Chapter 2: You're mine

4.1K 80 8
                                    

Chapter 2: You're mine


Yumi's POV

Kanina pa ako nagising pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko, ni ang bumangon.

Naninibago pa rin ako sa mga tao dito. Lalo na sa magkapatid na yun. Hindi ko alam kung anong ugali meron sila at mas lalong wala akong ideya kung anong pinaggagagawa nila sa buhay.

Si Evo? Mukha naman siyang may matinong ginagawa. Lalo na nung nakita ko siyang naka-uniform nung nadatnan niya akong nakatingin sa portrait nila.

Si Ayato naman, hindi ko alam kung anong meron sa kanya. He seems to be at the dark side. Always. At ano yung paghihiwa niya ng keso? Di ko alam.

Si Drake?

Ugh! Naaalala ko na naman yung nangyari sa living room na paghalik niya sakin. At lalo lang akong natatakot sa kanya dahil sa ginawa niya kaninang madaling araw.

*Flashback*

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko dahil sa malalakas na katok na yun. Parang masisira na ang pinto sa sobrang lakas nito.

Tiningnan ko ang digital clock sa bed side table ko and I was shocked to see that it's still 2:40 in the morning.

Sino ba ang kumakatok ng ganitong kaaga?

Binuksan ko ang lampshade para magkaron ng kaunting ilaw sa silid at agad na bumangon para buksan ang pinto.

Baka magising yung ibang natutulog sa sobrang lakas ng mga katok.

Nang buksan ko na yun, nanlaki ang mga mata ko when I saw Drake in front of my door, smiling. No, he's not smiling. He's smirking.

Smirking as if he has an evil plan.

Bastos na kung bastos pero isasara ko na sana ang pinto dahil natakot ako sa kanya pero hinarang niya iyon kaya napaatras ako.

He entered my room and shut the door close at ni-lock yun.

Mas lalo akong kinabahan sa ginawa niya and habang papalapit siya sakin at ako naman ay paatras nang paatras.

Hindi ko alam kung sisigaw ba ako ng tulong o ano pero kailangan ko yun para iligtas ang sarili ko sa lalaking ito.

Kaya wala sa anu-ano ay sumigaw ako.

But I stopped when I heard him laugh. Tiningnan ko siya. He's laughing but not the typical laugh of a happy person. It's a mock.

"A-anong na-nakakatawa?"

Kabado pa rin talaga ako. What is he up to? Why is he here at this hour?

"You think may magagawa yang sigaw mo?" he managed to talk in the middle of his laugh.

Ano bang kailangan niya kasi? And just when he released a heavy breath, dun ko lang napansin na nangangamoy alak siya.

Hanggang ngayon amoy alak pa rin siya? He's been drinking since then? Ibig sabihin lasing siya ngayon. And I remember what my mother said before.

'Wag mong sagarin ang pasensya ng lasing'

Hindi ko naman talaga gagawin yun, but he's just too scary to ignore. At kahit anong gawin ko ay hindi ko siya maiiwasan dahil nakatira lang kami sa iisang bubong.

Tumigil na siya sa pagtawa at humarap sakin with that smirk again. I don't want to see that kind of smile on his lips. It's evil. It's scary.

At ayan, lumalapit na naman siya sakin. Umaatras ako nang mapahinto ako sa may kama. He's too close.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon