Chapter 54: Sandalan
Isang araw sa loob ng kotse ni Dani abala si Shirley na pinagmamasdan si Dani habang nagmamaneho ito. "Sis super easy pag matic, now ang badtrip lang talaga is pag yung sinusundan mo sira yung back lights. Ay grabe babantayan mo talaga if babagal siya e" sabi ni Dani.
"Ninney" bigkas ni Onofre. "Nofey" sagot ng bata kaya biglang nagtawanan yung mga dalaga. Napalingon si Shirley para tignan yung dalawa sa likuran, "Ninney" sabi ni Onofre saka umakting na wala siyang kabuhay buhay kaya gumawa yung bata. "Nofey" sagot niya saka umakting na lumaypay din.
"Kunan mo nga sila ng video" sabi ni Dani kaya game na game na nag video si Shirley. Tinuro ni Onofre si Shirley, "Bakit mo kami kinukunan?" tanong niya pagalit kaya tinuro din ni Ninny ang dalaga saka nag German. Laugh trip yung dalawang dalaga pagkat nagtaray talaga si Nina pero pagkatapos din lang tatawa siya ng malakas.
"Ano?!" sigaw ni Onofre. "Ano?" gaya ni Nina pasigaw. "Ano? Tara!" sigaw ni Onofre. "Ano!!! Tawaaaa" hiyaw ni Nina na ginagaya talaga yung galit na itsura ng binata pero dahil sa tawanan nina Dani at Shirley ay nakitawa narin yung bata at pumalakpak.
"Bakit kayo tumawa?" tanong ni Onofre. "What are you teaching her?" tanong ni Dani. "Wala lang, just in case mapaaway siya e at least malamang nila palaban siya" sabi ng binata. "Ay teka, tignan niyo ano mangyayari sa kanya. Alam na niya tong lugar na ito e. Ninny look o, what is that building over here?" landi ni Dani.
Nanlaki yung mga mata ng bata, "Nooooo! Mama! Noooo" sigaw ng bata saka tumayo at pinagyayakap si Onofre. "Ninny we need to go to the doctor for your bakuna" lambing ni Dani. "Noooo! Sakit! Nof sakit" sigaw ni Nina kaya natatawa na si Shirley pagkat nagpapanic talaga yung bata. "Ninny listen to me, you need this. Para healthy Ninny" sabi ni Onofre pero bigla siyang kinurot ng bata sa pisngi.
"Kyaaas! Please" bigkas ng bata saka inaabot mga kamay niya sa dalaga. "Hala, okay come" sabi ni Shirley saka kinuha yung bata. "Stop! Mama stop!" sigaw ni Nina saka niyakap si Shirley. "Kyaaas sakit Kyass" sabi ng bata na naluluha na.
Pagkaparada nila nagwala si Nina kaya nahirapan si Shirley sa kanya. "Akin na" sabi ni Onofre kaya sumama yung bata sa binata. "Everytime bibisita kami dito its either me or si mama ang magulo ang buhok at puno kami ng kurot sa mukha" sabi ni Dani.
"Sige na mauna kayo, sunod kami" sabi ni Onofre. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Dani. "I will just prep her and talk to her" sabi ng binata. "Nof it wont work, mas maganda diretso na tayo para matapos na agad" sabi ni Dani. Tinignan lang siya ng binata saka naglakad siya palayo.
Ilang minuto sa loob ng clinic napatayo na sina Dani at Shirley nang makita sina Onofre at Nina. Todo yakap yung bata sa binata, sumigaw na ito pero nakipagtitigan si Onofre. "Ninny" lambing ng binata saka nakipag nose to nose sa bata. "Sakit Nof" sabi niya.
"Yes I know, strong Ninny. Okay? Strong" sabi ng binata. Tumayo yung doktora saka lumapit. "Nina ang laki mo na, is this your daddy?" tanong niya kaya napanganga si Dani. Naluluha na yung bata pero paulit ulit na nagbulong yung binata sa tenga nito.
May assistant na umalalay, inalis yung sapat ng bata saka pinatayo siya sa tapat ng wall. "Wow Nina you grew taller" sabi ng assistant. Nakaluhod si Onofre na pumalakpak kaya yung bata pumalakpak din. "Tall Ninny wow" sabi ni Onofre. "Tall Ninny o" sabi ng bata kaya si Onofre tumayo saka siya naman yung sumandal.
"Tall Nof" sigaw ng bata kaya naaliw yung doktora. "Ang talkative na niya" sabi ng matanda. "Mama tall!" sigaw ng bata kaya si Dani naman yung nagpasukat ng taas. Sumunod si Shirley kaya si Nina nagpabuhat kay Onofre at kunwari sila yung nagsusukat ng taas ng mga dalaga.

BINABASA MO ANG
YAYO
RomantizmIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.