Chapter 49: Nice to meet you, Maiko

961 20 4
                                    

"Nani ka wo kakushi te iru inai baai, watashi ha soko ni iku shi, soko ni watachi tachi no bijinesu wo shori deki masu," (Kung wala kang tinatago, hayaan mo akong pumunta doon and handle our business there.) matiim na tingin ang pinukol niya dito.

Sa huli ay walang nagawa ang lalaki sa tinuran niya. Hinayaan siya nitong bumalik sa Pilipinas pero sinabihan naman siya nitong mag-iingat at tumawag ito palagi. Nagbilin pa ito na baka susunod daw ito sa kanya doon some other time.

Bigla naman siyang nainis kaagad sa pagiging clingy nito sa kanya.

Nagpaalam na siya sa kanyang ina at kapatid at inihatid na rin siya ni Toshio sa airport. Babalik na naman siya ng Pilipinas dahil may mga naudlot siyang meeting at appointments dahil sa biglaang pag-uwi niya dito.

Ayato's POV

"Ano ba? Wala ka ba'ng tiwala sa'kin? I graduated Business Administration. Si Evo nga kahit Architecture ang degree niya'y pina-handle niyo siya ng business mo," reklamo ko habang kausap ko ang aking ama sa telepono.

I asked him if I can handle one of his business here in the Philippines. Gusto ko sanang i-handle ang hotel and restaurant pero ayaw naman niya. Ano naman kasing gagawin ko dito? Hindi naman habang buhay akong magiging tambay sa bahay at umaasa sa pera ng ama namin.

"Son, hindi naman iyon tungkol sa degree. I just wanted Evo to do it dahil responsable siya sa business at nakikita ko naman ang improvements ng company since he became the CEO of El Greco Empire in Philippines," pagdadahilan niya.

Psh! So kailangan ko na namang makipag-kumpetensiya sa kanya para sa posisyong hinihingi ko?

"Are you telling me that I am irresponsible and not capable of handling your business?" iritadong tanong ko sa kanya.

Nakipag-kumpetensiya na ako kay Drake noon because of Yumi. At ngayon makikipag-kumpetensiya na naman ako kay Evo because of his company? Fuck!

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya at nagsalita ulit, "Fine. I'll give you what you want. Magpatulong ka kay Evo in case you need his help. Handle hotel and restaurant."

Sus! Hindi na kailangan ng tulong niya dahil kaya ko naman. Hindi naman ako ganoon ka bobo para hindi malaman ang pasikut-sikot sa industriya. Kaya nga ako nag-aral noon diba?

Ibinaba ko na ang tawag at napabuntong hininga. Pupuntahan ko ang gunggong na Evo na yun sa opisina.

Kakatayo ko pa lang sa pagkakaupo nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Unregistered number ang nakita ko kaya sinagot ko na rin agad.

"Hello?" Sagot ko.

"Is this Ayato El Greco?" Tanong ng kabilang linya. Parang pamilyar ang boses niya.

"Speaking."

"Ms. Maiko wants to meet you. Nandito na siya sa Pilipinas." At ngayon ko lang nabosesan ang boses niya. Ang baklang secretary ni Maiko Fujiwara.

"I'll be there. Thank you."

Kinuha ko ang susi ng motor ko at agad na nag-drive papunta sa SoftBank.

Ang naudlot na pagkikita sana namin ay dumating na. At heto na naman ang kaba sa dibdib ko. Naramdaman ko na ito noong akala ko'y magkikita na kami.

Ilang minutos lang ay nakarating na kaagad ako sa building nila.

Anong una kong sasabihin pag nagkaharap na kami? 'Hi, I'm Ayato El Greco. I've been dying to meet you.'

Ay mali! Ang pangit nun. 'Hi, I'm Ayato El Greco. You reminds me of someone.'

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon