Chapter 63.2: Bloodshed

1K 24 1
                                        

Mahaba-haba ang chapter na ito since this is the end of their suffering. All out action na rin ‘to.

Drake’s POV

I was busy making these two dumbass into a punching bag. Nawalan na nga sila ng malay eh. Pero nang lumingon ako sa kinaroroonan ni Yumi, muntik na akong matakasan ng hininga.

Nakadagan siya kay Izumiko at may hawak siyang kutsilyo. Lalapitan ko na sana siya dahil nakikita kong nag-iiba na ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi na siya si Yumi. She’s vehement now kaya pipigilan ko siya bago pa niya mapatay ang babaeng iyon. But before I could go near her, she mercilessly kill the woman as I shouted her name.

Kaagad ko siyang nilapitan nang makita kong babagsak na siya and brought her into my arms.

“Yumi,” I called her out pero tulala lang siya, “It’s okay.. it’s going to be okay.”

GABI na nang matapos kong iligpit ang mga kalat sa bahay. And if I say kalat, iyon ay ang patay na katawan ni Izumiko at at no’ng isa pa niyang kasamahan. Sinwerte lang ang isa dahil nabuhay pa siya. Iyon nga lang, bihag namin siya ni Yumi. Ayaw kasing umamin tungkol sa tinatanong sa kanya. Masyadong pabebe, o naghahanap lang ng sakit sa katawan? Bahala siya.

“Ano nang plano mo? Hindi tayo natuloy doon sa consensus no’ng target natin,” usal ko habang ginagamot ang sugat sa kanyang paa, “Kung ayaw umamin ng kumag na ‘yon, wala tayong magiging lead.”

Nakatingin lang siya sa kawalan na parang nag-iisip ng sobrang lalim. Mas okay na nga ito kesa kanina na tulala talaga at parang wala sa sarili niya. Sino ba naman kasing mag-aakalang ang isang Mayumi Matsumoto na mabait at mahinhin ay makakapatay ng tao. Must be her zealous anyway.

Bigla siyang tumayo kahit hindi ko pa nalalagyan ng bandage ang kanyang sugat at naglakad papunta sa kinaroroonan ng kumag na tauhan ni Izumiko na parang wala siyang iniindang sakit.

“You have a family, don’t you?” paunang sabi niya doon sa lalaki, hindi ko na naintindihan iyon, “If I send my people to your poor little house and kill your pregnant wife and loving daughter, would that be nice?”

“Bitch!”

“Yes, I am. Now, I’m gonna ask you for the last time. Where is Shinobu Tsukasa hiding? Or say goodbye to your family.”

“At the old yakuza temple.”

Wala akong naintindihan sa usapan nila dahil nihongo iyon pero sa tingin ko’y nakuha na niya ang sagot dahil umayos siya ng tayo at ngumisi ng nakakakilabot. Jesus Christ! Ano na bang nangyayari sa kanya?

“I will just send my condolences to your family.” Iyon ang huling sinabi ni Yumi in english bago niya kinitil ang buhay ng kawawang lalaki.

“You’re mad, Yumi. And you’re doing a spree killing. Are you still sane?” hinarang ko siya dahil natatakot na ako. Natatakot ako sa posibleng gawin pa niya. She killed two people today, for goodness sake. Hindi na si Mayumi itong kaharap ko, she’s a monster.

“H’wag kang makialam dito dahil hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko. All I feel is wrath and I’m aching to kill them all. Hindi mo rin alam kung anong hirap at sakit ang pinagdaanan ko, Drake. Step out of the way.”

“You’re not you! Your wrath is eating you. Tingnan mo nga ang sarili mo. Pumapatay ba ng tao si Yumi? Hindi. You’re—“ she cut me off by turning her back on me as he headed to the door, “Yumi, saan ka pupunta?”

“Old Yakuza temple.” Tipid niyang sagot bago sinara ang pinto.

I ran to the door only to find it locked. I cussed mentally. Unang-una, confident siyang sabihin sa’kin ang lugar ng pupuntahan niya because she knows that I don’t know where that fucking place is. Pangalawa, she locked me inside para hindi ko siya masundan. Shit! This is bullshit!

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon