Chapter 45: Ground Zero

7.3K 164 28
                                    

Chapter 45: Ground Zero

Lunes ng hapon nagising si Dani, agad siya nagpanic pagkat wala si Nina sa tabi niya. "Ninny?! Ma! Pa! Ate! Nasan si Ninny?" sigaw niya sa nerbyos. "She is here with me" narinig niya boses ni Onofre mula sa salas kaya paspas siyang bumaba at nakita si Nina nakakandong sa binata habang kumakain ng donut.

"Oh nandito ka pala" sabi ng dalaga na nauapo sa may hagdanan. "Doon ako kay ate uuwi starting today. Wala pa siya don so dumaan muna ako dito" sagot ng binata. "Be right back" sabi ni Dani na tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ni Onofre.

"Duh, mag aayos naman konti. Nakakahiya sa bisita" sabi ng dalaga. "Wag na, lika na dito mainit init pa tong donuts. Maganda ka parin naman kahit magulo yung buhok. Seriously still very pretty with your woke up like this look" sabi ni Onofre kaya napangiti yung dalaga at dahan dahan bumaba.

Pagtabi niya sa binata pinasikat ni Nina yung box ng donuts. "Bakit lahat may kagat?" tanong ni Dani. "Tinikman niya lahat" sabi ni Onofre. "Oh naku naman anak" sabi ng dalaga. "Okay lang yan, I three boxes, nandon yung dalawa. Sorry pala I took her" sabi ng binata.

"Gulat nga ako pag gising ko wala na. Di man lang ako nagising" sabi ni Dani. "Kaya nga e, triny ko pa naman yung fairy tale move, hinalikan kita pero di ka naman nagising" sabi ni Onofre kaya natawa si Dani at nahampas yung binata. "Bola" sabi ng dalaga.

"Totoo, si Ninny nga isang tuka sa cheeks nagising na. Ikaw naka dalawang kiss na ako sa lips mo ayaw mo magising, so that means we are not meant to be" landi ng binata kaya natawa ng malakas si Dani. "Mama shhhhh nosy" sabi ng bata kaya si Onofre naman yung natawa ng malakas.

"Madaya ka! Bakit siya tumawa din ng malakas? Wow ha, anak naman kinakampihan mo si Nof" reklamo ni Dani. "Hehe eat Ninny, bite" lambing ng binata. Kumuha ng isang donut si Dani saka nag cross legs at nag slouch. "Saw your photos, gwapo mo kahapon" sabi ng dalaga.

"Inborn" banat ni Onofre kaya natawa si Dani. "Wag masyado Nof baka tangayin ng hangin ni Ninny" sabi ng dalaga. "Wow naman, puri sabay laglag" sabi ng binata. "You two look perfect for each other" sabi ni Dani.

Di sumagot si Onofre kaya lumapit yung dalaga at siniko ang binata palambing. "Did you hear what I said?" tanong ng dalaga. "Yup, masarap ba yang napili mo?" tanong ng binata. "Okay naman, bakit iniiba yung topic?" tanong ng dalaga.

"Sa kasal kahapon there was this guy, Shirls said mortal enemy niya yon. I got to talk to the guy kasi nga di ko nagustuhan yung mga mga asar niya kay Shirls. Sabi niya din mortal enemies nga sila, paligsahan daw sila sa grades pero alam mo I feel something else" sabi ng binata.

"What something else?" tanong ng dalaga. "Ewan ko, doon sa guy ko naramdaman. I think he likes her. Yeah I really think he likes her" sabi ng binata. "Grabe ka, Shirley is pretty, its normal for pretty girls like us to have lots of suitors" landi ng dalaga.

"Hahahaha nasingit mo pa talaga yon" sabi ng binata. "So what if he likes her? Sabi mo nga you two are dating e" sagot ni Dani. "Matalino yon Dani, palitan daw sila sa number one. Tapos he saved her from being expelled before. At eto pa ha, he lost a lot of teeth because she kicked him" kwento ng binata.

"What?" tanong ng dalaga. "Karatista pala sila ng papa niya. Basta naglokohan sila noon grade two ata yon, he lost his teeth pero alam mo parang bale wala sa kanya. Then he made a big sacrifice pa, kasi daw para daw silang robot. Sabi niya as long as they co exist they will remain as robots trying to be the best so nag sacrifice siya at nag off the grid" sabi ni Onofre.

"The terms naman, explain" sabi ni Dani. "Hindi siya nag Facebook, hindi siya nagparamdam sa classmates, basta ganon para daw magka social life si Shirls. Kasi daw if she knows he is just around then robot mode daw si Shirley trying to reach the top or trying to be always better than him" sabi ni Onofre.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon