Chapter 50: Mermaid

7K 153 17
                                    

Chapter 50: Mermaid

Sa tabi ng pool talon na ng talon si Nina sa tuwa, "Wait Ninny, suot muna nating floaters mo" sabi ni Onofre saka lumuhod. "Blue" bigkas ng bata. "Yes the water looks blue Ninny. Okay are you ready? Oh wait let us get this camera ready" sabi ng binata.

Nauna si Onofre sa pool saka inayos yung Go Pro sa gilid, "Okay Ninny lika na" lambing niya saka sinundo yung bata at binuhat. Super tili si Nina saka pinagpapalo yung tubig. "Hahahaha say hi to the camera, there o" sabi ng binata. Todo kaway si Nina saka nagposing pa kaya laugh trip si Onofre.

"Float ka ha, don't be scared...relax Ninny. Behave" sabi ng binata. Parang takot yung bata pero pagbitaw ng binata nag float naman yung bata. "Very good girl, very good Ninny" sabi ng binata saka humawak sa bata at pinaghahalikan ito.

"Okay Ninny for the real project, hold breah ah. Sana maalala mo pa pero ganito o" sabi ng binata saka nagpigil ng hinga. Gumaya yung bata kaya tinuka tuka ulit siya ng binata sa pisngi. "Okay Ninny follow me okay?" lambing ng binata.

Pigil hininga si Onofre saka dahan nagpababa hanggang sa lumubog siya sa tubig ngunit litaw parin ilong niya. Dahan dahan niya binaba si Nina kaya ang bata todo pigil hininga hininga din. "Very good! Very very good Ninny" sabi ng binata. "Okay now we go lower, watch me first ha" sabi ng binata saka lumubog talaga.

Pag ahon niya ng ulo niya palakpak si Nina kaya tumawa yung binata. "Can you do that? Sabay tayo? Try natin ha" lambing ng binata. Sabay sila nagpababa, lubog na sila sa tubig at kitang kita ni Onofre ang bata na nagpipigil ng hininga pero nakapikit ito sa ilalim ng tubig.

Pag ahon nila todo yakap si Onofre sa bata na tumatawa ng malakas. "Very good girl. Super good girl Ninny" sigaw ng binata sa tuwa. Ilang beses sila umulit hanggang pinilit ng binata na buksan ng bata mga mata niya. "Ninny open eyes ha, open ha" lambing ng binata.

Paglubog nila nakabukas talaga mga mata ni Nina, sa ilalim ng tubig kumaway ang binata at kitang kita ni Onofre na ngumiti pa yung bata at naturo siya. Pag ahon nila pareho silang hingal pero super yakap si Onofre sa bata. "Very good, did you see me? Kita mo si Nof?" tanong ng bata at biglang nag German ang bata at tinuturo yung tubig saka yung binata.

"Yes, you saw me. Come kabit natin yung stick sa Go Pro. You float first, can you do that? Float Ninny, floot good girl ha" sabi ng binata saka binitawan saglit yung bata para makabit yung stick sa camera.

"Ayan Ninny, swim tayo ha. Under water tapos may video para makita ng mama mo" sabi ng binata. "Swim" bigkas ng bata sa tuwa saka pinagpapalo yung tubig. "Yes, grabe ka atat ka. Okay are you ready?" tanong ng binata habang yakap yung bata sa may kanan niya. "Ninny hold your breath" sabi ng binata at sabay sila nagpigil ng hininga.

Lumubog na sila, lumangoy si Onofre dala si Nina at lumipas ang ilang segundo umahon sila. Hingal yung bata pero nakayanan nito ngumiti. "Ninny look where is your towel?" tanong ng binata kaya lumingon yung bata. Naaliw si Onofre sa gulat na expression ng bata nung makita niya yung twalya sa malayo. "Nof o" sabi niya.

"See that, nag swim kasi tayo. Balik tayo don? Ha?" Go there tayo?" lambing ng binata kaya muli sila pumailalim. Pag ahon nila napasigaw si Nina at pinagtuturo yung twalya niya. "Yes baby kasi nagswim tayo" sabi ng binata.

Limang minuto lumipas pinakapit ni Onofre yung bata sa edge, "Ninny stay ha, dito ka lang okay. Okay?" lambing ng binata at tinungo naman ng bata ulo niya. Lumayo si Onofre hanggang sa gitna, "Ninny come, swim ka. Come to me, come Ninny" sabi ng binata. "Swim" bigkas ng bata.

"Yes, under water ha, one..two..three" bigkas ng binata saka nauna siya umilalim. Kitang kita niya yung bata na sumisid din at lumangoy talaga papunta sa kanya. Nakuhanan ng video ni Onofre yon kaya pagabot ng bata sa kanya agad niya ito niyakap at inahon.

YAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon