Chapter 53: Sweets

7K 156 23
                                    

Chapter 53: Sweets

"Hahaha yan si Boolbs?" tanong ni Dani. "Yup, tapos eto yung daddy ni Shirley tapos eto yung mom niya which is her step mom" sabi ni Onofre. "Grabe super kulot talaga siya hahaha. Pero grabe ang holding hands o, solid" sabi ni Dani saka tinuro yung holding hands nina Shirley at Onofre.

"She loves her teacher so much, second mom turing niya diyan daw. They gave her six months to live five months ago pero now she will undergo another round of chemo" sabi ni Onofre. "Wait, is that even possible? Diba if they told you na may taning ka na then that's it?" tanong ng dalaga.

"Dani wala talaga ako alam diyan e pero sabi ng dad ni at tito ni Shirley they can try chemo. Of course wala guarantee but at least diba they could try" sabi ni Onofre. "Oo nga, ay may sasabihin pala ako sa iyo, sinisiraan ka ata ng isang barkada ko" sabi ng dalaga.

"Huh? Pano? At bakit naman ako sisiraan?" tanong ng binata. "Well di ko naman siya kaclose, barkada meaning kaibigan ng isang kaibigan ko yon. Sabi niya nakita ka daw sa isang bilyaran, not once but five times" sabi ni Dani. "True, I was with Boolbs" sabi ni Onofre.

"And with Shirley?" tanong ni Dani. "Di ah, she does not know I am friends with Boolbs" sabi ni Onofre. "Ahhh..okay" sagot ng dalaga. "Bakit naman ako sisiraan ng barkada mo? Uy baka type ka" landi ng binata. "Ewan ko don, sabi ko lang sa kanya e so what if nasa bilyaran?"

"Di ko magets purpose niya for that sumbong pero I acted as if I didn't care" sabi ng dalaga. "Type ka non, pero gago siya ah. Lumaban siya ng patas" sabi ni Onofre kaya nagulat si Dani at kinilig. "Hayaan mo na, di ko naman type yon e" lambing ng dalaga.

"Pero ang gago niya, parang bata. Walang balls" sabi ni Onofre. "O yang puso mo, kesa na maatake pamigay mo nalang...ay oo may nag mamay ari na pala niyan" sabi ni Dani. "Ako lang nagmamay ari niyan, pag iba na may ari baka patay na ako. Diba?" sabi ng binata.

"Gagi, figure of speech" sabi ng dalaga. "Kahit na figure figure pa yan, it does not make sense. My heart is mine, your heart is yours, without my heart I die. Without your heart, you die" sabi ng binata. "That's a fact Nof" sabi ng dalaga.

"Yes but if my heart and your heart beat together ay iba na yon" landi ng binata kaya natawa yung dalaga sa malanding kindat ng binata. Nakarinig sila ng mga yapak, "Ayan na yung inggitera narinig tawa mo" sabi ni Onofre.

Umakyat si Nina sa lap ng binata saka tumayo. "Japoy Nof" sabi ng binata. "Okay go to mama" sabi ng binata. "What is japoy?" tanong ni Dani. "Jack and Poy" sagot ni Onofre. "She knows? Imposible ka naman" sabi ng dalaga. "Well just watch" sabi ng binata.

"Game Ninny, jack and poy!" sigaw ng binata saka nagpakita ng rock sign habang yung bata paper. "Wow! She won! Hala marunong siya?" tanong ni Dani. "Watch, Ninny Jack and Poy" sigaw ng binata. Gunting sa binata, yung bata papel pero bigla ito nagpalit sa bato kaya natawa ng husto si Dani.

"Madaya yan e pero look its part of learning. Napansin mo nag isip siya ano dapat sign na tatalo sa akin" sabi ng binata. "Japoy!" sigaw ng bata saka nagpakita ng gunting kaya si Onofre nagpakita ng papel. Palakpak si Nina kaya si Dani aliw na aliw.

"Okay lang magpatalo, ang goal dito mag isip siya. Three choices lang naman e. Pero pag tumanda ito tapos ganito parin ginagawa niya kadayaan na ito" sabi ni Onofre. Lumipat si Nina sa binata saka nakipagtitigan, "Ah gusto mo ganon ah sige" sabi ni Onofre.

"Ano yan?" tanong ni Dani pero di kumikibo sina Onofre at Nina. Titigan lang yung dalawa hanggang sa gumalaw yung bata. "Aha" sigaw ni Onofre pero tinuro siya ng bata saka tumawa. "Madaya to talaga, pero okay lang" sabi ni Onofre.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon