Chapter 27: Past Tense

7.7K 156 15
                                    

Chapter 27: Past Tense

Lunes ng gabi inis na inis si Onofre habang nagbabasa siya ng notes. Humarap siya sa laptop niya, nag update ng status ngunit agad agad din niya ito binura. Isang segundo lumipas nakatanggap siya ng private message sa Facebook kaya agad ito binuksan ng binata.

Sylvia: Give me five minutes then I will help you

Nof: Uy hindi, mali yon

Sylvia: Anong mali? Its our distress call, you posted a sad smiley. Oh don't deny it because even if you deleted your post I can still see it sa email

Nof: Kaya ko nga binura kasi nga iba na ngayon diba

Sylvia: Nothing has changed, give me five minutes then tulungan kita.

Limang minuto lumipas nagring phone ng binata kaya agad niya ito sinagot. "Ako nalang tatawag" sabi ni Onofre. "No need, madami ako minutes remember. Ikaw nagturo nung bug sa akin and don't worry di ko tinuturo sa iba" sabi ng dalaga. "Sly thanks pero kaya ko to" sabi ng binata.

"Wala naman ako ginagawa, so tell me whats your problem" sabi ng dalaga. "Hindi lang nag cocooperate tong utak ko. May quiz ako bukas pero parang bigla ako nablablanko now" sabi ni Onofre. "Alam mo napapagod din utak pag sobra aral, alam ko di ka sanay sa ganyan so calm down" biro ni Sylvia kaya natawa ng husto ang binata.

"Salamat ha" sabi ni Onofre. "Joke lang to naman, so break ka kasi muna. Tara usap tayo. Wait are you doing the techniques I taught you?" tanong ng dalaga. "Yes, I do advance reading tapos pag nasa classroom na mas okay na kasi may idea na ako sa sinasabi ng prof tapos pagkauwi browse konti sa notes" sabi ni Onofre.

"Good, up to now di mo parin na overcome yung kaba mo tuwing may quizzes or exams ka" sabi ni Sylvia. "Syempre takot na ako bumagsak no" sabi ng binata. "Just give your brain a rest, baka naman over studied ka na" sabi ng dalaga.

"I ate dinner then nag aral na ako agad" sabi ni Onofre na parang bata na nagsusumbong sa nanay niya. "I see, so you stop now and review early in the morning" sabi ng dalaga. "Takot na ako bumagsak Sly" bulong ng binata.

"Nof, ever since you started to change ganyan ka. Para na tayong sirang plaka. Look you managed to turn your studies around, o diba nakahabol ka na sa regular. Do you remember the last time you failed a quiz? Tagal narin diba?"

"Pero okay din yan para di ka over confident. Listen to me, I am so proud of you nung naging palaaral ka konti" sabi ng dalaga kaya natawa si Onofre. "To naman di pa sinagad, konti pa talaga e" sabi niya. "E totoo naman kasi, may katamaran ka parin" sabi ni Sylvia.

"Guilty, pero I did well naman diba?" sabi ng binata. "Yes you did, regular ka na nga e. Naalala ko pa nung pumunta ka sa bahay tapos umiiyak ka" sabi ni Sylvia. "Uy hindi ako umiiyak non, naka open yung window tapos maalikabok yung daanan" palusot ng binata.

"Hahahaha kilala na kita no. Anyway there is nothing to be ashamed of naman. That night naramdaman ko naman yung willingness to change mo so I am not sorry if naging strict ako sa iyo. Para sa iyo naman yon e" sabi ng dalaga.

"Yeah I know, hey diba nine pa class mo bukas?" tanong ng binata. "Yes Nof I will help you, sa library na tayo magkita ng seven thirty?" sagot ng dalaga. "Teka nakakahiya naman, magpapasundo ka sa kanya baka magtaka siya" sabi ng binata. "No he does not pick me up, hinahatid parin ako ni daddy" sabi ni Sylvia. "Kung okay lang sana" sabi ni Onofre.

"Of course, seven thirty sa library. Ano oras ba quiz mo?" tanong ng dalaga. "Second subject pa naman" sabi ng binata. "Okay good, for now you rest. Then wake up around five in the morning then review a bit tapos tuloy natin sa library" sabi ng dalaga. "Okay, uy Sly salamat ha" sabi ng binata. "Anything for you Nof. Goodnight, hey goodnight as in goodnight na you sleep" sabi ng dalaga.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon