Chapter 47: Destined or not?

1.1K 21 2
                                        

Ayato's POV

Halos liparin ko na ang hagdan sa kakamadali. Ngayon kasi ang nakatakdang pagkikita namin ng sinasabing si Maiko Fujiwara.

"Nagmamadali ka yata? Sayang, may sorpresa sana ako sayo," harang niya sa harap ko.

"Oo nagmamadali ako kaya pwede ba, tumabi ka sa dinadaanan ko," iritadong tugon ko naman at nakipagsukatan pa siya ng tingin sakin. "Alam mo, Drake payong-kapatid ko lang, mag mature ka na."

Hindi ko na hinintay ang magiging reaksyon niya at agad akong lumabas ng mansyon at sinuot ang helmet saka pinaharurot ng takbo ang motor ko papunta sa SoftBank.

Kinakabahan ako habang nagda-drive. Hindi ko kasi alam anong mararamdaman at ire-react ko sa oras na makaharap ko na siya. Kung tama nga ang sinasabi nila Evo na kamukhang-kamukha niya nga talaga si Yumi, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya. It's been six years, for Pete's sake. Pero kailangan ko munang makasiguro kung siya nga ba talaga si Yumi.

Nang makarating ako ay ipinark ko na ang big bike ko at isinukbit sa handle ang helmet na dala ko at nagdiretso sa desk reception.

"I've got an appointment with Maiko Fujiwara this day," magalang na tugon ko sa desk receptionist.

"Sa 17th floor lang po sir. Nandoon po ang secretary niya, may conference meeting po sila ngayon."

"Thank you," at agad akong nagtungo sa elevator at pinindot ang ika-17th floor ng building ng SoftBank.

Nasa ika-anim na palapag pa lang ako nang pumasok ang mga tatlong babae at dalawang lalaki na sa tingin ko'y empleyado ng SoftBank dahil ayon na rin sa nakasulat sa sling ng I.D. nila.

"Ang bait naman pala talaga ni Ms. Maiko noh?" sabi nung isang babaeng naka-puti.

"Mababait din naman kasi ang parents niya. Nakakalungkot nga eh kasi nagkasakit si Mr. Fujiwara."

Hindi niyo ako masisisi kung nakikinig ako sa usapan nila dahil una sa lahat, nasa iisang closed space kami at dinig na dinig ko ang usapan ng mga tsismoso at tsismosang empleyado na ito. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bigla akong nanghinayang nang marinig ko ang sinabi nung isa pang babae? This Maiko Fujiwara has parents.

"Sa tingin mo, kailan babalik si Ms. Maiko sa Japan?" napatingin ako dun sa lalaking nagsalita. Babalik siya sa Japan? Bakit naman bigla akong nalungkot kahit na hindi ko pa naman siya nakikita?

"Hindi ko rin alam. Pero kahit na napakabait ni Ms. Maiko, ayoko siyang kausap minsan. Napapa-english ako ng di oras eh. Bakit kasi hindi siya mag-aral ng tagalog diba?"

Malabong siya si Yumi. Unang-una, this woman named Maiko Fujiwara has a complete family. Pangalawa, hindi marunong magtagalog. Eh bihasa kaya si Yumi sa lenggwaheng Pilipino diba?

Nang marating namin ang 17th floor ay agad din namang nagsilabasan ang mga empleyadong nakasabayan ko sa elevator. Lumabas na din ako at nagtanong sa isang staff na nakasalubong ko kung tapos na ba ang conference meeting pero sinabi niya lang na hindi niya alam.

May nakita akong bench sa may gilid ng pintuan ng conference room at doon ako umupo. Hihintayin ko na lamang na matapos ang meeting nila.

Minutes turned to hours. Dalawang oras na akong naghihintay dito sa labas pero wala pa rin. Gaano ba katagal ang meeting na iyon? Alam kong importante ang mga conference meeting dahil ginagawa rin naman ito ni daddy noon. Pero ano ba itong dalawang oras? May tao pa kaya sa loob?

Pagkatayo ko ay siya namang bukas ng pinto at bumungad sakin ang secretary ni Maiko Fujiwara na halatang nagulat.

"Mr. El Greco? Oh my gosh! I'm sorry nakalimutan kong tawagan ka. Hindi makakadalo sa appointment mo si Ms. Maiko. Bumalik siya ng Japan kaninang umaga lang, pina-cancel niya nga itong conference meeting eh," hinging paumanhin niya na siya namang ikalungkot ko. Excited pa naman akong makita siya pero iyon pala umalis na.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon