Chapter 29: Flowers

1.3K 29 3
                                    

Chapter 29: Flowers

Yumi's POV

Kakagising ko lang nang mahagilap ng tingin ko ang isang bouquet of roses sa bedside table ko.

Kanino naman kaya ito galing? Bumangon ako at tiningnan kung may card na nakalagay dun pero wala naman akong nakita.

Naghilamos ako at nag toothbrush saka bumaba sa dining room dala-dala ang bouquet. Magtatanong nalang ako kung kanino ito galing. Ayokong mag assume dahil baka mali na naman ako. Mahirap na.

Naabutan ko si Evo sa dining na may suot na apron at nag-aasikaso ng dining table. Napapansin ko lang, nahihilig ata siyang magluto nitong mga nakaraang araw ah. Ano kayang meron?

"Good morning. I made breakfast. Upo ka na." At ang hyper niya din. Naalala ko tuloy si Kirstin.

Alam ko na rin pala na hindi talaga sila dahil engaged na si Kirstin sa ibang lalaki at ang sabi niya sakin, may nagugustuhan daw si Evo ngayon. Yun nga lang, natotorpe manligaw. Sino kaya ang maswerteng babaeng yun? Kung ako kasi ang tatanungin niyo, mas gusto ko ang ugali ni Evo compared sa dalawa pa niyang kapatid. Medyo cold nga lang siya nung una. Pero si Ayato yung gusto ko, eh ang pangit-pangit ng ugali nun. Bakit kaya?

Umupo na ako at pinagmasdan siyang mag-prepare. Naalala ko kung paano kami nagsimulang maging magkaibigan ni Evo. Naalala ko rin kung paano siya maging harsh sakin noon.

"Uhm, Evo?"

Napatigil siya sa ginagawa niya at nilingon ako habang naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"Kasi...ano eh.. Uhm.. May naglagay nito sa kwarto. Ano... Sino naglagay nito?" Nahihiyang tanong ko. Eh bakit ba kasi dinala ko pa ang bulaklak na ito dito?

Bahagya siyang ngumiti na animo'y naa-amaze na ewan. Ang hirap din niyang basahin eh. Katulad din siya ng mga kapatid niya.

"Drake. I saw him earlier dala-dala yan. He's courting you, hindi mo ba alam yun? Ah hindi lang pala siya. Also Ayato."

Nanliligaw? Si Drake? Wait, pati si Ayato? Anong joke ito? Bakit naman ako liligawan ng dalawang yun? Isa pa, seryoso ba sila? Hindi. Baka ginu-goodtime lang ako ni Evo. Tama! Ginu-goodtime lang niya ako.

"Gusto ko rin sanang manligaw pero madami na akong kakumpetensiya kaya sila nalang."

Narinig kong sabi niya kaya napayuko ako dahil bigla nalang akong na-awkward sa sinabi niya. Confession ba ito?

"Just kidding. Here, eat up." Nakangiting tugon niya sabay abot sakin ng niluto niyang hindi ko alam anong tawag dito.

Mabuti naman at joke lang yung sinabi niya. Ayoko kasing magkaroon kami ng awkward moments nitong si Evo since kino-consider ko na siyang close friend.

Pero nababagabag parin ako sa sinabi niyang panliligaw kuno ng dalawa pa niyang magkapatid. Gusto kong isiping nagbibiro lang si Evo pero bakit may bulaklak? Wala naman akong alam na nanliligaw sila. Ni hindi ko pa nga nakakausap ng maayos si Drake matapos yung duel nila ni Ayato.

Hindi pa man ako natatapos sa pagkain ko ay pumasok si Drake sa dining na may ngiti sa mukha. Mukhang okay naman siya kahit na may mga galos pa siya sa katawan at may mga bandage pa.

"Good morning, baby girl." Bati niya sakin sabay higit ng upuan at umupo sa tabi ko.

Bigla tuloy akong nahiya sa kanya. Hindi ko kasi naiimagine si Drake na manligaw dahil nga playboy siya't he doesn't settle in a serious relationship.

"Ako ba, hindi mo ko babatiin?" Tanong ni Evo na nakangisi. Nag-iiba na talaga ang ugali ni Evo. O ito talaga ang totoong siya at ngayon ko lang napansin?

"At bakit naman kita babatiin? Hindi good ang morning ko pagdating sayo." Sagot naman ni Drake na medyo nakataas pa ang kilay. Ang taray ah.

Magsasalita na sana si Evo nang dumating na naman si Ayato sa dining na may dalang... Bouquet? Para saan naman yan?

"Good morning, babe." Bati niya sakin sabay abot nung bouquet ng roses.

Teka lang, babe? Ano ito, may endearment sila ni Drake sakin kahit walang permiso? Ibang klase!

Aabutin ko na sana yung bouquet nang biglang hablutin ni Drake yun tsaka tinapon sa trash bin malapit sa sink.

Magkakainitan na naman ito, panigurado. Ano ba yan, bakit ba lagi nalang nagkakagulo sa bahay na ito?

"May problema ka ba?" Kunot-noong tanong ni Ayato kay Drake.

"Wala naman. Ikaw ba, may problema ka ba?" Cool na sagot naman nung isa.

Pag hindi ako gumawa ng paraan, magkakagulo talaga sa umagang ito. Pareho pa namang maiinit ang dugo nila sa isa't isa. Kailangan kong gumawa ng plano simula ngayon kung paano ko mapagbabati ang magkapatid na ito.

"Ah teka lang, pasensya na, hindi ako mahilig sa bulaklak. Allergic ako eh. Bakit niyo nga pala ako binibigyan niyan?" Pagsisinungaling ko. Wala naman talaga kasi akong allergic sa bulaklak. Sinabi ko lang yun para hindi na sila magtalo dahil tinapon ni Drake yung bouquet ni Ayato.

"I'll go ahead first. Mukhang may pag-uusapan kayong importante." Pagpapaalam ni Evo at umalis na sa dining.

Nang makaalis na siya ay bumaling naman ulit yung dalawa sakin. Ano ba naman ito, bakit pakiramdam ko kakainin akong buhay ng magkapatid na 'to?

"Hindi ka pala mahilig sa bulaklak. Okay. I gave you one dahil manliligaw ako sayo from now on." Gusto kong matuwa sa sinabi ni Ayato. Manliligaw daw siya. Pwedeng kiligin? Teka, may gusto ba talaga siya sakin? Baka naman mamaya pinagtitripan lang niya ako dahil gusto niyang gumanti kay Drake. Woman-hater si Ayato eh, bakit siya magkakagusto sakin, diba?

Pero para namang totoo eh. Ah ewan! Kahit naman magsaya ako ay hindi parin dapat dahil ang goal ko dito ay magkaayos sila, pero pag pumayag ako sa gusto nila, mag-aaway na naman sila.

"Same goes to me. Hindi ako titigil hangga't di kita napapasagot. Kahit na may asungot diyan, I won't give up, baby girl." Sabi ni Drake sabay hawak sa kamay kong nakapatong sa lamesa.

Dahan-dahan ko namang binawi ang kamay ko at narinig ko namang nag 'tss' si Ayato.

Hindi maaari. Dahil imbes na pag-ayusin ko silang dalawa, mas lalo lang silang magkakagulo.

"Ah guys, ano kasi... Uhm... Seryoso ba kayo diyan? Kasi ano.. Ayoko pang magpaligaw, hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay." Kakaibang buhay naman ito. Kailangan ko pa ba talagang magdrama sa harapan nila? At sinabi ko talaga yun noh? Argh! Wala naman kasi akong choice eh.

"I'm not in a rush, babe. I can wait." Totoo ba talaga itong pinagsasabi ni Ayato? Bakit siya nagkakaganito? Napuruhan ba siya ni Drake sa laban nila kaya naalog ang utak niya?

Sasagot pa sana ako nang biglang mag ring ang cellphone ko kaya agad kong kinuha ito mula sa bulsa ko at sinagot ang tawag ni detective Ishikawa.

"Moshi moshi."

*Yumi-chan, hannin ga wakari mashita. Anata ha koko de suru hitsuyuoga ari masu.* (Yumi-chan, we've found the culprit. You should be here.)

Hindi agad ako nakapagsalita. Para akong naging bato sa ibinalita ni detective Ishikawa. Totoo? Kung gayon, babalik muna akong Japan para harapin ang walang pusong pumatay sa pamilya ko.


The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon