Ayato’s POV
It’s been a month simula ng umalis si Yumi nang hindi namin alam kung saan nagpunta. Even Drake was gone missing.
I contacted their company pero wala rin silang balita tungkol kay Maiko Fujiwara and they even told me that Aiko Fujiwara, Maiko’s mother has been handling the business for a month now. Ano kayang nangyari?
“Ayato, I need you to check this and sort it out kung may kailangan pa bang stocks. It’s a written report.” Evo said as he handed me a brown envelope.
Nagkaayos na rin kami noong birthday ni Drake na hindi namin alam kung saan siya nag-celebrate ng birthday niya. He told me that he’ll do anything para mapatawad ko raw siya. Tss! Masyadong madrama.
Pero sa tingin ko’y magkaka-lovelife na rin ang isang ‘to. Paano ba naman kasi, iyong hipag ni Kirstin na baliw ay parang aso na buntot ng buntot sa kanya. Ewan ko lang kung anong status nilang dalawa dahil minsan pag pumupunta ako sa opisina ni Evo ay naaabutan ko si Kisha doon. At ako pa ang napagbubuntungan ng kamalditahan dahil palagi raw akong wrong timing.
“I’ll send this to you by 3 PM. Nga pala, nag-text si Kisha sa’kin. Gawan ko raw ng paraan para magkausap kayo dahil iniiwasan mo raw siya. Pwede ba, h’wag ako ang gawin niyong tulay. Dahil unang-una, naiirita ako sa inyong dalawa. Pangalawa, naiinggit ako dahil walang sumusuyo sa’kin. At pangatlo, hindi ka gwapo para habul-habulin ng mga kababaihan. Dahil ako, ang nag-iisang gwapo sa El Greco.”
He chuckled and threw a crumpled paper on my face, “Kelan ka pa naging kasing hangin ni Drake? Gago ka!”
We both burst into laughter when he suddenly slid himself into different facial expression.
“We don’t usually celebrate birthdays. Ang baduy kasi. But I think, we should celebrate yours. Let’s invite some friends over tonight after work. H’wag kang aayaw, kundi babali-an kita ng buto. As your elder brother, kargo kita.”
I nearly laugh at his overacting sentiment. Ganito ba ang epekto ng Kisha-syndrome at nagiging madrama siya? Yes, it’s my 26th birthday. Pero ayoko na sanang i-celebrate pa. Plano ko rin kasing pumuntang Japan at dalawin ang puntod ni mama.
“You’re treating me like a baby, dude. Kinikilabutan ako sa’yo.” I laughingly said as I acted disgusted at him.
He just slightly punched my arm habang tumatawa at saka na siya lumabas ng office ko. Napapailing nalang ako sa kanya. We were not this close before. Dahil noon, parang hangin ang turing namin sa isa’t isa. We never talked to each other this much. Siguro nga tama sila, time will bring you to the idea of maturity.
I finished all the works at exactly 6:30 PM. Masyado rin kasi akong nakatuon sa trabaho para naman makalimutan ko pansamantala ang mga bagay-bagay na nagpapahirap sa’kin. Naiisip ko rin minsan na siguro hindi talaga siya ang nakalaan para sa’kin. Naisip ko rin na kung mag-move on nalang kaya ako? Pero hindi ko naman nagagawa dahil araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo ay naiisip ko siya.
Life’s so unfair, sometimes.
I left the office at 7 PM dahil chineck ko pa ang mga files na kakailanganin for tomorrow. Ayoko kasing nagmamadali ako kaya ngayon ko ihahanda ang dapat ihanda.
I went to the basement where my car was parked and shove myself inside the driver’s seat as soon as I got to where it is parked. I let out a heavy breath nang makaupo ako. Bakit pakiramdam ko nawawalan na ako ng pag-asa na makita ko pa ulit siya? Gusto ko nang sumuko pero may bahagi sa puso ko na nagsasabing hihintayin ko pa rin siya kahit na anong mangyari, kahit gaano pa katagal. Pero hanggang kailan?
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)