Chapter 4: Poor Mayumi
Ayato's POV
Kanina pa nagkakagulo sa labas ng music room at di ako makapag-concentrate. Nakabukas din kasi yung bintana kaya dinig na dinig mula dito ang ingay doon.
Lumapit ako sa may bintana para sana isara iyon nang makarinig ako ng malakas na boo at malakas na tawanan.
"Booooo!"
Sumilip ako sa baba para tingnan kung anong ginagawa ng mga estudyante doon at parang nagsasaya na naman sila sa pambu-bully nila.
Nasa may 2nd floor lang ang music room kaya tanaw ko mula dito ang pinaggagagawa nila.
There's a girl standing in front of four girls. And one of those four girls emptied the bottled juice on the girl's head.
New plaything ng mga bullies huh?
Isasara ko na sana ang bintana ng mag-angat ng mukha ang babaeng binully kanina.
"Mayumi?"
What the hell is she doing here? And what's with the uniform? Did someone send her to study here? No freaking way.
Nanghimasok na nga siya sa bahay namin, pati ba naman dito mang-iinvade siya? Pwede bang wag siyang sunod ng sunod sa amin?
Yumi's POV
Nandito lang ako sa likod ng building habang piapatuyo yung uniform ko. May stain siya ng juice pero ayos lang, hindi naman ako dito nag-aaral eh.
Si Evo kasi. And speaking of. Nasaan kaya iyon? Hindi man lang ako tinulungan kanina. Tss.
Uuwi na sana ako nang madatnan ko si Evo sa harapan ko.
At ngayon lang talaga siya nagpakita noh? Hindi ba niya alam ang ginawa ng mga estudyante sakin kanina?
"Diba sabi ko don't leave my side? Nagugutom ako kaya ibili mo 'ko ng pagkain. Ayoko sa mga junk foods ha? Yung nakakabusog."
He said that while he lie down on the clean green grass at pinatong ang ulo niya sa isang kamay niya at pumikit.
Uutusan niya akong bumili ng pagkain niya? Hindi man lang ba niya ako kakamustahin o tatanungin kung anong nangyari sakin?
Hindi ako umalis sa pwesto ko at inis na tinitigan siya. Tadyakan ko kaya ang walang modong tao na 'to? Di niya ata alam ang salitang 'konsensya'. Psh!
"Anong ginagawa mo diyan? Do I have to repeat myself?" sabi niya habang nakahiga pa rin at nakatingin sa direksyon ko.
Ano kayang mangyayari kung susuwayin ko siya? Like, hello? Ngayon lang ako napunta sa lugar na 'to. Malay ko ba kung saan ang cafeteria dito noh.
*****
"Nagugutom ka? E di bumili ka ng pagkain mo. Bakit mo 'ko inuutusan, ako ba ang kakain?"
"What did you say?" sabi niya sabay tayo.
"Di mo ba narinig o nagbibingi-bingihan ka lang?" saan ako kumukuha ng lakas ng loob?
"Come here and I'll f*cking kill you, b*tch!!"
******
"Saan ba dito ang cafeteria?" tanong ko habang palingon-lingon sa paligid.
Syempre yung convo kanina? Imagination ko lang iyon. Wala akong lakas ng loob para sabihin ko yun kundi hindi na ako aabot nang buhay sa mansion.
Nabigla ako nang tumayo siya saka humarap sakin at mukhang naiinis na siya. May nasabi ba akong mali?
"Are you stupid? What's the use of your mouth huh?! Hindi ka ba marunong magtanong sa mga tao? Tss. Wag na nga, nawalan na ako ng gana. Tabi!"
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
Storie d'amoreNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)