Chapter 17: Ebiesbi

8.5K 180 9
                                        

Chapter 17: Ebiesbi

"Noff! Noff!" sigaw ni Nina pinagdadabog yung lamesa. "Basta makarinig ng busina akala niya si Nof" sabi ni Dani. "Well because its him" sabi ni Martin na nakadungaw sa bintana. "Si Nof?" tanong ng dalaga. "Yes" sagot ng ama niya.

"Hala, nakapambahay ako. Nakakahiya. Kayo po muna bahala sa kanya" sabi ni Dani sabay paspas na umakyat sa second floor. Lumabas si Martin para buksan yung gate, ilang saglit nagsisigaw na si Sarah pagkat lumabas ng pintuan si Nina. "Nooofff" hiyaw ng bata saka pinagtuturo yung binata sa may gate.

"Sir" bati ni Onofre, "Come in" sabi ni Martin. Nagtatalon si Nina kaya agad siya kinarga ng binata. "Hello Ninny, how are you?" lambing ng binata. "Noff! Lolo si Noff...lola si Noff si Noff" bigkas ng bata sa tuwa. "Iho samahan mo nalang siya kasi she is still eating breakfast" sabi ni Sarah.

"Ay sorry po" sabi ni Onofre. "No its okay, come inside at ikaw nalang magtuloy" sabi ni Sarah. "Eat Ninny?" tanong ng binata. "Eat! Eat!" sigaw ng bata saka tinuro yung pintuan. Pagdating sa dining table napalingon si Onofre, "Nasa taas naliligo" sabi ng kasambahay. "Ay sige po" sagot ng binata saka naupo.

Ilang minuto lumipas sa may hardin sumulpot ang bagong ligong si Dani. "Hello" bati ng dalaga kaya ang binata napalingon at pansamantalang nanigas. Pinagmasdan niya si Dani habang nagpupunas ito ng buhok, suot niya matingkad na orange na sleeveless blouse with matching shorts.

"You look so vibrant" sabi ni Onofre. "Hahaha nasilip kita sa window, type ko yung kulay ng orange shirt mo so nainggit ako. Naalala ko may mga di pa ako nasusuot na damit so eto" sabi ng dalaga. "Vibrant and I must say you look very pretty today" sabi ng binata.

"Hahaha wala naman nagbago, namiss mo lang siguro ako" biro ng dalaga. "Siguro nga, ah speaking of shirt etong shirt ko, hulaan mo sino namili nito for me" tanong ng binata. "Ate mo?" tanong ni Dani. "Nope, not family related" sabi ng binata.

"Don't tell me you went out on a date with Veronica" sabi ni Dani. "Nope, di ka maniniwala pero si Shirley" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Sa panaginip mo?" tanong ni Dani. "Seryoso, magkasama kami kahapon" sabi ng binata. "Wow, another chance encounter" sabi ni Dani.

"As in grabe nagulat ako. Tapos ginamitan niya ako ng super powers niya. Nilibre ko siya pero sinamahan niya ako muna to buy shoes" sabi ng binata. "Oh, so happy ka pala kahapon" sabi ni Dani na dinaanan ang binata para puntahan ang kanyang anak na naglalaro sa damuhan.

"Very happy" sabi ng binata kaya napalingon ang dalaga. "At bakit?" tanong niya. "Di ka ba nagcheck ng FB? Inadd niya ako" sabi ni Onofre. "Hahahaha oh come on, di mo natiis kaya inadd mo siya ano?" tanong ni Dani. "Seryoso, she added me. While we were waiting for the food she added me"

"Tapos eto pa, may rason bakit di niya ako pinakilala sa friends niya" sabi ni Onofre kaya nagkwento na siya. Nung matapos ang kwento niya binuhat ni Dani si Nina saka dinala sa loob. "Uy naglalaro pa siya" sabi ni Onofre. "Ayaw ko siya maarawan tapos may nakita akong lamok, nakakainis ang mga lamok. Badtrip" sabi ng dalaga.

Sa salas naupo si Dani pero nagulat siya nang dumikit sa kanya yung binata saka inagaw si Nina. "Happy ako kahapon Dani, di ko maexplain" sabi ng binata. "Good for you, so ligawan mo na. Ano pa inaantay mo?" tanong ng dalaga. "Nope, di pa siya naka move on. Masaya na ako na real friends na kami at yung mag iniisip ko noon e mali pala ako" sabi ng binata.

"So why are you here? Just to tell me that news?" tanong ni Dani kaya tinignan siya ng binata. "Di naman, namiss ko si Ninny e" sabi ng binata. "O di kayo mag usap" banat ni Dani kaya natawa yung binata. "Ninny selos mama mo o" sabi ng binata.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon