Chapter 63.1: Bloodshed

980 16 1
                                    

Dalawa ang UD ko today. Graveyard shift iyong work ko nagiging aswang ako dahil gising na gising ang diwa ko sa gabi (kahit mahirap) at tulog na tulog naman sa umaga (sobrang sarap). Thank you sa mga umabot dito.

...

Drake's POV

Nagising ako na ako nalang mag-isa sa bahay nila Yumi. Wala siya sa kwarto niya at hinalughog ko na ang buong bahay pero wala pa rin siya. Pati ang pinto ay naka-lock. Lahat. Pati bintana.

Umalis siya nang hindi ako kasama, naisahan ako ng babaeng 'yon. Kung bakit ba kasi ako nakatulog kanina? Ugh! Hindi ko naman siya matawagan dahil hindi ko alam ang phone number niya at mas lalong hindi gumagana ang PH sim card dito. Bwisit! Paano nalang kung may mga masasamang tao na gumalaw sa kanya? Shit!

I walked to and fro for about a minute when I heard the door clicked open at iniluwa doon si Yumi. I sighed in relief. Buti naman at walang nangyaring masama sa kanya.

"Saan ka ba galing? Bakit umalis kang mag-isa? Alam mo bang pinag-alala mo 'ko ng husto?" bugad ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at nagtuluy-tuloy lang siya sa mesa kung saan nakapatong ang kanyang laptop.

Napapansin kong simula nang maalala niya ang lahat ay ibang Yumi na ang nakakasama ko. Hindi na ang Yumi na palangiti at mahinhin. She became as cold as ice at parang naiimpluwesiyahan siya ng personality ng kanyang katauhan before. Si Maiko. And I hate it. I hate seeing her like this. She's obsessed in seeking revenge to that old man named Shi... basta iyong matandang 'yon.

"Lumabas lang ako para bumili ng pagkain. Heto, kumain ka muna. Don't worry, binili ko lang ang mga pagkaing papatok sa panlasa mo. Baka ayaw mo kasi ng Japanese food." She said as she unload the black plastic bag.

Lumapit ako sa kanya, "Yumi... why are you doing this? You've changed. A lot and I hate seeing you like this."

"Chopsticks ba ang gagamitin mo o kubyertos?" she asked ignoring my sentiment as if she didn't heard anything and it pisses me off.

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at iniharap ko siya sa'kin. Napipikon na ako sa ikinikilos ng babaeng ito ah. Hindi ba niya nakikitang gusto ko lang na matahimik at maging malaya siya sa kung anumang sakit na dinadala niya?

"Mayumi! Stop this nonsense okay? I'll help you with your plan but let's try to contact with the cops. Makipagtulungan tayo sa kanila. Sigurado naman akong tutulong sila para makulong itong kaaway mo."

Marahas niyang inalis ang pagkakahawak ko sa braso niya, "Can't you see? I'm in a situation like it's me against the world, Drake. Hindi mo ba nababasa ang mga balita? Oh right, you can't read Japanese characters. Malaki ang naiaambag niya sa society. Makapangyarihan siyang tao and he has our wealth. Hindi pa man tayo naipapanganak, Drake ay walang pulis ang nanghuhuli ng miyembro ng Yakuza dahil sa pagpatay sa mga kaaway nito. Makukulong lamang sila kapag illegal sa society ang ginagawa nila. At baka nakakalimutan mong Yakuza rin ang pamilya ko. We can only ask help from the cops if we're civilian and ordinary nihon. But we're not. So I need to end this."

Hindi ko alam kung paano ko ipa-process sa utak ko ang mga sinabi ni Yumi. Pero isa lang ang naiintindihan ko. She needs my help. Kaya hindi na ako pumalag pa.

After we had our meal ay pinagplanuhan na namin ang magiging stunt namin for tomorrow's event. Matiim akong nakikinig sa kanya habang dini-discuss niya ang plan A at ang back up plans namin kung sakaling mahalata ako. Lalo pa't hindi ako marunong magsalita ng lenggwahe nila.

"Kung hindi lang sana ako namumukhaan ni Shinobu ay ako nalang sana ang gagawa ng planong ito para hindi ka na madamay pa." she uttered afterwards.

"Don't worry, hindi nila ako mahahalata. Sa gwapo kong 'to ba naman." I jested but she didn't laugh. Instead, she stood up at dinouble check ang mga kagamitan.

She really has changed. Pero hindi naman siya ganito nang gabing iyon ah. Iyong gabi na nagpunta ako sa unit niya. May split personality kaya siya? Stupid idea.

NAGISING ako nang makarinig ako ng kaluskos mula sa labas at nakita ko rin ang paglabas ni Yumi mula sa kanyang kwarto. Dito kasi ako natulog sa living room para may bantay kung sakaling may pumasok man.

Kagabi kasi hindi kami nagbukas ng ilaw para hindi malaman ng mga tao sa labas na may tao rito sa loob.

Inilagay ko sa mga labi ko ang hintuturo ko para senyasan siyang h'wag maingay. Walang-tunog akong lumapit sa may bintana katabi ng pinto at hinawi ang kurtina upang masilip kung sinong nasa labas. Nakita ko ang isang babae at dalawang lalaki. Iyong babae ay si... si Izumiko iyon ah.

Lumingon ako kay Yumi at lumapit sa kanya without making a sound, "Si Izumiko, iyong caretaker niyo. Pagbubuksan ba natin ng pinto?"

"Stupid. Kaaway siya. Tulungan mo 'kong iligpit itong mga gamit. And... don't make a sound. Magtatago tayo dahil wala tayong ibang daan kundi ang main door. That means, we're trapped here until they left." Bulong niya sa'kin.

Napamura ako sa isip ko. Akala ko kakampi itong si Izumiko, hindi pala. Six years ago nakausap ko siya. Kaya ba niya natunton si Yumi ay dahil sinabi ko sa kanyang nandito siya sa Japan noon? I felt guilty, somehow. Pero mamaya ko na iyon papansinin. We need to secure our safety.

Habang nagliligpit kami ng mga gamit ay biglang bumukas ang lock ng pintuan. Kaya nagmadali kaming pumasok sa loob ng kwarto ni Yumi. Pero bumalik pa siya sa living room nang makitang naiwan niya ang kanyang cellphone sa mesita sa sala. Puta! Pabukas na ang pinto pero pabalik pa siya sa loob.

And thank God dahil pagkapasok nila Izumiko, nakapasok din si Yumi sa kwarto at naisara ko ng walang kaingay-ingay ang pinto. Iyong pakiramdam na para kang hinahabol ng zombie at isang ruler nalang ang layo niya sa'yo at maabutan ka na niya. Fuck!

Pumasok kami sa closet niya. At kahit ganito na nga ang sitwasyon namin, nakakaramdam pa rin ako ng init sa katawan. Paano ba naman kasi, ang sikip-sikip dito. Ang lapit-lapit ko pa sa kanya. Tanginang Izumiko kasi iyon eh.

"Hindi ko naayos ang kama." Biglang bulong niya. At kinabahan ako nang makarinig kami ng pagbukas ng pinto.

Good gracious! Kapag talaga nalaman nilang nandito kami sa loob, makakapatay talaga ako ng tao. Pero hindi iyon ang kinakaba ko. Si Yumi. Natatakot ako para sa kanya kaya dumo-doble ang kaba na nararamdaman ko.

Narinig namin ang yabag na palakad-lakad sa buong kwarto. Ultimo paghinga namin ay pinipigilang walang ingay na lalabas. Pero tangina lang! Gusto kong bumahing. Nangangati na ng sobra ang ilong ko dahil sa alikabok dito sa loob. Siyempre, anim na taon itong hindi nalinis.

Hayan na.. nababahing na ako. FU—

I was shocked, astonished and astounded and everything that is synonymous to the word surprised sa ginawa ni Yumi. Kailan pa napipigilan ng halik ang bahing? Yeah, she kissed me.

Ilang segundo rin kami sa gano'ng posisyon bago niya pinaghiwalay ang mga labi namin. And I gotta admit, nawala 'yong pagbahing ko sana. Pakiramdam ko namumula ako. Fuck! Ang baduy mo, Drake. Nakita ko rin siyang nag-iwas ng tingin.

"Someone was here." (nihongo po ang sinabi niya rito at sa susunod pang mga dialogues, in-english ko nalang para hindi na humaba) I heard Izumiko's voice pero hindi ko naman maintindihan.

Nakarinig kami ng pagsara ulit ng pinto kaya medyo nakahinga kami ng maluwag. Nang masiguro naming wala ng tao sa labas dahil tahimik na ay lumabas kami ng closet.

But to our surprise, Izumiko was sitting on the bed while the two men standing side by side. Damn these people! Matatalino pala talaga ang mga taga Japan.

Good luck to them 'cause I'm gonna kill them if they lay a hand on Yumi.

Yumi's POV

Masyadong thrilling ang sitwasyon namin ni Drake dahil sa biglaang pagdating ni Izumi. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagpupunta rito sa bahay namin. Siguro hindi sila naniniwalang patay na nga ako. Or maybe nakita nila ako dati bilang si Maiko Fujiwara. Whatever.

Nasa loob kami ng closet ngayon ni Drake dahil nagtatago kami. Wala kasing ibang labasan ang bahay namin kung hindi ka dadaan sa main door.

