Chapter 30: Japan
A/N: Hiiii! May FB Page po yung The Three Brothers and I ngayon. Search niyo lang yung title o di kaya punta kayo sa external link. Totoong tao po yung characters, hindi anime. Sobrang gwapo ni Ayatooo mylabs! Hihihi. Happy reading :)
Drake's POV
"Kailangan ba talaga na magpunta ka dun?" Tanong ko kay Yumi habang tinitingnan siyang nag-iimpake ng mga gamit niya.
"Kailangan. It's all about my family, kaya dapat kong malaman ang buong katotohanan." She answered while still busy packing her things.
Matapos kasi ng nangyari sa kusina kanina ay dali-dali na siyang nagpunta dito sa kwarto sabay ligpit ng mga gamit niya, saying that she's leaving for Japan today.
Hindi ko alam kung anong meron dahil wala naman siyang nababanggit sa amin. Urgent family business lang ang lagi niyang sinasabi.
Gusto ko sanang sumama sa kanya doon kaso ayaw naman niya. Kesyo di raw ako marunong mag nihongo, kesyo malayo daw. Ewan ko sa kanya.
"Babalik ka naman agad diba?"
"I'm not really sure about it, Drake. Pero pag naayos ko yung problema dun, babalik ako."
Bakit pakiramdam ko may ibang ipinapahiwatig ang salitang 'problema' na binanggit niya? O ako lang ba talaga ito? Nagiging paranoid na ata ako eh.
Nang matapos na siya sa pag-iimpake ay agad naman kaming dumiretso sa airport para ihatid siya. Ako lang sana yung maghahatid sa kanya kaso may epal na naman. Wag niyo na itanong kung sino.
"Wala bang mas madaling daanan?" Irit na irit na tanong ni Yumi habang nasa kalagitnaan kami ng traffic.
Eh bakit ba kasi sobrang traffic dito sa ka-Maynilaan?
"Wag ka ngang magmadali. Gusto mo bang paliparin natin 'tong kotse?"
Agad akong napalingon sa sinabi ni Ayato. Parang kanina lang ang sweet niya kay Yumi tapos ngayon naman biglang naging ganun ang trato niya. Ano 'to weather-weather lang?
"A-ang ibig kong sabihin, wag tayong magmadali. Makakarating din tayo dun, Yumi." Psh! Halata na siya eh, iniba pa ang tono ng boses.
Pasalamat siya marunong akong tumanggap ng pagkatalo. Dahil kung hindi, asa pa siyang papayagan ko siyang makalapit kay Yumi. Ni hindi ko nga alam ang tunay na motibo ng ugok na ito eh. Duda parin ako hanggang ngayon sa mga pinag-iisip nito. Isang woman-hater, manliligaw? At sa isang haponesa pa talaga na pinakaayaw niya.
After 5387297 years na trap sa traffic ay nakarating na rin kami sa airport. Halos takbuhin na ni Yumi papasok ng airport sa kakamadali niya.
"Miss, flight for Japan. Kahit ano basta ngayong araw po." Dinig kong sabi niya sa clerk.
"Eh ma'am, fully booked na po yung flight an hour from now. Meron po tayong flight for Japan bukas ng umaga 6am."
"Sabi ko ngayong araw diba, ngayon mo 'ko i-book." Agad kong hinawakan sa braso si Yumi nang medyo tumaas ang boses niya dun sa clerk.
Ito ang unang beses na makita ko siyang nagkakaganito. Pasensyosa kasi si Yumi, pero itong sitwasyon ngayon ay iba. Siguro ganun kaimportante ang pupuntahan niya kaya siya nagkakaganito.
"Yumi, enough. Uhm... Miss, babayaran namin kahit magkano. Just give her a ticket for today's flight." Lahat na ng charms ko binigay ko. Please gumana ka. Please!
"Sige po sir."
Ayos! Binalingan ko si Yumi na ngayon ay parang natatae na ewan. Ganun na ba siya kairit sa pagmamadali niya?
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomansaNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)