Chapter 26: Backfire
Sabado ng bandang alas sais nagising si Onofre dahil sa malakas na iyak ni Karlo. Nainis yung binata, babalik sana sa tulog pero nakita yung LED notification ng phone niya umiilaw. Bumangon siya para kunin phone niya, may dalawang SMS siyang bago at una niyang binasa ay yung galing kay Dani.
"Punta na kami diyan after breakfast" basa ng binata kaya nagising siya ng husto. "Oh shoot" bigkas niya pagkat naalala niya may usapan na sila nina Dani. Binasa niya yung mensahe na galing kay Shirley at medyo nakahinga ng maluwag ang binata.
"Hi Nof, postpone natin pala. Kasi I cannot go biking with only three to four hours sleep. No regrets because I had fun chatting wih you. Yun lang, sleep tight" sabi ng dalaga kaya agad chineck ng binata yung time stamp ng mensahe at nakita na halos ilang minuto lang napadala ng dalaga yon pagkatapos nila mag usap.
Alas otse sa labas ng gate nakita na ni Onofre yung kose ni Dani na paparating. Kumaway kaway na yung binata kaya bumusina si Dani. Pagtigil ng kotse nagsisigaw si Nina at naatat na lumabas kaya sinundo na siya ng binata.
Pagbukas palang kotse tila nag dive na si Nina papunta sa binata. "Sige na ako na magsasara" sabi ni Dani. "Wow Ninny you look so pretty ha" sabi ng binata. Konting hakbang palang palayo ng kotse napalingon yung binata at napatigil ng husto nang makita si Dani.
Suot ng dalaga sobrang tingkad na kulay kahel na maisking dress, ngumiti ito kaya ang binata napanganga. "Wow..sorry pero wow" sabi niya. Natawa si Dani, lumapit at pinalo ang binata sa braso. "I remember I bought matching dresses for us, ngayon lang namin nasuot" sabi ng dalaga.
"Wow..bakit ganyan naman suot mo?" tanong ng binata. "Para sa role, grabe ka naman ipapakilala mo ako sa mom mo so I should look my best" sabi ni Dani. "But its just role playing" sabi ng binata. "Kahit na, parang practice narin no. For one day this might happen again pero pag eto na e di eto na" pacute ng dalaga.
"Ha? Wala ako naintindihan sa sinabi mo parang narattle utak ko dahil sa ganda mo. Muntikan ko pa nabitawan si Ninny" sabi ng binata kaya natawa yung dalaga at tinadtad yung binata ng kurot sa braso para itago ang kanyang kilig.
Sa dining area abala si Criselda kumakain kasama si Tomas at Olive. "Kalooooyy" bigkas ni Nina kaya ang batang lalake napalingon at napasigaw. "Ninny!" hiyaw ng bata kaya napalingon narin sina Olive at Criselda habang si Tomas at Onofre nagsenyasan.
"Good morning po" bati ni Dani. Nabighani sina Criselda at Olive sa ganda ng dalaga pero mga mata nila napatitig ng husto sa holding hands nila ni Onofre. "Ninny! Ninny!" sigaw ni Karlo saka bumaba sa lap ng nanay niya at nagtatalon. Si Nina lumapit sa kanyang kalaro at nakipagtalunan sa kanya.
"Ma, ate...and dad" sabi ni Onofre kaya nagpunas ng bibig si Criselda saka dahan dahan tumayo. "What is it?" tanong ng matanda kaya si Tomas nag fake cough saka tumayo narin. Sumandal si Dani kaya dahan dahan umakbay ang binata at humawak sa baywang ng dalaga.
Nakiliti si Dani at labis na kinilig, ang kamay ng binata nanginginig at wala din pumapasin sa dalawang bata na walang tigil na nagsisigawan sa tuwa. "What is it anak?" tanong ni Criselda. "Nof speak" sabi ni Olive. "Ah..ma..ate.." sabi ng binata kaya tinignan na ni Criselda si Nina.
"Is she my grand daughter?" tanong niya. "Ninny bless lola" sabi ng binata kaya tumingala ang batang babae at tinignan si Criselda. "Ganto o" sabi ni Karlo at nagmano siya sa kanyang lola kaya si Nina dahan dahan lumapit sa matanda at nagmano din.
"Oh Diyos ko such a cute baby girl. Hello apo" sabi ni Criselda saka hinaplos haplos pisngi ng batang babae. "Mama lola?" tanong ni Nina kaya naging teary eyed si Criselda, si Dani nagpipigil talaga kaya di makapagsalita kaya si Onofre napatingin sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.