Chapter 23: BFF
Kinabukasan ng hapon sa loob ng kotse ni Dani abala sa pagkain ng fries si Onofre. "Grabe ang sarap ng buhay pag may sumusundo sa iyo. Gosh I feel like a girl right now" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga.
"Sure ka ba half day ka?" tanong ni Dani. "Yup, may emergency meeting yung profs sa college namin. I just missed my lunch with Sly, ewan ko kung ano nanaman sasabihin niya" sabi ng binata.
"Yeah nakwento mo nga kagabi na you reconnected. So saan tayo mag lunch?" tanong ng dalaga. "Kahit saan, so how was school today?" tanong ng binata. "Okay lang, medyo naka adjust na ako compared to yesterday na nahihiya talaga ako" sabi ng dalaga.
"Tsk bakit ka nahihiya?" tanong ni Onofre. "Wala, sana nag enroll nalang ako sa school mo para tayo nalang magkasama" sabi ng dalaga. "Oo nga, sayang. Si Ton pala nakita ko kanina, kasama niya yung crush niya hahaha. Buti pa siya" sabi ni Onofre.
"Kasama mo naman ako ah" biro ni Dani. "Sana hindi awkward kung sabihin ko na you look very pretty today. Kanina ko pa gusto sabihin pero di ko sure if tama sabihin pero ayan nasabi ko na. Gandang ganda ako sa iyo ngayon" sabi ni Onofre.
Namula si Dani, nagpipigil ng kilig pero ngumiti nalang siya saka inabot ang binata para paluin ng malambing. "Ikaw talaga" sabi niya. "Totoo, I know it's a new look, basta okay siya" sabi ni Onofre. "Tried something new with my kilay then a new shade of lipstick and konting bagong hair style" paliwanag ni Dani.
"Oo ganyan ka nalang lagi" sabi ni Onofre. "You like this? I mean okay ba talaga?" tanong ni Dani. "Oo kaya, buti nga ikaw yung nagmamaneho e kasi pag ako baka nabangga na tayo kanina pa" sabi ng binata. "Naks, sige saan mo gusto kumain?" pacute ng dalaga.
"Kahit saan. Kulang pa ata pambobola ko" banat ni Onofre. "Oh my God so nagbibiro ka lang?" tanong ni Dani. "Hindi ako nagbibiro, seryoso ako" sagot ng binata kaya super ngiti ang dalaga. "Eto na nagtetext na si Sly" sabi ng binata. "You gave her your number? Diba sabi ko magpalit ka?"
"Bakit mo binigay?" tanong ni Dani. "She asked for it nicely" sagot ni Onofre. "Diba sabi ko sa iyo na its okay to be friends but dumistansya ka na. So how are you going to move on? Grabe ka pinaparusahan mo naman sarili mo e" sermon ni Dani.
"I know but kaya lang naman ako bumigay kasi alam ko nandyan ka" sabi ng binata. "Huh?" tanong ng dalaga. "Oo mahina ako when it comes to her, so sabi ko bahala na pero now I know that you are there for me...right?" tanong ng binata. "Yeah..of course..always here for you" sagot ng dalaga sa nanginginig na boses habang nagpipigil ng kilig.
"I tried my best to resist her pero wala e. Tsk, naipit ako Dani kaya sabi ko alam koi tong papasukin ko its gonna bring pain...pero sabi ko may karamay naman ako...tama ba ako?" tanong ng binata. "Tama, I understand you now. So kalimutan mo na yung mga sinabi ko"
"If di mo talaga siya matiis then just be careful. Know your limits and anytime you need someone to talk to nandito ako" sabi ng dalaga. "I know kaya nga malakas loob ko e. Ikaw na yung BFF ko" sabi ni Onofre.
"Ikaw din naman yung new BFF ko" pacute ng dalaga. "Boy friend forever?" landi ni Onofre kaya medyo nagswerve yung kotse. "What did you say?" tanong ng dalaga. "Boy na friend tapos forever" nilinaw ni Onofre.
"Ah ikaw talaga" sabi ni Dani. "Si Veronica ang GFF mo, girl friend forever. Bago palang tayo so me and her will fight for the right to be the best friend forever title" sabi ni Onofre. "Hahahaha ang dami mong naiisip" sabi ni Dani.
"Oo nga e, pero don't worry sa dami ng naiisip ko nandon ka naman" sabi ni Onofre kaya todo kapit ang dalaga sa manubela. "Nandon din si Ninny of course. Dani I really cannot let her go, I just realized that I still care for her kahit na ganon"

BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.