Chapter 20: Hug
Yumi's POV
Nang makabalik ako sa mansion ng mga El Greco ay naabutan ko si Evo sa living room na nagbabasa ng libro.
Napansin niya kaagad ako kaya sinalubong niya ako.
"Where you've been?" bungad niya sakin.
"Pinasyal ko lang si Toshio-sama, kaibigan ko galing Japan. Bumili na rin kami ng plane ticket."
Nakita kong kumunot ang noo niya. Oo nga pala hindi pa niya alam na aalis ako pabalik sa Japan. Sasabihin ko ba? Tutal malalaman niya rin naman, sasabihin ko nalang.
"Babalik ka na kasi ako sa Japan bukas. Kaya nandito si Toshio-sama para sunduin ako."
Hindi ko alam kung bakit pero may nakita akong lungkot sa mga mata ni Evo. Syempre kahit na alalay ang trato niya sakin, naging kaibigan ko rin siya.
Siya din kaya yung nagligtas sakin nung naghirap ako sa mga kamay nung masasamang tao na yun.
Pero dapat tanggapin na hindi naman talaga ako nararapat dito, dahil sa simula pa lang, hindi ako taga rito.
Wala akong lugar sa pamamahay na ito. Nakikitira lang ako. Gaya nga nung sinabi ni Ayato sakin nung una naming pagkikita, sampid lang ako dito.
At kailangan ko na ring harapin ang kung anumang nag-aabang sakin sa Japan. Tutulong ako sa paghahanap kung sino ang salarin sa pagkamatay ng buong pamilya ko.
"Hindi ka na ba babalik dito?" tanong niya.
Anong isasagot ko? Hindi na nga ba ako babalik dito? Pero ano pa bang kailangan ko dito? Gaya ng sinabi ko kanina, hindi ako taga rito.
Hindi ko nalang sinagot si Evo at nginitian ko nalang siya. Gabi na rin at pagod na ako.
Pero naalala ko si Drake. Nakauwi na kaya siya? Galit kaya siya sa mga sinabi ko sa kanya? Nadala lang talaga ako ng emosyon ko eh.
Di na ako nakapagpigil kaya tinanong ko si Evo.
"Si Drake ba umuwi na?"
Hinagod niya ang buhok niya bago nagsalita.
"Umuwi siya kanina pero nag-away na naman sila ni Ayato. Ewan ko ba sa dalawang yun, buti nalang naabutan nalang namin sila ni Kirstin na nagsusuntukan dito sa living room. Si Ayato nasa music room, si Drake hindi pa bumabalik."
Nag-away na naman sila? Kahit kailan talaga lagi nalang. Siguro kung babalik pa ako dito para bisitahin sila ganun parin ang dalawang yun.
Kailan kaya sila magkakasundo? Magkapatid naman sila. Kahit na iba-iba sila ng pinanggalingan, iisa pa rin naman ang ama nila. That's what makes them brothers.
Hindi ko nalang inusisa si Evo at iniba ko ang usapan.
"Kumusta pala kayo ni Kirstin? Matagal ko na rin siyang hindi nakaka-bonding."
"Okay naman kami. Magkaibigan pa rin."
Nakangiti niyang sinabi yun at pakiramdam ko may kakaiba sa kanya. Magkaibigan? Hindi ba first love ni Evo si Kirstin?
"Hindi mo ba siya nililigawan?"
Natawa naman siya sa tanong ko. Feeling ko tuloy joke yung nasabi ko, tinawanan kasi niya eh.
"She's already engaged so I can't. Isa pa, we've moved on."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam yun dahil wala namang nababanggit sakin si Kirstin eh. Kailan pa siya engaged?
Sayang. Bagay pa naman silang dalawa.
"And there's someone else I like."
Napatingin ako sa sinabi ni Evo at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Napalunok ako sa sinabi niya, pakiramdam ko para sakin yun.
'Wag ka ngang assuming. Wala ka sa kalingkingan ni Kirstin at mga gaya niya ang type ni Evo.'
Tama! Masyado lang akong nag-iisip.
"Si-sige mauna na ako. Magpapahinga na rin ako."
Umakyat na ako sa taas at habang papunta ako sa kwarto ko ay siya namang paglabas ni Ayato sa music room.
"Nag-away na naman kayo ni Drake?"
Tiningnan niya lang ako at hindi na siya sumagot. Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
Marahas niyang hinila ang braso niya sa pagkakahawak ko at matalim niya akong tinignan. Nakikita ko na naman ang mga mata niyang hindi ko mabasa-basa.
"Pwede ba wag kang masyadong pakialamera?"
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Kung nung isang araw okay kami dahil nag-open up siya, hindi ibig sabihin nun okay na talaga kami.
Parang babae din 'tong si Ayato. May mood swings.
"Hindi naman ako nakikialam. Gusto ko lang kayong tulungan na magkaayos bago ako bumalik sa Japan."
"Hindi ko kailangan ang tulong mo! At mabuti pa nga bumalik ka na sa lugar na yun!"
Natigil ako nung sigawan niya ako. Tinignan ko siya, nagbabakasakali na lumambot siya kahit ngayon lang.
Napansin kong nakatitig siya sa may likuran ko. Lilingon sana ako para tingnan ang tinitignan niya kaso bigla-bigla nalang niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap.
Hindi ako makagalaw ng maayos, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako. Ano bang ginagawa ni Ayato?
Kakalas sana ako pero mas hinigpitan niya ang yakap sakin at naramdaman kong medyo inaamoy niya ang buhok ko.
Kinilabutan naman ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko. Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko kasabay nun ang pagtayo ng mga balahibo ko.
"I'm sorry. I didn't intend to yell at you." hinaplos niya ang buhok ko at maya-maya ay humiwalay na siya sa pagkakayakap.
Gulat na gulat pa rin akong tiningnan siya. Hindi nagpa-process ng maayos ang utak ko.
Bakit niya ako niyakap? Bakit ganun bigla ang inasal niya?
Kung ano paman yun, wala na akong balak na alamin pa.
Kung para saan ang yakap na yun, wala na din akong balak na alamin yun.
Bukas, babalik na ako sa Japan.
----------
A/N: byeeers Yumi! Ay bye-bye na ba talaga? At bakit kaya yun ginawa ni Ayato? Huehue, malalaman niyo sa susunod na chap. Support po kayo ha? Salamat :*
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)