drake, I'm sorry sa mga nasabi ko kanina. Please mag-usap nalang tayo na hindi gumagamit ng dahas. Na-nasasaktan ako."
Pero imbis na sagutin niya ako ay dinaganan niya ako at marahas na hinalikan habang hawak-hawak pa rin ang kanang kamay ko.
Buong lakas ko siyang tinutulak. Nanlalaban na ako pero wala pa rin, patuloy lang siya sa pagharas sakin.
Iniwas-iwas ko ang mukha ko para hindi niya ako mahalikan.
"Drake tama na!" panlalaban ko sa ginagawa niya.
Pinatong ko sa balikat niya ang kaliwang kamay ko at ibinaon ang kuko. Pasalamat ako't mahahaba ang aking kuko.
Napa-aray siya ng mahina kaya nakawala ako. Bumangon ako sa kama at lalabas na sa kwartong iyon.
Hindi. Lalabas ako sa bahay na yun.
Pero bago paman ako makatayo ng tuluyan ay tinulak niya ako pabalik sa kama kaya napahiga ulit ako at pumaibabaw naman siya sakin.
Mare-rape ako pag wala akong ginawa. Sinusubukan ko ulit siyang labanan pero wala lang nangyayari.
Naisip kong sipain yung harapan niya pero hindi ko magawa dahil nakadiin ang katawan niya sa katawan ko. Sobrag hirap gumalaw.
Hinawakan pa niya yung dalawang kamay ko gamit lang ang isang kamay niya. Para na akong mababaliw.
Hindi na ito yung Drake na nakilala ko. Hindi siya yung Drake na naging kaibigan ko. Ang taong nasa harapan ko ay isang halimaw. Walang puso.
Bumaba yung halik niya sa leeg ko.
"Drake please, tama na..." nangangatal kong pakiusap.
Isang emosyon nalang ang nararamdaman ko ngayon. Takot.
Hindi ko kayang pigilan si Drake sa ginagawa niya, hindi siya nagpapapigil. Parang nahihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko sa ginagawa niyang pagharas sakin.
Hanggang sa naramdaman ko nalang ang mainit na palad niya sa ilalim ng shirt ko. Hinawakan niya ang tyan ko at tumataas pa ito.
Tumulo ang mga luha ko sa ginagawa niya. I'm being raped at wala akong magawa dahil sobrang hina ko.
Naiyak na ako ng tuluyan nang maramdaman ko ang kamay niya sa kaliwang parte ng dibdib ko at nilalaro yun habang hinahalikan ang leeg ko.
Napalakas ang pag-iyak ko hanggang sa namalayan ko nalang na tumigil siya sa ginagawa niya.
Humiga siya sa tabi ko at narinig kong humikbi rin siya. Bakit siya umiiyak? Ako dapat ang nagkakaganyan dahil sa kawalang-yaang ginawa niya sakin.
Binaboy niya ako!
Kinuha ko ang pagkakataong yun na tumayo at lumabas ng kwarto. Pero bago na naman ako makaalis ay hinawakan niya yung kamay ko.
Automatic namang dumapo ang palad ko sa mukha niya. Ramdam ko pa ang pananakit ng palad ko, tanda na napalakas ang pagsampal ko sa kanya.
Marahas kong hinila ang kamay ko pabalik at nagtuluy-tuloy sa paglabas ng kwarto. Hindi ko kayang makita ang pagmumukha ni Drake.
Dinumihan niya ang pagkababae ko. Kung galit siya, magalit siya o sampalin niya ako. Pero yung ginawa niyang yun? Napakababoy niya.
Paano nalang kung hindi siya tumigil? Edi wala na ako ngayon? Pinakaiingatan ko ang pagkababae ko pero hinding-hindi ko hahayaang makuha yun ni Drake.
Sino ba siya para galawin ako ng pwersahan? It's rape.
Kung wala akong puso gaya ng taong yun, matagal ko na siyang kinasuhan ng attempted rape. Matagal na akong nagtitimpi sa side niyang yun.
Dati-rati paman ay hinaharas na niya ako, ngayon muntikan na talagang mawala yung bagay na iniingatan ko.
Bukas hindi ko na naman siya makikita. Bukas na ang alis ko dito sa impyernong 'to.
Sa sobrang iyak ko, hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sulok ng living room.
----------------
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
Roman d'amourNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)