Napansin kong kanina pa galaw nang galaw si Drake sa ilong niya. Inaalikabok na rin kasi ang closet ko. Sa tagal ko ba namang nawala.

But wait... is he going to sneeze? No. He can't. Oras na bumahing siya'y malalaman ni Izumi at ng tauhan niya na nandito kami sa loob ng closet. And when he was about to sneeze, I kissed him. Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko't ginawa ko 'yon. Nagbabakasakali akong hindi matuloy. At hindi nga.

Nang masiguro kong hindi na siya babahing ay inilayo ko na ang mga labi ko sa mga labi niya. Na-awkward tuloy ako bigla dahil sa ginawa ko. Pero nawala rin ang awkwardness ko at napalitan ng kaba nang biglang magsalita si Izumi.

"Someone was here." Oh crap! Sana kasi inayos ko ang kama ko bago ako lumabas ng kwarto kanina.

Pero ilang sandali lang ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto tanda na umalis na sila. I sighed in relief. Pinakiramdaman ko muna ang paligid pero wala naman na akong narinig na ingay kaya lumabas na kami ng closet. But... she was there. Sitting on the bed and grinning like hell. Kasama niya ang dalawang lalaking nakatayo sa left and right side niya. Bwisit!

"Long time no see, Mayumi. You're still alive." Bati niya sa'kin na parang natutuwa pa siya. Well, hindi ako natutuwa sa kanya.

Agad namang sumugod ang dalawang lalaki sa amin pero naharangan naman sila ni Drake at nagsimula silang magsuntukan. But my attention was on Izumi Fumiko. Ang demonyitang ito ang isa sa mga nagpahirap sa'kin noon.

Lumapit siya sa'kin at may hinugot na kutsilyo mula sa kanyang hita. Heto na naman ang dagger niyang pinang-ukit sa braso ko.

Tumingin ako sa gawi ni Drake pero busy siya sa pakikipagsuntukan sa dalawang kumag. Hindi ko na siya poproblemahin dahil kaya naman niya iyon. Hindi naman mga sumo wrestler ang mga kalaban niya.

"I killed you once, I'm going to kill you again." She blurted out as she attacked me with her knife.

Kanda-iwas naman ang ginagawa ko. Alangan namang sanggain ko ng kamay ang kutsilyo.

"You never killed me before, bitch!" I uttered as soon as I got the vase on my hand and hit her head with it kaya nabitiwan niya ang kutsilyong hawak niya at natumba siya.

Agad kong tinakbo ang kutsilyo pero nahawakan niya ang kaliwang binti ko. Muntik na akong ma-out of balance pero nakakapit ako sa dresser. Pinagsisipa ko ang tiyan niya pero hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakahawak sa binti ko. Not until she got another dagger from her left leg. Shit! Ilang kutsilyo ba meron ang babaeng ito?

I tried to kick her hand holding the dagger pero naunahan niya ako. Sinaksak niya ang kaliwang paa ko. Fucking woman!

Yumukod ako at hinawakan ang kanyang buhok at saka siya pinaghahampas sa sahig. Dinaganan ko siya. I sat on her stomach at inagaw ang kutsilyong hawak niya. Hindi ko muna siya papatayin. I still need to know kung saan ang kuta ni Shinobu kaya tinutok ko sa kanya ang kutsilyo.

"Where's he hiding?" I asked as I was panting.

Hinihingal ako ng sobra at parang nanunuyo ang lalamunan ko. Nararamdaman ko rin ang panginginig ng kamay ko habang hawak ko ang dagger pero hindi ko pinahalata sa kanya.

She laughed like crazy bago nagsalita, "Why would I tell you? Don't worry. He'll come for you. And I'll make sure that this time, you'll be dead. For sure."

Inilapit ko ang dagger sa kanyang lalamunan, sa gitna ng kanyang collarbone and asked her the same question.

"It's a waste of time for him to come here. Tell me where he is or I'll kill you." I said as I tighten my grip on the dagger.

"Then kill me." She said directly.

Masyado namang loyal ang isang 'to sa matandang iyon. Kaya niya talagang magbuwis ng buhay para lang protektahan siya? Madali akong kausap. Ginagalit niya ako at iba akong magalit.

"I admire your intrepidity, Izumi. Even to your last breath, you're still stupid and a bitch. See you in hell!" I blurted out at sinaksak ko ang lalamunan niya kasabay ng pagsigaw ni Drake sa pangalan ko.

I killed her. I killed someone because of my vengeance. I took someone else's life. Anong pinagkaiba ko sa kanila? I became one of them now. But to hell with it. Pinatay nga nila ang buong Matsumoto ng walang awa. Why would I took pity on them? We're just on the same boat.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon