Chapter 46: Unexpected kiss

1.1K 19 3
                                    

Kirstin's POV

Kakauwi ko lang galing sa mansyon ng mga El Greco. Na-stress ako ng sobra sa mga nangyayari. Una, nakita ko si Yumi doon sa restroom kahapon tapos nalaman ko rin na siya si Maiko Fujiwara. Nakakaimbyerna na ang mga pangyayari.

Maghuhubad na sana ako ng damit nang biglang pumasok si Francis sa loob ng kwarto. Akala ko ba nasa hospital ito ngayon? Anong ginagawa niya dito? Tanong ko sa isip ko.

"Wala kang duty?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang butones ng polo blouse ko.

Imbes na sagutin niya ako ay inihagis niya sakin ang kung ano. Hindi naman ako nasaktan dahil parang papel lang naman ang hinagis niya, or should I say pictures. Tiningnan ko ang mga litratong nagkalat sa sahig and I was shocked upon seeing it. Kuha ito doon sa hotel kagabi.

Ito yung magkasama kami ni Evo sa may veranda at nag-uusap para sana sabihin sa kanya ang tungkol sa Maiko na iyon. Meron ding litrato kung saan nakahawak ako sa braso ni Evo.

"Akala ko ba nagkaintindihan na tayong hindi ka na makikipagkita sa lalaking iyan?" nagpang-abot ang kilay niya at alam kong galit na siya niyan.

Nalaman kasi niya noon a few months after our wedding na may iba akong mahal at si Evo iyon kaya todo selos siya sa kaibigan ko. Yes, kaibigan. I've moved on. Ano ba naman ang anim na taon diba? Hindi naman ako ganoon ka-gaga na maghintay kung kailan ulit ako papansinin ni Evo kaya sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya and I'm glad I did it. Iyon nga lang, just recently. Ibig kong sabihin, nakumpirma kong wala na akong nararamdaman sa kanya just last night nang magkita kami ulit sa hotel.

Pinulot ko ang mga pictures na nagkalat, "Franc, wala namang ibig sabihin ang mga litratong ito eh. I was just talking to Evo dahil may importante akong sasabihin sa kanya. Iyon lang yun, stop your childish bickering."

"Huh? You call it childish bickering? Kirstin? I allowed you to work in your father's business kahit na alam kong may instances at chance na magkikita kayo ng lalaking iyan. I trusted your words na hindi mo na siya kakausapin pa. Pero ano itong mga natatanggap ko ha? Alam mo, Kirstin pagod na ako. I'm now starting to question myself. Why do I love this woman who kept on rejecting me for six years?" and he stormed out of the room.

Napaupo nalang ako sa gilid ng kama at napabuntong-hininga. Oo nangako ako sa kanya noon na hindi ko na kakausapin si Evo. Nasabi ko lang naman iyon because I was still in the verge of moving on and forgetting my feelings for him.

"Hindi mo ba talaga mapigilan ang kalandian mo?" agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko si Kisha na nakatayo sa may pintuan with her arms crossed on her chest.

Si Kisha Alcantara. Ang nakababatang spoiled bratinella na kapatid ni Francis. Ang atribida kong hipag.

Hindi ko na siya sinagot at iniligpit ko nalang ang mga litratong hawak ko. Susunugin ko nalang ito mamaya.

"Ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong nakikitang nasasaktan ang kuya ko," ngayon ko lang napansin na nakapasok na pala siya sa kwarto at saka niya hinablot ang mga pictures. "Hanggang ngayon pala nagkikita pa rin kayo ng lalaking ito. Let me handle this para wala nang gulo."

Pasalamat ko nalang at aalis na siya. Pero akala ko lang pala iyon dahil may sinabi pa siyang nakapagpainit ng ulo ko bago niya nilisan ang silid namin ni Francis.

"Mahiya ka sa mga Alcantara, bitch!"

At sa akin pa talaga niya sinabi iyon noh? Ano naman ang kahihiyan nila? Na itinago nilang may asawa na pala si Francis dati? Hindi ba iyon counted? May sa-demonya talaga ang babaitang iyon.

Evo's POV

Simula nang pag-usapan namin at ipaalam kay Ayato ang tungkol kay Maiko Fujiwara na kamukha ni Yumi ay hindi na kami mapalagay. Nagsimula na rin akong magpahanap ng magaling na private investigator na pwede kong ipadala sa Japan to investigate Yumi's case.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon