Ayato's POV
Gabi na nang makabalik ako sa mansyon at gaya ng inaasahan ko ay nandoon na nga si Maiko at kausap si Evo sa living room kaya agad akong nagpunta sa kinaroroonan nila.
"Hey," bati ko sa kanya, "What brought you here?"
Syempre painosente ko lang tanong na parang walang ginawang kababalaghan diba?
"Anong ginawa mo? Pumunta siya sa office ko kaninang umiiyak." Tanong sa'kin ni Evo na hindi alintana ang presensya ni Maiko sa harap niya.
Ayos lang naman kung pag-uusapan namin 'yon, besides hindi naman nakakaintindi ng tagalog itong babaeng kaharap namin.
"Sinabi ko naman na sa'yo ang plano ko. Pinasok ko ang unit niya. Ginulo ko lahat ng gamit para magmukhang pinasok ng mga masamang loob. Ah, kinuha ko rin pala 'yong ibang alahas niya. Ibabalik ko rin 'yon sa tamang panahon, hindi ko naman magagamit 'yon eh. Ginawa ko lang 'yon para mapatira siya rito. Mailap kasi kumbinsihin 'to." Napatingin ako kay Maiko na ngayon ay nakatingin lang din sa amin na parang naguguluhan dahil wala siyang naintindihan.
"Um, Evo..." Tawag niya sa kapatid ko sabay hawak niya sa kamay nito.
Napatingin ako sa kamay na magkahawak. Bakit iba ang pakiramdam ko? Napansin ko kaagad na inalis ni Evo ang pagkakahawak ni Maiko sa kanyang kamay bago nagsalita.
"You can go to your room now. You should take a rest. Exhaustion ain't good for you."
Hindi na ako nagsalita at nakatingin lang sa papaalis na kamukha ni Yumi. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Wala naman akong dapat ipagselos sa kapatid ko, diba?
"Mukhang close na close kayo ni Maiko ah?" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nag-init kasi ang ulo bigla dahil sa nakita kong paghawak niya sa kamay ng kapatid ko. Wala lang naman siguro 'yon, pero bakot ako nagkakaganito?
"Ayato, she's already here. Tulungan mo siyang maalala ang lahat ng memories niya rito sa pamamahay na ito." Baling sa'kin na parang hindi narinig ang usal ko kanina.
Wala naman siguro akong dapat ikabahala. Alam ni Evo ang nararamdaman ko para kay Yumi. Alam niya rin na iisang tao lang ang nandito sa pamamahay na ito ngayon.
Tumango nalang ako at umakyat na sa taas. Papunta na sana ako sa kwarto ko nang madaanan ko ang kwarto ni Yumi noon. Siguro ito yung kwartong pinagamit ni Evo kay Maiko.
Lumapit ako sa may pintuan at pinihit ang seradura. Sisilipin ko lang naman siya kung tulog na ba siya o hindi pa. Pero nang mabuksan ko ng bahagya ang pinto ay bumungad sa'kin ang topless na Maiko pero nakatalikod.
Napatitig ako. Don't get wrong, hindi katawan niya ang tinititigan ko kundi yung malaking scar sa kanyang likod. Isang scar na sa pagkakaalala ko ay natamo niya nang ipagtanggol niya ako sa leader ng yakuza na gustong pumatay sa'kin as a bait for Yumi. She really has amnesia. Nag-research na ako diyan. At kapag may naalala na siya, saka ko nalang aalamin kung paano siyang nakaligtas.
Isinara ko na ang pinto and I smiled for relief as I conclude rightfully. She is Mayumi Matsumoto. Imposible namang hindi. Mukha at boses pa lang. Dagdag ebidensya na yung malaking peklat sa likod niya na galing sa sugat ng katana.
After six years... Lumitaw din ang isang babaeng nagngangalang Maiko Fujiwara. Hindi man niya ako makilala, at least binigyan ako ng chance na makita't makasama siya. All I have to do now is to make her remember everything, slowly.
Evo's POV
Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari sa loob ng bahay na ito. Nandito na si Maiko pero imbis na maging masaya ako para kay Ayato, ay kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)