Chapter 8: Confrontation and confession

2K 47 2
                                    

Chapter 8: Confrontation and confession

Yumi's POV

A week after the fight between the three brothers, parang bumabalik na sa normal ang lahat.

I'm still Drake's plaything. Alala niyo pa ba ang nangyari doon sa kwarto ko?

He kissed me again and he even asked me to be his.

Medyo nawe-weirdohan ako sa kanya kaya umiiwas akong mag-usap kami na kaming dalawa lang.

Si Ayato? Hindi ko alam kung ano na naman ang problema niya.

I saw him last time na naghihiwa na naman ng keso at pinabayaan niya iyon ng isang araw kaya niligpit ko.

Pero pinagalitan ako at muntikan na naman silang mag-away ni Drake.

Si Evo?

Magkasama kami ngayon. With Kirstin of course.

I'm still his slave. Nag-eenjoy ata ang mokong na gawin akong alalay at third wheel nila ni Kirstin.

Na clear na rin ang misunderstanding niya sakin. I didn't push his girlfriend. At kahit kailan hindi ko gagawin iyon.

Ay mali, hindi pala niya girlfriend si Kirstin. I don't know their label but I can sense that there's something going on between them.

"Yumi ibili mo ng tubig si Kirstin. Faster before the practice ends."

Ayan inuutusan na naman ako. Kanina pa ako pabalik-balik sa kung saan.

Una pinakuha niya ako ng extra shirt ni Kirstin sa locker niya, tapos pinakuha niya ako ng juice dahil nauuhaw daw siya.

At ngayon naman tubig.

"Ano pa bang kailangan mo? Para makuha ko lahat sa isang alis. Para kasing kanina pa ako pabalik-balik eh."

Tinitigan niya ako ng masama at saka niya ako hinigit sa braso.

"Since when did the slave started talking back and make complains?"

"Hi-hindi naman ako nagrereklamo. Sinasabi ko lang."

Alam niyo kahit palautos 'to at minsan medyo tumatawa when he's with Kirstin, nakakatakot din siya.

"It's do or die."

At nananakot din pala.

Binitiwan na niya ang braso ko at saka binalik ang tingin sa nagpa-practice ng volleyball na si Kirstin.

And me? Susunod nalang. Gusto ko pang mabuhay kaya hindi na ako magrereklamo.

Hindi talaga ako magrereklamo kahit na sobrang layo ng volleyball court sa cafeteria. (Insert heavy sarcasm)

Nakasimangot akong nagtungo sa canteen habang tinitingnan ko ang wallet ko.

Kung hindi niyo pa alam, pera ko ang pinambibili ng iniuutos sakin ng mighty Evo na iyon.

Sarap ng buhay niya noh?

Hindi na nga pala kami ginugulo ng Chelsea na iyon at ng mga alagad niya. Syempre dahil kay Evo iyon.

Habang papunta sa cafeteria ay nabunggo ko ang isang pader.

"Hey."

Huh? Nagsasalita ang pader?

Iniangat ko ang tingin ko and I saw him.

Liliko sana ako ng direksyon para iwasan siya pero nahuli pa rin niya ako.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon