Chapter 34: Sandalan

7.3K 148 23
                                    

Chapter 34: Sandalan

Isang maulan na araw sa loob ng isang mall biglang nagtago si Shirley sa likuran ni Onofre. Lumingon yung binata pero kumapit yung dalaga sa shirt niya sa likuran saka siya hinihila papunta sa isang tabi. "Uy whats wrong?" tanong ni Onofre.

"Basta tara don dali" sabi ni Shirley. "No, bakit ba?" tanong ng binata. Niyuko ng dalaga ulo niya saka sumentro para maitago siya ng katawan ng binata. "Tsk nandyan sila" sabi ng dalaga. Lumingon si Onofre saka tinignan yung bawat mag nobyo na dumadaan. "Saan?" tanong niya.

"Doon sa tapat ng bookstore" sabi ni Shirley. "Wow ha, matang lawin ka? Ang layo pa nakita mo na. O baka naman naka on pa GPS ng niya sa puso mo" banat ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Tara na, akyat nalang muna tayo sa second floor" sabi ni Shirley.

"Shirls ano ba talaga? Bakit ka nagkakaganyan?" tanong ng binata. "Basta ayaw ko sila makita" sabi ng dalaga. "Sa inaasta mo para bang ikaw yung may sala. He cheated on you. Sorry ha I never experienced a break up pero sa tingin ko hindi naman ata tama yan" sabi ng binata.

"Basta can we just go upstairs" sabi ng dalaga. "No, tara" sabi ng binata. "Nof naman e, please naman o" sabi ni Shirley. "Ano ba talaga? Gusto mo mag move on? Tara humarap ka don o baka natatakot ka kasi mahal mo parin siya" sabi ng binata.

"Hindi na no" sabi ng dalaga. "O yun naman pala e, tara. Ano ba masama if magkita kayo? Tara, ako bahala sa iyo" sabi ni Onofre. "Nof please, wala din naman ma accomplish if we do this" sabi ng dalaga. "Meron, face the problem head on nga e. Ayaw mo lang kasi baka paglapit sa kanila bigla mo siya yakapin at paghahalikan" sabi ni Onofre.

"Kadiri ka, baka buntalin ko pa" sabi ni Shirley. "Ayan, tara tara" udyok ng binata kaya natatawa si Shirley pero labis na natetense. Habang papalapit sa bookstore nanganatog na mga tuhod ng dalaga, "Shirls aakbayan kita" sabi ni Onofre.

"Ha?" tanong ng dalaga. "Aakbayan kita" sabi ng binata saka inakbayan agad ang dalaga. "Don't bow your head, poker face ka. Look at them straight on. Be civil and smile, if you cannot then poker face ka lang. Kung pinansin ka pansinin mo din pero wag ikaw ang unang mag initiate" sabi ng binata.

Pagkalapit sa bookstore natense si Shirley pagkat nakita na siya ng ex niya. Maski yung bagong nobya nung binata tinignan si Shirley. "Uy bigkas nung lalake, bago makasagot si Shirley binangga ni Onofre yung kalahiting dibdib nung binata. "Hey" bigkas nung lalake.

Mala slow motion yung pagtingin ni Onofre sa kanya, "What? You are partially blocking the entrance" sabi niya saka humarap na nagtuloy ng lakad tangay tangay si Shirley. "Wag kang lilingon, diretso lang tingin as if they don't matter" bulong ng binata kaya si Shirley medyo napangiti.

Sa isang section sila tumigil kung saan natatanaw yung entrance. Pacute na sinuntok ni Shirley sa tiyan yung binata kaya si Onofre napatingin. "What?" tanong niya. "Loko loko ka" sabi ng dalaga. "O bakit tama naman ako ah, nakaharang siya, tinatamad ako umurong e" sabi ni Onofre.

"Siya una pumansin, di ako naka reply man lang" sabi ni Shirley. "O you wanted to reply? Tara reply ka samahan kita" sabi ng binata. "Wag na, pero honestly it felt good" sabi ng dalaga. "Seeing him?" tanong ng binata. "No, what you did" sabi ni Shirley saka natawa. "Really? Para sa iyo yon pero alam ko kulang yon"

"Gusto mo saktan ko talaga siya?" hirit ng binata. "No, basta it felt good. Di ko maexplain e. So now what? Nandon parin sila sa entrance" sabi ni Shirley. "Yun na nga e, pasubo din mga yan. Bili nalang tayo ng coloring books, ireregalo ko kay Ninny at Karlo ulit. Oh educational book siguro" sabi ng binata.

"Tinitignan ka" bulong ng dalaga. "Really? Ang style diyan e I should look tough. Kumusta pose ko? Mukha ba akong tough guy?" tanong ng binata saka pinalaki konti katawan niya. Nagtakip ng bibig ang dalaga saka tinungo ang kanyang ulo. "Urong tayo dito para nakikita ka din, tumawa ka din naman para malaman niya kaya kita patawanin"

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon