Drake's POV
Kagagaling ko lang sa bar. Hindi naman ako naglasing, uminom lang ako ng limang shots ng pinakapaborito kong alak pero aaminin kong may tama na rin ako at pagewang-gewang na akong maglakad paakyat sa second floor ng mansyon namin.
Nang makarating ako ay didiretso na sana ako sa kwarto ko nang makita ng peripheral vision ko ang silhouette ng dalawang tao na naghahalikan sa terrace.
Hindi ko na sana papansinin 'yon dahil baka si Ayato lang 'yan o si Evo at nakikipaglaro lang sa mga babaeng dinadala nila rito sa mansyon. Pero parang may nagtulak sa'kin na titigan ang babae. Kahit hindi ko klaro ang mukha niya ay kilala ko ang may-ari ng katawan na 'yon. That figure that I will never forget.
Lumapit ako para makasigurado at tama nga ako. It was her.
"What the hell?!" hindi ko na napigilan ang inis ko sa nakita ko.
Agad naman silang nahinto sa ginagawa nila dahil sa presensya ko. Why are they kissing? Or should I say, why is Evo kissing Yumi? Fck! May relasyon ba sila behind our back? Nakikisali na naman ba ang ugok na ito?
"Go to your room now, Maiko. We'll talk later." utos niya kay Yumi.
Lalagpasan na niya sana ako pero hinawakan ko siya sa braso. Napatingin siya sa'kin na puno ng pagtataka. She came back.
"Yumi..." I whispered but enough for her to hear me.
"I'm Maiko, not Yumi. Excuse me." at binaklas niya ang pagkakahawak ko sa braso niya sabay tinalikuran na para bang hindi niya ako kilala.
Oh right, I forgot. Again.
Back to business. Agad akong lumapit sa gunggong na kapatid ko at kinwelyuhan siya, "Why are you kissing Yumi?"
"Maiko." Pagko-correct niya. Maiko or Yumi pareho lang 'yon tangina niya, "And please lower down your voice dahil baka magising ang mga tao rito. It's past midnight kaya 'wag kang gumawa ng gulo."
Putek! Tama ba ang naririnig ko? Tangina talaga niya. Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kwelyo at isinandal siya sa pader. Is he bewitching Yumi? Kailangan ko ng sagot pero hindi pa niya ako sinasagot.
"What? Bakit, sino pa ba ang mga tao rito na magigising? Si Ayato lang naman diba? O baka natatakot ka na baka malaman niya ang ginawa mo sa babaeng mahal niya?"
Fck! And now I'm acknowledging that bastard's feelings for her. Bwisit ang Evo na ito. He's taking advantage dahil hindi makaalala si Yumi. If Maiko likes this shit, kakagat talaga siya. Siyempre baka naman may gusto rin ito sa kanya noon pa.
Pero tangina lang! I felt betrayed. Ang buong akala ko ay tutulong siya para maibalik ang alaala ni Yumi. Iyon pala ay kinakalantari na niya.
"Ito ang itaga mo diyan sa bungo mo. Oras na may gawing kang masama kay Yumi, ako ang papatay sa'yo. Naiintindihan mo?" tiim bagang kong tugon sa kanya at pahampas ko siyang binitiwan.
Tumalikod na ako dahil umiinit ang ulo ko sa pagmumukha niya at naaalala ko ang ginawa nila kanina dito sa terrace. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko siyang nagsalita muli.
"Wala akong gagawing masama sa kanya," nilingon ko siya sa ibabaw ng balikat ko, "Dahil mahal ko siya."
Naikuyom ko ang mga kamay ko sa sinabi niya. So that answers everything. Pareho pala kaming tatlo. Pero bakit hindi niya iyon pinakita noon? Dahil ba sa amin kaya nagparaya siya? At kaya ba niya sinasabi sa'kin ito ay dahil ito ang paraan niya para iparating sa akin na mahal niya si Yumi at siya naman ngayon ang magpapakalunod sa kasiyahan dahil nagparaya siya noon? Gano'n ba 'yon? Kung oo, then he's a motherfucking dickhead!
BINABASA MO ANG
The Three Brothers and I [COMPLETED]
RomanceNagpunta si Mayumi Matsumoto sa Pilipinas dahil sa panganib na hinaharap niya sa Japan. Simula nang mapunta siya sa bahay na iyon ay nag-iba na ang ikot ng mundo. Naging mas komplikado at mahirap. Ginagawa lang siyang katulong ng mga magkakapatid sa...
![The Three Brothers and I [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/69477282-64-k849075.jpg)