Chapter 24: Duel (part 2)

1.5K 39 2
                                        

Chapter 24: Duel (part 2)

Ayato's POV

Nasa loob na kami ng arena at parehong naghihintay ng go signal kung kailan kami magsisimula kaya kinuha ko na ang pagkakataon na kausapin siya.

"Here's a deal, Drake. If I win, Yumi will be mine at hindi ka na mangingialam sa mga gagawin ko sa kanya."

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at pikon na agad siya. That's right. Kung gusto mong talunin ang kalaban mo, pikunin mo.

"Areyou insane? Wag mong madamay-damay si Yumi dito, hayop ka!"

Mas hayop ka! I thought to myself.

"Chill, hindi pa ako tapos. If you win, hindi mo na ako makikita kahitkailan at babalik ako ng Japan gaya ng gusto mong mangyari."

Bahagya siyang nagulat sa huling deal ko saka nag-smirk ang loko. Masyado siyang maangas, wala naman siyang binatbat sa lakas ko. At oo, yun ang isusugal ko dahil alam ko namang mananatili ako dito sa Pilipinas. Alam kong ako ang mananalo.

"Deal. I'll make sure na mawawala ka na sa paningin kong animal ka."

And the bell rang again tanda na magsisimula na ang laban.

Naunahan niya ako ng suntok kaya napasandal ako sa gilid ng ring at nung akma niya akong sugurin ulit ay tinadyakan ko ang tiyan niya at alam kong napalakas ang sipa ko dahil napahiga siya. And I grabbed the chance para puruhan siya.

Pumaibabaw ako sa kanya at pinagsusuntok siya sa mukha niya. Sa larong ito, walang rules. Kahit ano ay pwede mong gawin kahit na ang patayin ang kalaban mo. No matter how I liked killing him right here and right now, hindi rin pwede. Dahil gusto kong makita niya kung paano ko paglaruan si Yumi sa mga kamay ko.

Naramdaman kong tumama sa ulo ko kaya napahiga ako at nakita ko nalang na may hawak siyang bote. Puta! Saan nanggaling ang bote na yun?

Sinusubukan kong tumayo kahit na masakit yung ulo ko. Nararamdaman ko ring may basa kaya alam kong dugo yun. Fuck you, Drake! I'll goddamn make sure na ako parin ang mananalo.

"Looks like the victory will be mine." Angas niyang sabi sabay hagis nung bote at pinagsisipa ako.

Habang sinisipa niya ako ay hinawakan ko ang kaliwang paa niya at hinigit siya kaya siya naman ngayon ang napahiga. Pinagsusuntok ko lang siya hanggang sa nagdudugo na ang labi, kilay at ang buong mukha niya.

Nakita ng gilid ng mata ko na may naghagis ng chakurno kaya isinuot ko agad yun at binigyan siya ng isang malakas na suntok sa dibdib niya.

Napangiti ako nang makita kong namilipit siya sa sakit kaya pinagsusuntok ko ulit siya. Para ito sa lahat ng kabwisitang binigay mo sakin, hayop ka. Para ito sa pang-iinsulto mo sakin nang iwan ako ng magaling kong ina. Para ito sa lahat ng ginawa mo saking pagpapahiya sa mga tao.

Nag-ring ulit ang bell kaya huminto ako sa ginagawa ko at tumayo. I looked at him at hindi ko alam kung lalaban pa ba siya sa lagay niyang yan. Masyado na siyang mahina para kalabanin pa ako sa second round. First round pa lang ito at meron pang second and third.

He looked so helpless at bagay lang sa kanya ang hitsura niya ngayon. Lumabas ako sandali sa arena at ganun din siya na medyo nahihirapan nang maglakad. Dumiretso ako sa counter para uminom ng tubig. Hindi pa man tumapat sa bibig ko ang bottled water ay hinablot na yun ng kung sino man.

"Itigil niyo na 'to." I ignored her at kinuha ko ulit ang bottled water saka uminom. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kanya. Masakit ang ulo ko at umaapaw ang galit ko. Wag lang siyang dumagdag kung ayaw niyang makatikim.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon