Yumi's POV
"I'LL FUCKING KILL YOUUUU!!!" sigaw ko sa kanila habang patuloy pa rin sa pag-agos ng mga luha sa mga mata ko.
Bakit nila idinamay si Ayato dito?
"Ayato-kun," mahinang sambit ko sa kanya. Wala siyang malay. Anong ginawa nila sa kanya?
Magsasalita na sana si Fumiko nang may pumasok na apat na lalaki. At sobrang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Ang traydor. Ang pumatay sa pamilya ko. Bakit? Bakit siya?
"Kumusta, Mayumi?" bati niya sakin.
"Fuck you! Ang kapal ng mukha mong paikutin ako. Pinagkatiwalaan kitang hayop ka! Papatayin kita!!" galit kong sigaw sa kanya.
Pero tumawa lang siya sa tinuran ko. Walang hiya siya! Mamamatay tao ang animal na 'to. Hindi ako palamura pero mapapamura ako sa sobrang galit na meron sa puso ko ngayon. Hindi lang ang pamilya ko ang pinatay niya, idadamay pa niya si Ayato dito at hindi ko hahayaang gawin niya yun.
"Wala namang masasaktan kung susunod ka sa gusto namin," sabi niya kapagkuwan habang hawak ang isang katana.
Akala ko kakampi ko siya. Akala ko tutulungan niya ako pero yung pala, pinaglaruan niya lang ako. Pinaikot at pinagmukhang tanga. Nagalit pa ako kay Atty. Kimura at tinrato si Toshio-sama na parang wala lang dahil sa kanya.
"Shinobu-san! I'll damn kill you!"
Oo si Shinobu Tsukasa. Siya ang traydor. Siya ang pumatay sa pamilya ko. I'm so stupid to believe in him, to believe in his stories full of lies.
"Bakit? Bakit mo ginawa 'to? Kasamahan mo ang mga Matsumoto sa yakuza, pero bakit mo sila pinaslang?"
Kumuha siya ng isang silya at umupo sa harapan ko, "Sige. Sasabihin ko sayo ang buong istorya."
Third person POV
Seryosong nag-eensayo sina Matsumoto Sachihiro at Shinobu Kazuhiko nang biglang dumating si Matsumoto Reiko, ang pinsan ni Sachihiro.
Si Sachihiro ang kanang kamay ng pinuno ng Yamaguchi-gumi na si Yamaguchi Haruchiki.
"Reiko, kumusta? Halika, sumali ka sa pag-eensayo namin," tawag ni Sachihiro kay Reiko at lumapit naman ito dala ang kahoy na katana na gamit nila sa pag-eensayo.
Hindi alam ni Reiko na masama na ang tingin sa kanya ni Kazuhiko dahil ang gusto niya, solo niya si Sachihiro upang makuha niya ang loob nito at maisagawa niya ang kanyang plano na maging kanang kamay ni Haruchiki at ang makuha ang kayamanan ng mga Matsumoto.
Nagdaan pa ang mga araw at napapansin ni Kazuhiko na nawawalan na ng oras si Sachihiro sa kanya kaya nagsagawa siya ng plano na hindi malalaman ng iba at plano na nasisigurong si Reiko ang maiipit.
Gabi nang dumating si Sachihiro galing sa isang pagtitipon ng pinuno, kanang kamay at miyembro ng Yamaguchi-gumi.
Sikreto siyang nagpunta sa kwarto na kinaroroonan ni Sachihiro at dala ang kanyang katana.
"Kazuhiko. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka dumalo sa pagtitipon kanina?" tanong ni Sachihiro. Pero sa halip na sagutin niya ang tanong nito ay hinugot niya ang katana niya sa sisidlan nito at mabilis pa sa kidlat na ginilitan ito sa leeg.
Dali-dali siyang lumabas ng quarter nito at tinungo ang quarter ni Reiko.
"Kazuhiko, may kai—"
Hindi niya ito pinatapos dahil pinasinghot niya ito ng Bromic Acid. Nang masiguro niyang wala nang tao na nagliliwaliw sa paligid ay palihim niyang dinala ang walang malay na si Reiko sa kwarto ni Sachihiro at pinahiran ang damit niya ng dugo ni Sachihiro.
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)