Drake's POV
"Sigurado ka ba'ng ito yung bahay nila?" tanong ko kay Marco habang nakatayo sa harap ng malaking bahay.
"Oo naman. Sinabi ko naman sa'yo diba, kaklase ko si Matsumoto-san nung nasa middle school pa lang kami. Pero wag mo na sanang isipin yung tungkol sa pag-confess ko sa kanya, past na yun," walang humpay niyang ulit sa huling sinabi niya.
Kanina pa siya tanggi nang tanggi na past na yung sa kanila ni Yumi. Oo tama kayo ng nabasa, may gusto siya kay Yumi dati nung nasa middle school pa lang sila and he professed his love to her but got rejected. Gusto ko tuloy humalakhak sa kabaduyang naiisip ko kung paano siya nagtapat.
Nag doorbell na siya at may lumabas naman na isang babae na nasa mid 20's siguro ang edad.
"Hai." (Yes?) pauna nung babae. Hindi na ako makikisali sa usapan nila dahil hindi naman kami magkakaintindihan.
"Konnichiwa! Matsumoto Mayumi ha migikoko ni sun de i ta ka. Kanojo ha go zaitaku desu ka." (Hello! Dito nakatira si Mayumi Matsumoto diba? Nandiyan ba siya?)
"Matsumoto Mayumi? Ohh... Matsumoto-san. O hairi kudasai." (Mayumi Matsumoto? Ahh... Matsumoto-san. Pasok kayo.)
Wala akong naintindihan sa usapan nila kundi pangalan lang ni Yumi. Pumasok sa loob yung babaeng kausap ni Marco kanina at iginiya ako papasok din sa loob. Siguro nasa loob ng bahay na ito si Yumi.
Nang makapasok kami ay agad naman kaming pumunta sa living room nila at namangha naman ako sa mga picture frames na nasa shelf na intended for pictures only. Ito nga ang bahay nila Yumi dahil may mga pictures siya doon. Meron ding kasama ang family niya. Iyan siguro ang mga magulang at kapatid niya. Nasaan kaya sila? Para kasing tahimik dito at yung babae lang ang nandito. Siguro katulong nila iyon. Pero uso ba ang katulong dito? Ah ewan.
Sinuyod ko pa ang tingin ko sa kabuuan ng bahay nang mapansin ko ang isang malaking portrait ng isang matandang lalaki na hindi naman nakangiti at parang sama ng tingin sakin. Sa lower right ng portrait ay may maliit na logo at hindi ko alam kung ano yun. Siguro logo ng school kung saan grumaduate ang matandang iyan.
Pero kapansin-pansin ang mga espada na pinag-krus sa ilalim ng portrait. Ano kaya 'yan? Magtatanong sana ako kay Marco nang biglang dumating ang babae kanina at may dalang tray na may meryenda.
"Izumi Fumiko ga i masu kono ie no kaijo," nakangiting tugon nung babae nang makaupo siya sa upuan katapat namin.
"Ano daw sabi?" pabulong kong tanong kay Marco since siya lang naman ang nakakaintindi nun.
"Siya daw si Izumi Fumiko. Sabi niya pangit ka daw," sabay tawa niya ng mahina kaya siniko ko. Hindi ko nga yun naintindihan pero alam kong hindi yun ang ibig sabihin nung sinabi niya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang tulong ng ugok na 'to hindi ako magsasayang ng oras na kausapin siya ng mga walang kwentang bagay. "Joke lang. Sabi niya care taker daw siya sa bahay na ito."
Care taker? Di ba pag care taker ay tigapangalaga sa bahay na hindi na tinitirhan? O bobo lang talaga ako sa pagkakaintindi ko ng care taker?
"Itanong mo nga kung nasaan si Yumi," pang-aapura ko sa kanya.
"Anno... Matsumoto Mayumi ha doko desu ka. Warewareha kanojo ni hanasukoto ga dekiru ka. Tokorode, Maruko Ribera. Matsumoto-san no chuugakkoude doukyuusei. Kore ha, Doreiku Eru Gureko, ika na... anno to yuujin. Kareha nihongo wo hanasukoto ga deki mase n." (Um... Where is Matsumoto Mayumi? Can we speak to her? By the way, I'm Marco Rivera. Kaklase ni Matsumoto-san back in middle school. Ito naman si Drake El Greco, um... her friend. He can't speak nihongo.)
Bakit feeling ko ang haba ng sinabi niya eh pinapatanong ko lang naman kung nasaan si Yumi?
"Yumi-chan desho? Matsumoto no kazoku ga suukagetsumaeni ansatsusa re ta, koto wo shira nai ka."
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...