Chaper 24: Katotohanan
Sabado sa loob ng kotse ni Tomas abalang nakikipagkulitan si Onofre kay Karlo sa likod. "Son, so where are you taking Kaloy?" tanong ni Tomas. "Sa bahay ng kaibigan dad, Kaloy will play with Ninny" sabi ni Onofre. "Ninny! Ninny!" sigaw ng batang lalake.
"Anka slide" hirit ng bata. "Wow he remembers, grabe ha" sabi ni Onofre. "Whats anka?" tanong ni Tomas. "Dad, its uncle. Kaloy who is that?" tanong ng binata. "Lulu" sigaw ng bata natawa yung matanda. "Did you teach him?" tanong ni Tomas.
"Of course dad, eto pa dad. What is your name?" tanong ng binata. "Come on what is your name" ulit ng binata. "Kaluy" sigaw ng bata saka nagsisigaw kaya tawang tawa si Tomas. "So son, is there something you want to tell me?" biglang tanong ni Tomas.
"Like what dad?" tanong ng binata. "I am going to be frank with you, your mom has been bugging me. She wants me to ask you about that cute baby girl" sabi ni Tomas kaya natawa na si Onofre. "Oh my God, I cannot believe it. She thinks I am the father of Ninny?" tanong ni Onofre.
"Are you?" tanong ni Tomas kaya natawa nalang si Onofre. "Son, is she your daughter?" tanong ng matanda. "Dad mamaya kita sasagutin" sabi ng binata. "Come on, just between us. Tell me so I can help you" sabi ng matanda. "Dad, mamaya ko sasagutin yan pagdating natin don. I will let you meet Ninny" sabi ng binata.
Pagdating sa bahay nina Dani naaliw si Tomas pagkat pagkalabas palang ng gate ni Nina ay agad na siya nagsisigaw. "Kaloy!" sigaw ng batang babae habang si Kaloy naman nagturo. "Swing" bigkas niya. Pagkalabas ng gate ni Dani bigla siyang nahiya nang makita yung katabi ni Onofre na matanda.
"Dad this is Dani and her daughter Nina. Dani this is my dad" pakilala ni Onofre. "Hello po" sabi ng dalaga saka lumapit at nakibeso sa matanda. "Okay dad repeat the question please" banat ni Onofre. "No need, we can talk later" sabi ng matanda.
"Dani they think that Ninny is my daughter" sabi ni Onofre. "Ninny bless to lolo" banat ni Dani kaya natawa si Onofre at napakamot sa ulo. "Bwisit ka Dani ha" sabi ng binata. "Dad hindi po" sagot ni Dani kaya muling natawa si Onofre pero sumabay na yung dalaga.
"I am so sorry po, I was just kidding. He is not but sometimes how I wish he was" biglang sabi ni Dani kaya napatigil si Onofre habang si Tomas napangiti. Nangulit na yung dalawang bata, "Dad punta na kami sa park" sabi ni Onofre. "Okay, you know what why don't you invite them over next week. Matutuwa mama mo. We don't have a park in our area but they can play in the house and in the garden" sabi ni Tomas.
"Dani" sabi ni Onofre. "Yes that sounds like a good idea para change of venue naman si Ninny" sagot ng dalaga. "Alright then, we shall be expecting you next week okay" sabi ni Tomas. "Okay po tito" sabi ni Dani.
Nung nasa park na sila nagsigawan yung mga bata kaya si Onofre nagsimulang mag inat. May isang babae na nagtutulak ng stroller ang dumating kaya ang mga bata napatingin sa kanya.
"Oh look it's a baby" sabi ni Dani kaya basta basta nalang lumapit yung dalawang bata doon sa stroller. "Ganyan din kayo noon, maybe after one year kalaro niyo na siya" sabi ni Dani. "Doooog!" sigaw ni Nina nang makita yung isang matandang babae na may dalang aso.
"Cute little kids" sabi ng matandang babae. "Doog" sabi ni Nina. "Its okay you can touch it, hindi siya kumakagat" sabi ng matandang babae. Lumuhod si Onofre saka hinaplos yung aso kaya naaliw yung mga bata.
Tuwing hahaplos si Onofre sigaw ng sigaw si Nina kaya si Karlo gumagawa. "Ang cute cute nila" sabi ng matanda. "Thank you tita" sabi ni Dani. "Last time I saw her she was still in a stroller. Now look at her so cute and pretty" sabi ng matanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/74198412-288-k809247.jpg)
BINABASA MO ANG
YAYO
Roman d'amourIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.