Chapter 38: Weakling

7K 167 22
                                        

Chapter 38: Weakling

Nakatayo si Onofre at Shirley sa tapat ng isang malaki at magarang building na itsurang bahay. "Wow, parang bahay ng artista ng Hollywood" sabi ng binata. "Nof you are not allowed to take out your phone and take photos lalo na yung mga patient sa loob" sabi ng dalaga.

"Yeah I get it, they want privacy" sabi ng binata. "Correct, most of the patients don't want to be called patients, they want to be called clients. Sila yung ayaw ipagsabi na may sakit sila na malubha" sabi ni Shirley. "So parang ospital narin ito ano?" tanong ng binata.

"Care facility, one day this is where I will be working" sabi ni Shirley. "Grabe yung mga nakaparadang kotse o, alam mo talaga big time mga clients dito" sabi ni Onofre. "Sinabi mo pa, yung ibang bisita dadating through chopper no. May helipad sa likod good for two. Meron kami isang emergency chopper just in case meron isang kailangan ng emergency operation due to complications" sabi ng dalaga.

"Grabe may ganito pala sa Pinas" sabi ng binata. "Meron no, mas bongga pa nga yung isang rehab center for the rich, I have been there once with my dad" sabi ng dalaga. "Bakit may relative kayo don?" tanong ng binata. "Oh no, yung isang head don classmate ng dad ko sa med school. Ang yabang niya grabe, todo pasikat about that place"

"Anyway lets go in" sabi ni Shirley. Pagdating nila sa lobby may magandang receptionist na sumalubong sa kanila. "Shirley is that your new boyfriend?" tanong niya kaya natawa yung dalaga. "Ate Susan meet Nof. Nof meet ate Susan. Ate he is my new bestie" sabi ng dalaga.

"Hello, let me remind you that you are not allowed to take photos. If you need to answer a call or send e text message you have to do it outside or in a designated area" sabi ni Susan. "Understood" sabi ni Onofre saka inabutan siya ng guest ID. "Sige ate, ipapasyal ko lang siya sa loob" sabi ni Shirley. "Mas mabait ito kesa dun sa ex mo" banat ni Susan kaya natawa si Shirley habang si Nof napakamot.

"Mayabang yung isa" singit nung guard kaya nagtakip na ng bibig si Shirley. Pagpasok nila sa main entrance tumigil yung dalaga, "Oh wow, ang lawak" sabi ng binata. "Nof eto ha, if ever may naka open na door wag na wag kang sisilip sa loob. Respect their privacy" sabi ng dalaga.

"Got it, pero ang ganda dito hindi amoy ospital. Amoy hotel" sabi ni Onofre kaya natawa yung dalaga. "Yes, each room is like a big suite. Most of the patients here may mga care giver pa silang personal pero yung mga wala kami nagproprovide. They will stay with the patient twenty four hours so parang diyan narin sila nakatira" sabi ng dalaga.

"Ang mahal siguro ng bayad dito" sabi ng binata. "Hmmm lets just say kaya nila magbayad" sabi ng dalaga. Habang naglalakad may nagbukas na pintuan sa dulo, "Mama mo" sabi ng binata. Kumaway si Shirley, si Anabel sumenyas kaya nagmadali yung dalawa lumapit.

"Prep up and assist me with room one o four and two o seven. Minda had to go early because of her son not feeling well in school" sabi ni Anabel. "Okay, akin na charts ma" sabi ng dalaga. "Hello Nof, sorry medyo busy kami" sabi ni Anabel na biglang umalis.

"Emergecny ba? Can I help?" tanong ni Onofre. "No its just routine procedures, tara I need to get sterile. Ikaw narin if you want to come" sabi ng dalaga. Ilang minuto lumipas sa tapat ng room 104 bitbit ni Onofre ang isang plastic containter. "Ready?" tanong ng dalaga. "Yup, this is so exciting" sabi ng binata. "Remember, all smiles ha and don't look around the room. Focus on the patient, all smiles" sabi ni Shirley.

Pagpasok ng kwarto super ngiti yung dalawa, "Shirley" bigkas ng isang matandang babae. "Hello po tita Ramona, how are you today?" tanong ng dalaga. "Eto wala parin buhok" biro ng matanda saka inayos wig niya. "Tita we are here to get your blood ha" sabi ni Shirley kaya doon na napailing si Onofre.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon