Chapter 14: Troops
"Nof ang dami palang gwapo dito sa school niyo" sabi ni Ton. "Nagtataka ka pa e tignan mo nalang ako" sagot ni Onofre kaya natawa si Veronica. "Nakakabaliw kayong kasama. As in first time ko naka experience na isang gay at isang guy kwelang kwela sa isa't isa" sabi ng dalaga.
"Di mo ba kasi naisip na si Nof ay kalahi ko pala" landi ni Ton. "Hindi mo din ba naisip na nagpapanggap lang si Ton para mapalapit sa iyo?" bawi ni Onofre kaya muling natawa yung dalaga.
"So this is my school, parang di pa ako ready pumasok. Di ko alam parang bitin yung bakasyon pero pag nag iisip ako ng pupuntahan pa wala naman ako maisip" sabi ni Onofre. "Two weeks pa bago pasukan. Full load ka ba?" tanong ni Ton. "Sa wakas oo, kaya nga di ako nag summer class kasi reward ko yon. Regular na ako this sem pero one year delayed pero regular na" sabi ni Onofre.
"At least desidido ka na mag aral" sabi ni Ton. "Oo kailangan din e. Di naman sa natakot ako sa dad ko pero tama siya. I need to graduate and get a nice job. Well bibigyan daw nila ako ng nice job if my grades are good. Wala daw favoritism, pag mababa daw grades ko doon daw ako itatapon sa trabaho na match sa grades ko" sabi ni Onofre.
"Well at least may trabaho, ang dami kayang graduates kahit na maganda grades e wala makuha" sabi ni Veronica. "Ah basta swerte ka, lalo na si Dani kasi kahit di na mag aral yon e mamanahin naman niya yung business nila" sabi ni Ton.
"Kailangan parin niya, I will encourage her to go back to school" sabi ni Onofre. "Kayo na ba?" tanong ni Veronica kaya nagulat yung binata. "Grabe saang galing yung tanong na yan?" tanong ni Onofre. "Just a question, are you two dating or seeing each other" sabi ng dalaga.
"Dating? No. Seeing each other yes, I mean lagi kami lumalabas. So mamaya itatanong mo din ba si Ton if nag date kami. Or siya ba magtatanong if we are dating? Grabe ka naman Veron, porke lagi kami lumalabas dating agad?" sagot ni Onofre.
"Nagtatanong lang naman" sabi ng dalaga. "After today labas tayo bukas, tayong dalawa lang tapos tignan ko nga kung ano din isasagot mo if may nagtanong sa iyo" sabi ng binata. "Sabihin ko barkada" sagot ng dalaga.
"O yan, bakit pag kami ni Dani e may issue agad?" tanong ni Onofre. "Nagtatanong lang po kasi parang ang close close niyo na sa isa't isa" sabi ni Veronica. "Ang labo mong babae ka, ang goal mo sa barkada at tropa maging close sa isa't isa diba?"
"Ano naman sense na sabihin mo tropa ko yan pero di naman kayo close or wala ka alam about him or her? Diba? Nainggit ka lang ata kasi lagi ko sila nililibre, alam mo Veronica sabihin mo lang" lambing ng binata kaya natawa si Ton. "Hindi inggit, try mo yung term na selos" sabi ng bading.
"Hoy" reklamo ni Veronica. "Veron totoo ba?" tanong ni Onofre. "Hindi no, pinagsasabi mo naman Ton" sabi ng dalaga. "Aba e di mali ako" landi ng bading. "Syempre bestfriend ko si Dani so I wanted to know. Concerned din naman ako sa kanya no" sabi ng dalaga.
"Veron never pa ako nagka girlfriend at wala pa ako nilokong babae. Relax ka lang but I am not saying I am dating Dani. If it looks that way then I am sorry, wala ako alam sa ligawan stages or whatever so if I am crossing boundaries I apologize" sabi ng binata.
"Uy don't be like that, nagtatanong lang ako" sabi ni Veronica. "Hindi talaga, yes we do go out and yes naging close kami at sana ganon sa inyo. Dani met my old friends, its time for me to grow, naks. Time for me to join new friends" landi ng binata. "Dami mong alam, sabihin mo bitter ka parin" sabi ni Ton. "Aminado naman ako pero seryoso ako sa pagiging close sa inyo"
"Madami din ako mali sa dating tropa ko at sana dito sa bago gusto ko gawin tama. Karamihan sa kanila nag start kami magkakilala dahil sa kalokohan, oo high school classmates pero dahil sa kalokohan. Kaya most of the time lagi ako pinagtritripan"
BINABASA MO ANG
YAYO
RomanceIsang binata na bigo sa pag ibig... Isang dalaga na nagnanais ng pagbabago... Isang babae na nalilito at malapit nang mawalan ng landas... ...at isang bata na maglalapit lapit sa kanilang lahat.
