Chapter 55: Motibo

7.6K 173 27
                                        

Chapter 55: Motibo

"Nasan ka na? Nandito ako sa labas ng gate ng parking area" nakasulat sa isang text message. "Wait lang, may makulit dito. Di ako makaalis" sagot ni Dani saka tinignan yung binata na kumakausap sa kanya.

Dalawang minuto lumipas nagulat si Dani nang makita si Onofre sa malayo at papalapit na sa kanila. Napangiti si Dani nung makalapit yung binata, si Onofre tinignan saglit yung kausap ng dalaga, nanigas si Dani nang halikan siya ni Onofre pisngi.

Napaatras konti yung kausap ni Dani at pinanood niya na kunin ni Onofre yung mga gamit ng dalaga. "Lets go" sabi ni Onofre saka humawak pa sa kamay ng magandang dalaga. "Ah..sige Ron" paalam ng dalaga kaya lumingon si Onofre saka tinignan si Ron. "Yeah okay, sige next time" sabi ni Ron saka dahan dahan nang tumalikod at naglakad palayo.

Bungisngis si Dani habang naglalakad sila papuna sa kanyang kotse, "What?" tanong ni Onofre. "Parang ang harsh mo" sabi ng dalaga. "Sorry naman, teka do you like him ba?" tanong ng binata. "No" sagot ng dalaga. "No naman pala e, sabi mo kasi makulit e so ayon" sabi ni Onofre.

"Loko ka, kiss with holding hands ha" sabi ni Dani. "Para matapos na, di ka na kukulitin non ever unless makapal talaga mukha niya. Teka sure ka you don't like him ha, kasi if you like him Diyos ko kakailanganin ko mag bakla baklahan soon to correct that mistake if ever" sabi ni Onofre.

"Hahahaha I don't like him, isa siya sa mga makukulit. Manhid sobra I already told him may lakad ako pero daldal ng daldal" sabi ni Dani. Sa loob ng kotse nag ayos pa ng sarili ang dalaga, "Grabe ka magmamaneho ka lang nagpapaganda ka pa? Tinted tong kotse mo oy di ka makikita" sabi ng binata.

"Para sa iyo" pacute ng dalaga sabay tumawa. "Wow naman, pero pogi din yun ah, sure ka di mo type yon?" tanong ni Onofre. "Hindi nga e, tignan mo di pa nga kita pinakilala sa kanya e. If ever he was someone important I would introduce you to him and vice versa" sabi ni Dani.

"Madami bang ganon araw araw?" tanong ng binata. "Not really, yung iba nakakaintindi naman" sabi ng dalaga. "Syempre maganda ka e, expected na yan" sabi ni Onofre. "Uy ano ba? Teka pano ka pala nakapasok?" tanong ni Dani. "Para paraan na yan, you needed me and I was there" sabi ng binata.

"Naks, how sweet pero overkill masyado" sabi ng dalaga. "Overkill ba? Sa akin lang naman e para di na sya mangulit" sabi ni Onofre. "Its fine" sabi ng dalaga saka natawa ng sobrang lakas. "Huy kung makatawa ka, focus sa kalsada" sabi ni Onofre. "E naalala ko itsura niya when you kissed me then held my hand"

"Para siyang nadismaya or nalugi bigla" sabi ng dalaga. "So san tayo?" tanong ni Onofre. "First sorry at you had to come to my school kasi may tinapos kami kanina" sabi ng dalaga. "Wala yon, give and take nga e" sabi ng binata. "Sasamahan mo ako today, visit ako sa derma" sabi ng dalaga.

"Why may allergy ka?" tanong ng binata. "No" sagot ng dalaga. "Bakit ka magpapaderma? Ano ba meron? Wala naman problema sa mukha mo or balat mo" sabi ni Onofre. "Eh part of grooming" sabi ni Dani. "What? What grooming? You look fine, ano ba problema?" tanong ng binata.

"Basta and you are coming with me" sabi ni Dani. "Natural aantayin kita sa labas" sabi ng binata. "Nope, nagpa appointment ako for two. You and me" sabi ng dalaga. "Hahahaha wait, pinapatamaan mo ba ako? Oo ano? Grabe whats wrong with my face?" tanong ng binata kaya natawa yung dalaga.

"Nof wala naman, pero once in a while you pamper yourself naman" sabi ng dalaga. "Alam ko pinapatamaan mo ako e. Ganyan gumalaw mga ate ko if they want to change something in me or pag may di sila masabi. Ano ba problema sa mukha ko?" tanong ng binata.

"Wala no. Porke derma may problema na? Di ba pwede pampering yourself lang?" tanong ng dalaga. "Kung wala naman problema bakit pa magpapaderma? Pangit ba ako?" tanong ni Onofre. "Di ah, gwapo ka kaya" sabi ng dalaga. "Ay talaga? O yun naman pala e, bakit pa derma?" tanong ng binata.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon