Chapter 40: Izumi Fumiko a.k.a. Lady X

1K 20 2
                                    

Drakes' POV

Kanina pa ako hindi mapakali. Magkasama sina Ayato at Yumi. Kasama niya ang putang inang gago na yun.

Paano ba napunta yun dito? He cursed this place to death, and now, he came here. Why so sudden?

It's past 7 in the evening at hindi pa rin sila umuuwi. Saan ba kasi dinala ng magaling kong kapatid si Yumi? Malilintikan talaga siya sakin pag uwi nila.

Agad akong napalingon nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto. But I was disappointed upon seeing him.

"Hindi pa rin ba sila umuuwi?" nagtanong pa siya eh obvious naman diba?

"Wala ka bang idea kung saan sila nagpunta?" tanong ko.

Sasagot pa sana siya nang mag-ring ang cellphone niya.

"Evo's calling," sambit niya sabay sinagot ang tawag ng ugok nay un. "Evo, what's wrong?"

Natahimik siya ng ilang minuto at nagsalita ulit, "He wants to talk to you."

At bakit naman niya ako gustong makausap? "Oh?" walang ganang sagot ko sabay sandal sa sofa na kinauupuan ko.

"Kumusta si Yumi?" tangna! Tumawag ba siya para tanungin ako nun? Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya. Teka, bakit ba siya nagtatanong tungkol kay Yumi? Wag niyang sabihing may gusto siya sa babaeng gusto ko?

"Bakit mo tinatanong? May gusto ka ba-"

"Wag kang mag-isip ng kung anu-ano, Drake. Masama ang kutob ko simula pa kahapon. I know I sounded absurd pero masama talaga ang kutob ko, are you with her?"

Umayos ako ng upo at nag-isip. Yung sinabi ni Fumiko. Hindi kaya... no! It can't be. Walang masamang nangyari sa kanya. She's with Ayato. Hindi ko sinasabing pinagkakatiwalaan ko ang kapatid ko pero alam ko namang hindi niya pababayaan si Yumi.

Fck! Nasaan na ba kasi ang dalawang yun?

"Tatawagan ka nalang namin pag nakauwi na si Yumi," sagot ko nalang sa kanya at in-end ko na ang tawag.

Wala akong mapapala kung tutunganga lang ako dito at maghihintay kung kailan sila darating. Hahanapin ko sila. Pero saan? Ni hindi ko nga kabisado ang lugar na ito. Damn!

"Maybe they're on a date. Hintayin mo nalang silang dumating," Sabi ni tanda sabay alis at nagtungo sa kwarto niya.

Pissed off! Date? Eh patayin ko ang gunggong na yun eh. Hindi pwedeng lumabas-labas si Yumi lalo pa't delikado ang lugar na ito para sa kanya. Pagdating nila, iuuwi ko si Yumi sa Pilipinas. Sa ayaw at sa gusto niya.

Yumi's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Masakit pa rin ang ulo ko at naalala ko ang nangyari. Si Ayato? Nasaan siya?

Sinubukan kong tumayo at doon ko lang napansin na nakatali pala ang mga kamay at paa ko sa isang silya. Nasaan ba ako?

"Atty. Kimura," mahinang sambit ko.

Wala nang ibang gagawa nito kundi siya lang. Walang ibang traydor dito kundi ang mga Kimura lang. Ito na ba ang katapusan ko? Mamamatay na ba ako? Pero hindi ko hahayaang mangyari yun. Kailangan kong makaalis dito at makahingi ng tulong kay Shinobu-san.

Sinubukan kong alisin ang lubid sa pagkakatali sa mga kamay ko pero langhiya lang, masyadong mahigpit ang pagkakatali.

Anong gagawin ko ngayon? Sinuyod ko ng tingin ang buong silid. Walang kahit na anong butas o gamit na pwede kong gamitin para maputol ang lubid maliban nalang sa isang drum na hindi ko alam kung anong laman nun. Tubig siguro.

The Three Brothers and I [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon