Chapter 2: Mommy
Alas tres ng hapon pagkalabas palang ng kotse nina Dani at Veronica tumakbo agad sila papunta sa reception area ng resort. "Tsk naka off na yung phone" sabi ni Dani. "Ano ba sinabi niya?" tanong ni Veronica. "I told him pabalik na tayo pero badtrip naman kasi lumay pa tayo e"
"Di naman ako maka reklamo kasi nahihiya ako. I didn't text him anymore kasi nahihiya narin ako" sabi ni Dani. "Relax, sabi mo sa akin he sounded like a nice guy so hanapin nalang natin siya" sabi ni Veronica. "Okay magtatanong ako dito, uy please naman help me" sabi ni Dani. "Sige dito ka tapos try ko maglibot" sabi ni Veronica.
Sumugal si Veronica at nagtungo siya sa beach front. Nakita niya yung isang binata na may hawak ng payong na dilaw, bitbit ang isang batang babae at may bag na nakasabit sa kanyang braso. Tumakbo ang dalaga, humiyaw yung bata kaya lumukso puso niya pagkat namukhaan na niya ito.
"Niña!" sigaw ni Veronica kaya napalingon si Onofre. Lumapit ang dalaga saka inaabot mga kamay niya sa bata. Tinignan lang siya ng bata saka yumakap ng mahigpit kay Onofre. "Come baby, nandon na mommy mo" sabi ng dalaga. Umatras si Onofre, "Ah excuse me miss by the looks of it she does not know you" sabi ng binata.
"She does, ako yung bestfriend ng mommy niya" sabi ni Veronica. "I am sorry I need proof. Can you show some proof or better yet call her mom here" sabi ng binata. "Wait lang" sabi ni Veronica saka nilabas phone niya.
Humiyaw yung bata nang nakikipaghabulan si Onofre sa tubig. "Dani I found her, nandito kami sa beach. Basta dumiretso ka lang from the reception area. Diretso lang tapos makikita mo yung guy na may hawak ng payong" sabi niya.
"Thank God, is that her voice? Siya yung tumatawa?" tanong ni Dani. "Oo grabe ang saya saya niya ha. Dalian mo kasi medyo mataray tong guy na ito. He needs proof daw kasi naman nung inaabot ko si baby aba tinalikuran ako tapos niyakap yung guy" kwento ni Veronica.
Pinatay ni Dani yung tawag saka tumakbo papunta sa beach front. Malayo palang siya nakita niya na anak niya na tumatawa at kapit na kapit sa lalake habang tumatakbo siya pabalik sa buhangin.
"Niña" bigkas ni Dani saka inusli mga braso niya. Natulala saglit si Onofre habang pinagmamasdan yung maganda at long legged na tisay. "Mamaaaa" hiyaw ng bata saka tinuro si Danny kaya naglakad si Onofre papuna sa nanay ng bata.
Lumapit narin si Veronica, pagkalipat ng bata kay Dani ang binata napakamot ng ulo. "Sorry kanina if I was rude pero I hope you understand" sabi niya. "Okay lang" sagot ni Veronica. "Thank you so much. Sobrang thank you talaga" sabi ni Dani.
"Ah okay lang, wala naman akong lakad and I had fun. Para akong nag work out ng arms at extra cardio" biro ni Onofre. "Tagaktak ka nga ng pawis e" sabi ni Dani. "Ah its all good, para malabas mga toxins sa katawan ko. Ah she just finished one bottle of milk, napalitan yung diaper niya minsan...and" sabi ni Onofre.
"One bottle only?" tanong ni Dani. "Ah yeah kasi ah she ate a lot of banana then oh my God..." bigkas ng binata. "Omagaaaa" hiyaw ng bata saka hinaplos mukha niya kaya napanganga sina Dani at Veronica saka nagtawanan. "Oh my God, ayon I am sorry about that she seems to have adapted my mannerism' sabi ng binata.
"Omagaaaa" bigkas ng bata saka tinakpan mukha niya gamit dalawang kamay kaya di makapigil sa pagtawa sina Dani at Veronica. "Ah sige na pala, eto na pala yung bag. Ah itong payong gamitin niyo lang, hiniram ko lang sa front desk. Pakisoli nalang if ever but if di niyo na gagamitin soli ko na" sabi ni Onofre.
"Ay teka naman, I am so thankful. Let me treat you naman to kahit meryenda" alok ni Dani. "I am fine, no need to thank me kasi kasalanan ko naman yon to be honest. Pwede niyo nga ako kasuhan ng illegal entry kasi nagkamali ako ng pinasukan na cottage" sabi ni Onofre.

BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.