Chapter 22: Reconnect

7.5K 178 23
                                    

Chapter 22: Reconnect

Unang araw ng klase papunta si Onofre sa canteen nang makita niya si Sylvia. Paspas na tumalikod ang binata at maglalakad na sana palayo nang narinig niya yung boses ng dalaga. Lumingon ang binata at nagkunwaring gulat pero ang magandang dalaga todo simangot at nagtaas ng kilay.

"So its true, iniiwasan mo kami" sabi ni Sylvia. "Huh? Hindi no" sagot ni Onofre. "Anong hindi? Nakita mo lang ako then tumalikod ka agad to walk away, anong tawag don?" sabi ng dalaga. "Pwede naman na naihi ako, kailangan mag unload bago magpunta ng canteen kasi imagine if nakapila ka tapos wiwing wiwi ka na" palusot ng binata.

"Yeah right, nagbago ka na talaga" sabi ng dalaga. "Sabi ko nga sa iyo change is constant. Kung hindi ako magbabago pano na ako mag iimprove? Alangan na Nof version one nalang ako forever. I need to adapt to things to make myself better" banat ni Onofre.

"I see, sorry for bothering you" sabi ni Sylvia. "Uy ano ba problema?" tanong ni Onofre. "I get it already, nagbago ka na talaga. Wala na yung Nof na kilala ko" sabi ni Sylvia. "Tsk naman to o. Huy wag kang ganyan" sabi ni Onofre saka tinabihan ang dalaga saka palambing na binangga.

"Change for the better so you mean to say kami yung masama?" tanong ng dalaga. "Sly naman e" reklamo ng binata. "Ano?" tanong ng dalaga. "Its more complicated than that" sabi ni Onofre. "How is it complicated?" tanong ni Sylvia. "Fine, para malinaw na at matapos na tong issue. I am hurt, ayan plain and simple answer. Di ko na kailangan mag explain. Alam mo na bakit" sabi ng binata.

Huminga ng malalim si Slyvia saka nagsimangot. "If you feel sad then imagine what I feel. Kung kaya mo magsimangot, ako yung simangot ko umikot na, nag three sixty degrees na kaya di na halata sa mukha ko kasi parang normal na. And yes galit ako sa iba, alam naman nila e pero no one even told me. Lalo na yang boyfriend mo, sana naman siya na nagsabi sa akin"

"Or maybe mas maganda if it came from you...yeah it would have hurt but at least ikaw na nagsabi mismo. It really sucks being surprised like that" sabi ni Onofre kaya niyuko ng dalaga ulo niya.

"I thought it would be better that way" bulong ng dalaga. "Better what way?" tanong ng binata. "Na wala magsabi at if makita mo na kami na that you would be able to accept us. Kasi ganon kita kilala e, diba? Ikaw yung magaling umintindi lagi" sabi ni Sylvia.

"Umintindi pagdating sa iyo. Kaya ko intindihin ang lahat basta tungkol sa iyo" sabi ni Onofre. "Kaya nga, iintindihin mo yung happiness ko" sabi ng dalaga. "Sly, ever since yung ang hinangad ko, your happiness. Lahat para sa iyo pero may I am only human. I hurt and I really got hurt"

"Di mo ba inisip yon? Robot ba ako sa tingin mo? I don't want to argue with you. Its lunch time so...hay..tara canteen" sabi ng binata. "Hindi na, wala na ako gana" bulong ng dalaga. "You need to eat...teka nga nasa ba yung boyfriend mo? You should be together" sabi ni Onofre.

"Nakiusap ako sa kanya na kung pwede e ayaw ko sana palitan yung lunch schedule ko" sabi ni Sylvia. "Tsss..lunch with me everyday? Di ko alam kung sadista ka o manhid...surprise ganon pala si Sly" sabi ng binata kaya lalong nagsimangot yung dalaga.

"Alam ko naman may mali ako so maybe I was thinking na makakausap kita ng maayos during our lunches" sabi ni Sylvia. "Hoy, if you think inayos ko schedule ko para sabay tayo lunch mali ka. I tried my best to find a schedule na malaki break before lunch pero wala e, regular na ako" sabi ni Onofre.

"Parang ang laki naman ng kasalanan ko sa iyo" sabi ng dalaga. "Wala kang kasalanan, its your right to choose. I lost, oo siguro sore loser ako pero ang ayaw ko yung tinago ng lahat sa akin. Lalo na ikaw, if it came from you earlier e di sana natanggap ko, siguro lang yon"

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon