Chapter 19: Sheyos
Sa isang pribadong subdivision pumarada si Martin, tinignan niya una anak niya na nasa front passenger seat saka nilingon si Onofre na nasa likuran. "You two are silent, are you two fighting?" tanong ng matanda. "No daddy" sagot ng dalaga na naunang lumabas ng kotse.
"Di ko po alam bakit nagkakaganyan yan" sabi ni Onofre. "Daddy kasi I told you dalawa nalang tayo. Bakit mo pa kasi siya tinawagan" sabi ni Dani na nasa labas. Lumabas narin sina Martin at Onofre kaya ang dalaga lumayo at dumikit sa kanyang ama.
Pinunatahan nila yung isang bahay sa malapit, bumukas naman agad yung gate at may isang binata ang lumabas. "You must be Dani" sabi agad niya kaya lumapit naman ang dalaga. "Eto siya. Ayan o" sabi ng binata sabay lalong binuksan yung gate para ipakita yung asul na hatchback na kotse.
"See daddy ang ganda" sabi ni Dani habang pinagmamasdan nila yung sobrang kintab na asul na kotse. Basta nalang lumapit si Onofre sa kotse saka kinatok yung hood. "Brod buksan mo" sabi niya. "Okay alagang alaga ito pero di ko na pinag gastusan kasi yung pagpapalinis nung makina ganon" sabi ng binata.
"Buksan mo" sabi ni Onofre kaya nagsimangot si Dani pagkat medyo nagiging mayabang na yung binata. Pagbukas ng hood tumambad ang di kaaya ayang tanawin kaya si Martin napailing din. "Pero the car is working fine, it just looks dirty pero napapalinis naman yan" sabi ng may ari.
"Brod ano mga tama nito? Come on be honest" sabi ni Onofre. "Wala, everything is working fine. Itest drive niyo kung gusto niyo" sabi ng binata. "Brod siya yung bibili, babae siya and she has a two year old daughter. Brod be honest, dalawa sila lagi dito sa kotseng ito at obviously she does not know much kasi nakayanan mo siyang utuhin" sabi ni Onofre.
"Hey, sino ka ba? I am dealing with her" sabi ng binata. "Hey eyes on me. Ano sira?" tanong ni Onofre. "Wala naman masyado.." sabi ng binata. "Tito, Dani, lets go" sabi ni Onofre. "Dani would like to test drive it?" tanong ng binata.
Nagulat sina Martin at Dani nang humarap si Onofre sa binata at nakipagdikitan ng dibdib. "Tuwang tuwa ka siguro kahapon nung nag message siya ano? Siguro entrada palang niya napansin niya na totally clueless siya sa mga kotse"
"Dinaan mo sa sweet talk? Oh look ang porma mo, of course nagporma kasi ang ganda ganda niya. So ano planado ba? Na madadaan mo sa sweet talk? Kunwari babawasan mo ng thirty thousand later yung presyo para good image ka? E yung presyo nga nito dapat nasa one hundred pero binibigay mo sa kanya ng one eighty. Overpriced ka na e, bagong hilamos lang to para tumaas konti sales value"
"Wag ako brod. For the past few days I have been looking for a car for her so medyo alam ko yung presyuhan. Jurassic na tong hatchback mo brod, bagong hilamos lang to tapos iprepresyo mo as if medyo bago pa. Loob ng hood ancient na nga e" sabi ni Onofre kaya niyuko ni Dani ulo niya saka nagpigil ng tawa.
"Nof lets go" sabi ni Martin. "Nakita ko yung post mo e, langya ka bobo ka din e. Sabi sa group na yon ipost narin presyo pero ikaw hindi. Gusto mo pa magpaimportante na PM me for price. Kasi pag pinost mo presyo mo dedma aabutin mo or mga uto uto lang kakagat. Wag ako brod" sabi ni Onofre.
"Ikaw mayabang ka, akala mo kung sino ka" sagot ng binata. "Nof enough" sabi ni Martin pero diniin ni Onofre dibdib niya sa dibdib nung may ari ng kotse, "Ano? Pikon ka kasi nabuking ka? Ha? Tara" sabi ni Onofre kaya lumapit na si Martin saka hinawakan ng madiin si Onofre sa balikat. "Enough" bigkas niya ng madiin kaya umatras na si Onofre.
"Onofre pare, yeah that's my name. Come look for me and I will be waiting for you" sabi ni Onofre. "I said that is enough" sigaw ni Martin saka inakbayan na yung binata.
BINABASA MO ANG
YAYO
Storie d'amoreIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.